THE START OF EVERYTHING

2.5K 71 73
                                    

THE START OF EVERYTHING
-

[Zerene Alviar]

"Hi, Zerene!"

Napaangat naman ang ulo ko sa taong nagsalita sa harapan ko at biglang umupo sa tabi ko. Busy kasi ako sa paglalaro ng puzzle game sa phone ko. Bored ako sa mga ganitong party dahil hindi ako mahilig kaya lumayo ako sa maraming tao at nag-solo sa isang sulok na may mga upuan. Napilitan lang naman kasi talaga akong mag attend dahil may additional grade daw ang umattend. Graduating na kasi ako kaya pumayag na lamang ako. Sayang din ng points.

"Zerene Alviar, right?" Biglang tanong ng katabi ko.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Walang ganang balik tanong ko dito.

"I asked Paula, your friend." Confident na sagot nito.

"And one of your ex." Dugtong ko sa sinabi nito na walang pinapakitang emosyonpero sa loob-loob ko napapangisi ako dahil malakas ang kutob kong pinopormahan ako ng playboy na 'to! As if naman magpapadala ako.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa paglalaro ng puzzle game sa phone ko. Wala akong time makipagkwentuhan pa dito.

"Nak-kwento na pala ako ni Paula sa'yo?"

"Of course." Maikling sagot ko na hindi ito binabalingan ng tingin.

"So, hindi ko na pala kailangang magpakilala?"

"Oo," Sagot ko habang abala sa paglalaro pero bago pa man ito sumagot, "Dahil wala naman akong balak na kilalanin ka pa." Walang ganang sagot ko saka ako tumayo at lumabas kung saan may nag-iisang upuan na inupuan ko.

Wala akong pakialam sa mga labas masok na estudyante na napapatingin sa akin.

"Ba't parang ang laki ng galit mo sa akin, Zerene?" Seryosong boses na sambit ng isang lalaking biglang sumulpot sa harapan ko.

Tumingin ako sa kanya at hindi napigilang ngumisi.

"Obvious ba? Lahat ng kaibigan ko sinaktan at niloko mo! Ngayon sabihin mo kung bakit hindi ako dapat magalit sa'yo?" Lakas loob kong sabi dito.

He laughed sarcastically then look at me.

"May closure naman ako sa kanila ah. Ikaw ba nasaktan at naloko ko?"

"Hindi p--"

"Exactly! Kaya bakit parang ikaw itong galit na galit sa akin?"

Natigilan ako sa sinabi niya pero agad naman akong nakabalik sa sarili.

"Wala akong pakialam kung sino ka, ang pakialam ko kung bakit mo ko kinakausap!" I said out of frustration.

"I like you."

"Of course! You like every girl. Wala ng bago doon." Dahilan ko.

"Pero iba ang pagkagusto ko sa'yo, Zerene."

"Tigilan mo na nga ako! Pinagtitinginan na tayo!" Pag-iiba ko sa usapan.

"But I still have to clear things out about me."

"Ba't ba ang kulit mo?! Hindi ako interesado sa playboy!" Pagtataray ko sabay alis sa harapan niya.

Binalikan ko ang table ng mga kaibigan ko at nagpaalam na sa mga ito para umuwi.

"Wait, Zerene! Ba't parang badtrip ka?" Pahabol na tanong ni Bianca, isa sa mga kaibigan ko.

"Ang gago niyong ex papansin! Uwi na ako. Ingat kayo pauwi." Alam kong alam na nila kung sinong tinutukoy ko kaya hindi na ako naghintay pang tanungin nila kung sino.

Hi Mr. Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon