Chapter 1 [BMF] Hello city life.
Ayokong iwan ang probinsya namin dito sa Bukidnon. Maganda dito. Kung papipiliin ako sa lungsod o sa probinsya, mas gugustuhin ko pa dito. Kahit simple lang ang pamumuhay, masaya ang mga taong nakatira dito. Kuntento kami sa kung anong meron kami. Yung tipong kahit minsan walang-wala na kami, lahat kami dito nagtutulungan. Ganyan kami dito sa probinsya namin. Walang luho, walang kahit na anong bisyo. Puro pawis ang inilalaan naming sa bawat araw na dumadaan. Mahirap ang buhay. Oo. Pero para sa akin, hindi na mahalaga yun. Dahil dito ako natutong lumaban sa buhay, dito ako nagka-isip at dito ko naramdaman ang tunay na pagmamahal sa piling ng mga magulang ko.
At ngayon nga, tanghaling tapat. Nag-aayos ako ng mga gamit ko. Lahat ng kailangan ko, sinigurado kong handa na. Ang sakit isipin na aalis na ako. Iiwan ko na ang lugar kung saan ako lumaki. Iiwan ko na ang mga magulang ko. Alam kong ngayon lang ako malalayo sa kanila nang matagal. Pero naiintindihan kong para ‘to sa kinabukasan ko.
Kagabi lang kasi may dumating na balita sa amin. Ano bang malay ko sa balitang yun? Wala kaya kaming tv sa bahay!
“Ay Mik-Mik hija!” sigaw nung kapitbahay naming si Aling Nelia.
“Ano pong atin ngayon?”
“Eh naku! Magandang balita! Yung pangalan mo nasa tv kanina ay. Ipinakita yung sa ano bang university yun. Ay basta yung mga nakapasa doon sa entrance exam baga”
“T-talaga po? Hindi po ba kayo nagkakamali ng tingin? Pangalan ko po ba talaga yung nakita niyo?”
“Ay oo. Sigurado ako hija.”
“Sige po Aling Nelia. Salamat po sa impormasyon! ^_^”
Waaaah!
Ang saya ko talaga kagabi. Naipasa ko daw kasi yung entrance exam. Pangarap ko talaga yun eh!
Hanggang sa natanggap ko yung sulat mula dun sa university at ang mas masaya pa eh nakasama ako sa top!
Ibig sabihin daw nun. May scholarship. Lahat-lahat ng gastusin wala akong po-problemahin kaya tuwang-tuwa din sina Nanay at Tatay.
At dahil dun, eto ako aalis na. nakakaiyak. T.T Pero kailangan talaga. Sabi ng mga magulang ko, sayang daw pag pinalagpas ang pagkakataon. Haays.
“Anak, mag-iingat ka doon ha?”
“Nay Mila, wag po kayong mag-alala. Susulat po ako sa inyo ng madalas.”
“Yung mga bilin namin sayo wag mong kakalimutan anak”
“Tay Lino, ako na po bahala sa sarili ko. Alagaan niyo po ang isa’t isa ha?”
Naiiyak na ako. Pero hindi dapat ako magpakita ng kahinaan sa harap nila dahil lalo lang silang mag-alala.
Nandito na kami ngayon sa terminal. Mahaba-habang byahe din ‘to.
Binigyan nila ako ng huling yakap bago ako umakyat ng bus at ganun din ako sa kanila.
“Anak, mahal na mahal ka naming ng tatay mo”
“Pagbutihin mo ang pag-aaral mo doon ha?”
“Opo, Nay, Tay. Para sa inyo po ito.”
Humiwalay na ako sa pagkakayakap nila at saka tumalikod. Umakyat na ako sa bus bago pa nila tuluyang makita na may pumatak na luha sa mata ko.
Nang makaupo na ako. Ilang sandali pa umandar na din ang bus na sinasakyan ko. Ang huling nakita ko na lang ay ang umiiyak na mga magulang ko.
“Hmmm..”
Nanaginip ba ako?
Ang sakit sa pwet ha! Matagtag masyado. Jusko day!
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.
Nandito na pala ako.
Is this for real?
Okay. Maka-english naman ang lola mo!
Bumaba na ako sa bus.
Bayad na naman siguro ako sa kundoktor diba? Tingin ko naman. ^_^
Naglakad-lakad ako.
Mausok.
Yung simoy ng hangin ibang-iba kumpara sa probinsya.
Ngayon pa lang naaalala ko na agad yung lugar namin.
Ako nga pala si Jaena Mikaela Reyes. Laki sa hirap. Obvious naman siguro diba? Taga-probinsya ako. No boyfriend since birth ang drama ko teh! Hihihi. Mik-Mik ang tawag sakin sa probinsya namin. Ang cute noh? Aminin niyo! ^_^ Maganda ako alam ko yun, tiningnan ko pa nga sa salamin para sigurado. Hahaha! Sa susunod na ulit ang iba pang impormasyon. Sa ngayon…
“Miss, mukhang hindi ka taga-rito ah”
“Ibigay mo na lang ang wallet mo kung ayaw mong masaktan”
Dahil naka-saya ako ganon? Hoy! Taga-rito ako sa mundong ‘to noh!
Pero..
Hala ka! Kararating ko pa lang ito na agad?
Hindi ko pala namalayan na sa isang tagong lugar ako napadpad.
Paano na ito?
Haru jusmiyo! Mahabaging langit tulungan niyo ako!
“Mga Kuya, alam niyo ang gwapo niyo.Pramis! Cross my heart!”
“Hindi uubra samin yan!”
“Bakit? Kasi alam niyong hindi totoo?”
At pagkatanong ko nun. Parang nag-usok yung mga ilong nila!
Waaah! Ginalit ko ata!
Lalong nayari ako nito!
“Wallet lang miss! At paaalisin ka namin ng walang sugat at galos!”
“Mga Kuya,” unti-unti akong lumuhod sa harapan nila “nakasalalay po dito ang kinabukasan ko. Utang na loob, maawa na kayo. *singhot ng konti kunwari naiiyak na* Pinaghirapan ‘to ng mga magulang ko mula sa pagsasaka at pag-aani ng pananim sa araw-araw. Masisikmura niyo bang alisan ng pangarap ang isang mahirap na katulad ko? Huhuhu”
“Ang daming satsat! Akin na nga yan!”
“T-teka! Ayoko! Hindi pwede!”
“Bitawan mo na yang bag mo!”
“Ayoko nga sabi eh. Bitawan niyo na nga ang mga gamit ko!”
“Ano? Papalag ka pa? ”
Tinutukan ako ng balisong nung isang lalaki.
Wala na akong laban.
Nakakatakot.
Waaah!!
Gusto ko na umuwi!
Tinitigan ko lang ang balisong.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Mabilis ka din naman pa lang kausap miss eh!”
Umalis na silang tangay-tangay yung kakatiting na salapi na meron ako sa ngayon.
Iniwan nila akong umiiyak.
Wala akong mapupuntahan.
Ano nang gagawin ko?
Sa kalye na lang ba ako maninirahan?
Tapos mababalitaan ng mga magulang ko at ng buong probinsya naming..
Isang estudyanteng nakapasok sa isang sikat na unibersidad, nakunan ng camera. Sa lansangan namamalagi.
Ganun na lang ba yun?
Nakakalungkot namang isipin.
Ganito na lang ang maaabot ko sa buhay ko.
Tulong!
Please!
Sana may dumating na anghel at sagipin ako.
-
[A/N:] Nakaraos sa UD. Yes. Parteyyy! Salamat kung may magti-tiyaga man na magbasa nito. :D Sabi ko diba depende sa panahon? Hahaha! Ayan tuloy! Pagpasensyahan ang UD. :))))))
~
Marielovesyou. :)