Chapter 3 [BMF] Ako o siya?
“Tol, bilisan mo matatalo ka na!”
“Eto na nga binibilisan ko na! Potek bakit ang galing nung kalaban?”
“Kulang ka pa sa strategy pre.”
“Sa susunod galingan mo naman!”
“Oo na. hahamunin ko ulit ‘to sa susunod babawi na ako!”
“Sir, gising na po…”
“Anong gising gising sinasabi mo dyan? Hindi ako natutulog!”
“Tanghali na po Sir! Gumising na po kayo!”
T-teka ano ba ‘to? Natutulog nga ba ako? Naglalaro nga ako diba!
TENGGG! TENGGG! TENGGGGGGGG!
Waaaah!
Ampupu!
Potek!
Napabangon ako bigla…
Pagmulat ko…
Muntik na akong atakihin sa puso…
Bakit may babae dito sa kwarto ko?!
Sh*t! Ang bobo! Bagong katulong nga pala. Amp. May dala pa siyang…ano nga ba yun? Kaldero yata at ano…sandok! Yun nga!
“Hoy! Paano ka nakapasok dito ha?!”
“Baka gumamit po ako ng susi Sir. Tingin niyo?” Amp. Ano daw yun? >.<
“Lumabas ka na nga!”
“Okay Sir. Bilisan niyo tanghali na po kasi.”
Tiningnan ko yung orasan sa kwarto ko. Anak ng! Eksaktong 6 pa lang ng umaga ah! Tanghali na yun sa kanya? Babae nga naman. Tss.
Nag-shower na ako. Nagbihis ng simpleng shirt and jeans. Walang pasok. Summer vacation pa rin, kaya pag wala ako dito sa bahay, ibig sabihin kasama ko mga tropa ko. Lumabas na ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko siyang may inaabot dun sa mataas na cabinet namin.
Bakit ang ikli naman yata ng uniporme nito? Sabi ko kay Manang siya na ang bahala ah. Kinulang sa tela? Aish. Nagkakasala ako! T-teka! Pangit naman yung legs niya ah. Paano ako magkakasala? Labo. >.<
“Ako na dyan…”
“Ayy kalabaw ka!”
“Psh.” Yun na lang ang nasabi ko pagkatapos kong abutin yung toyo. Toyo lang pala ang kailangan. Tss. Magugulatin masyado. May toyo ba ‘to? (_ _”)
“S-salamat po Sir…punta na po kayo sa dining area. May nakahanda na pong pagkain doon.”
“Mukhang may lulutuin ka pa? Go on. I’ll wait.”
“B-baka matagalan pa po k-kaya pumunta na kayo doon. Si Manang naman po ang nagluto nun.”
“Pag sinabi kong hihintayin ko, hihintayin ko…” dahan-dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa na-lock ko siya sa magkabila kong braso “…at gusto kong matikman ang luto mo.”
“S-sir pero a-ano po kasi…”
“No buts. Just do as I say.”
Lumayo na ako sa kanya at nakita kong para siyang nakahinga nang maluwag. Wala naman akong ginawang mali. Problema nun? >.<
“Sir Kent, may bisita po kayo!” sigaw ni Manang Celia mula sa sala. Sino kaya yun? Bisita ng ganito kaaga?
Agad akong tumakbo paalis ng kusina. Napansin kong sumunod din pala sa akin itong si ano…ano nga bang pangalan nito? Ma-Me-Mi…Ayun! Mik-Mik nga pala. Psh.