Chapter 2 [BMF] Anghel si Kuya.

90 6 0
                                    

Chapter 2 [BMF] Anghel si Kuya.

“Miss, magkano ba ‘tong black shirt na ‘to?” tanong ko sa isang saleslady.

“Sir, 545.50 pesos lang po”

“Sige kukunin ko na ‘to. Pati din pala ang isang ‘to. At tsaka ito isama mo na din.”

“Okay po sir. Punta na lang po kayo sa counter. ^_^”

Ibang klase talaga ang charms ko. Bago ako umalis, yung saleslady nagpa-cute pa. Tanggap ko naman na sobrang gwapo ko eh! ^_^

Nasa 2000 yung napamiili ko. Wala lang. Trip ko lang. Para madagdagan naman yung mga damit ko,

Lumabas na ako sa mall.

Dumiretso na ako sa parking lot.

Dala ko kasi yung kotse ko.

I’m only 18 but I can drive on my own.

Gusto niyo bang makilala ang gwapong creature na tulad ko?

Cyrus Angelo Castro is the name. Pangalan pa lang gwapo na diba? Kapal lang! We own some business here in the country. Ang parents ko ay nasa ibang bansa ngayon. They’re trying to branch our business out of the country. Yun na muna sa ngayon. ^_^

On the way na ako sa bahay namin pero naisip kong dumaan muna sa bahay ng bestfriend ko.

Nang may matanaw akong babaeng nakatalikod mula dun sa lugar na bihirang puntahan ng mga tao dahil nga marami ng balita ng nakawan, hold-up-an at kung anu-ano pa ang naganap doon. Oh well, sadyang tago yung lugar kaya siguro ganun.

I parked the car somewhere na malapit dun sa lugar na yun. Bumaba na ako sa kotse at unti-unting lumapit dun sa babaeng nakaluhod habang rinig na rinig ko yung pag-iyak niya.

“M-miss, okay ka lang ba?”

“Waaah! Wag kang lalapit! Jusko po wala na akong perang maibibigay pa! Waaaaaah!” sabi niya habang yakap-yakap niya ang sarili niya. Tsk. Kawawa naman.

“Don’t worry I won’t hurt you. Now, pwede ko bang malaman kung anong nangyari sayo?”

“K-kasi..y-yung *sniff* mga mukhang orangutan na lalaki. *sniff* Tinangay nila yung mga gamit ko! Waaaah!” patuloy yung paghagulgol niya. Ano kayang gagawin ko dito?

“I can drive you home. Saan ka ba nakatira miss?”

“S-sigurado kang iuuwi mo ako samin?”mukha siyang nabuhayan ng loob at tiningnan niya ako sa mata na parang nagmamakaawa na ihatid ko nga siya sa kanila. Tutal cute naman siya at mukhang mabait naman, okay lang sakin. ^_^

”Sure, san ba yung sa inyo para makaalis na tayo?”

“Bukidnon..”

Ah sa Bukidnon.

Ang alam ko malapit lang yun dito sa may…

T-teka!

Bukidnon?!

Anak ng!

Lapit nga ah! Good luck sakin!

Tiningnan ko siya. Hinihintay niya yung sagot ko. Eh paano ba ‘to? Na-offer ko na sa kanya na iuuwi ko siya. Napasubo ata ako ah!

“Sigurado ka bang taga dun ka?”

“(__”)” tumango lang siya bilang sagot. Tss. Positibo! Tama nga ang dinig ko.

“Wala ka bang kakilala dito? Some relatives o mga kaibigan?”

Bago pa siya makasagot…

What Makes You Beautiful

Be my Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon