CHASE OR CHANCE

1K 56 23
                                    

CHASE AND CHANCE

-

[Sean Light Vergara]

"Kumain ka pa, ija." Sabi ni Mama kay Zerene habang ako patuloy lang sa pagkain.

Nagdala ng pagkain si Mama para sa amin.

"Opo. Thank you po." Mabait na sagot nito.

Wow. Ang bait-bait niya ngayon.

"Sabi ko sa'yo bantayan mo ang mga kinakain ni Zerene eh!" Sermon ni Mama sa akin.

"Binabantayan ko po, Ma."

"Siguraduhin mo lang kung hindi baka multuhin ka ng kapatid m—"

Natigil si Mama sa pagsasalita nang biglang umiyak si Zerene. Naalala nanaman niya.

"Ija, are you okay?"

"Sorry po. Excuse me." Sabi nito saka umalis at pumasok sa kwarto niya.

Napailing na lamang ako kay Mama na nakatulala.

Umuwi si Mama pagkatapos akong bilinan ng kung ano-anong sermon kahit siya naman ang dahilan kung bakit umiyak si Zerene.

-

Minabuti kong bumalik na lamang sa condo ko at hayaan muna ito kahit nag-aalala akong may gawin nanaman ito sa sarili. Pero sigurado na din naman akong hindi na siya magpapakamatay dahil alam niyang mas magagalit si Shawn sa kanya tyaka hindi sila magkasama kapag nagpakamatay siya dahil hindi nakakaakyat sa langit ang suicidal. 'Yon ang alam ko.

I started working again and every night I checked her without her knowing. Bumalik na din naman siya sa work niya.

Nakiusap akong, ako na lang ang bibili ng grocery nito para hindi siya nahihirapan. Napilitan naman itong pumayag dahil hindi ko siya titigilan.

It's been five months since I started chasing my love and yet there's no improvements.

Lord, kailan Niyo po ba ibabalik sa akin ang babaeng mahal ko? Kailangan ko na ba siyang sukuan? Hanggang kailan ko kailangan maghintay?

Ilan lamang katanungan sa tuwing nagdarasal ako.

Kinausap ko na ang parents niya about my feelings for her and they approved dahil maliban daw kay Shawn na pinagkakatiwalaan nila sa anak nila, ako ang second choice. Kahit masakit isiping naging option ako, I take that as a positive one kasi kung hindi ako naging option 'di sana mapupunta pa siya sa iba.

I also talked to my brother in the cemetery kasama ang parents namin. Nagpaalam ako sa mga aksyong gagawin ko and my parents supported me kaya alam kong aprobado na rin ako ni Shawn.

Si Zerene na lang ang kulang. Siya na lang ang tanging hinihintay ko.

-

"Ba't ka nandito? Nandito na ba ang grocery?" Walang ganang bungad nito nang maabutan ako sa kitchen niya nakaupo.

"Naayos ko na ang grocery mo. I was just thinking na kung pwede ba tayo kumain sa labas." Lakas loob na sabi ko.

"Nakakain na ako." Tipid na sagot nito saka ako nilagpasan.

Sinundan ko lang ito ng tingin na kumuha ng tubig sa ref at sinalin sa isang baso saka ininom ito.

Huminga ako ng malalim saka tumayo at nanlulumong naglakad palabas ng kusina niya.

"Paki-lock ang pinto, paglabas mo." Paalala pa nito.

Imbis na lumabas linapitan ko ito.

"Saan ka kumain? Sinong kasama mo?" Malumanay na tanong ko.

Hi Mr. Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon