Chapter 4 [BMF] Gusto ko na siya.
GELO’S POV
Five minutes na akong naghihintay sa may kotse. Nakasandal lang ako doon. Ilang sandali pa, lumabas na siya.
Hindi ko ine-expect ‘to.
Nakatitig lang ako sa kanya.
Bago pa ako naka-recover nasa harapan ko na siya.
“Jaena…you just look…perfect.” Yan na lang ang nasabi ko. Wala. Naubusan ako ng salita. Nakaka-tameme naman ‘tong babaeng ‘to. Amp. Pakiramdam ko bumaliktad sikmura ko eh. Hahaha. Parang ang landi nung part na yun para sa isang lalaking katulad ko. Erase erase!
Pero maganda talaga siya.
Simple lang pero kapag nakilala mo na. Doon mo kaagad marerealize yung worth niya.
Yes. Kakakilala ko pa lang sa kanya. Sa kaunting panahon na yun, tinamaan kaagad ako. Langyang yan!
MIKA’S POV
Perfect daw ang itsura ko ngayon sabi ni Gelo. Ewan ko ba. Pag siya na ang nagbibitiw ng mga salita, sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko. Kahit simpleng pagpuri lang, pakiramdam ko laging may isang taong tumatanggap sa buong pagkatao ko sa kabila ng pagiging probinsyana ko. Ang sarap sa pakiramdam. ^___^
Suot ko ngayon yung regalo sa akin ng nanay at tatay ko. Binigay nila ‘to noong magtapos ako sa high school. Isa siyang dress na hanggang tuhod. Parang pa-tube yung taas, basta ganun. Simple lang pero elegante naman tingnan. Purple ang kulay. Wow purple! Ito na yata ang pinakamaayos kong damit. Dahil halos lahat ng damit ko, mga saya lang. Mga ganun lang.
“Tara na.” sabi ko sa kanya sabay ngiti. ^_^v
**
“Jaena! Tara dun!” hinila ako ni Gelo. Grabe kanina pa ako kinakaladkad ng lalaking ito.
“Sige na nga!”
Nandito kami ngayon sa isang mall. Kanina galing muna kami sa parang pasyalan. Parang park, ganun. Pinalipas muna namin ang ilang oras namin doon, hanggang sa nagyaya na nga siyang pumunta dito sa mall. Whoa! Yun lang ang masasabi ko. Unang beses ko pa lang makapunta sa ganitong lugar. Ang saya-saya talaga! Tapos si Gelo pa kasama ko. Ang daldal niya. Ang dami niyang kinukwento kanina pa. Hindi talaga masasayang ang oras mo kapag siya ang kasama mo.
Tapos…
Tapos…
Tapos…
Hindi niya binibitawan ang kamay ko. >////<
Ako naman itong si payag na payag. Bwahahaha! Kalian ka pa natutong lumandi Mik-Mik? Ay grabe lamang.
Pero kasi natatakot lang din ako na baka mawala ako kaya ayan. Katulad kanina…
*Flashback*
“Uy uy uy Gelo! Ang ganda naman dito!”
“Buti naman nagustuhan mo.” tapos ngumiti siya sa akin.
“Wow. Ano yun? May banda? Nagpe-perform sila oh! Dali puntahan natin!”
Nagtatakbo ako papunta dun sa isang corner kung saan sila nagpe-perform. Waaaah! Nakakatuwa talaga! Ang daming tao pero ayos lang! ^___^
Nakipagsiksikan talaga akong mabuti. Grabe pinagpawisan ako dun ah!
Nang makalapit na ako…
“Uy Gelo! Ang galing naman nilang kumanta! Woooh!” sigaw ko sa kanya
Walang umiimik…
Walang tumutugon…
Hindi ba niya gusto yung mga ganito?
![](https://img.wattpad.com/cover/962910-288-k586456.jpg)