THE FALL OF THE PLAYBOY

1K 52 16
                                    

The Fall Of The Playboy

-

[Sean Light Vergara]

Noon pa man ay gusto ko na si Zerene. Sa kagustuhan kong makilala siya I made her friends my girlfriend. I did like all of them but not as I like Zerene. Aminado naman akong babaero talaga ako. I tried to be with girls just to realize that I like Zerene more than any other girls. I want her to notice me that time that's why I take all the risks but ended up being the bad guy sa buhay niya. I regret hurting other girls and using them just to forget my feelings for Zerene. Ito na yata ang karma ko.

One day, finally napansin na niya ako dahil sa punishment. Nagkakilala kaming lalo. Nakilala niya din si Shawn. His condition is getting worse that time kaya kailangan na kailangan niya ako. Ever since that we found out his case and condition, naging maingat na kami nila Mama at Papa sa kanya. Hindi na kami nagpapagod sa paglalaro dahil bawal, hindi siya pwedeng sobrang sumaya dahil bawal, hindi siya pwedeng masyadong malungkot dahil bawal, at hindi siya pwedeng tanggihan dahil baka damdamin niya. Halos lahat ng galaw ng kapatid ko may bawal. Kaya nang mapansin kong bukang bibig na niya si Zerene ay nag-alala ako. Alam ko ang tumatakbo sa isipan ni Shawn, dahil kapatid ko ito at lalaki ako na alam ko ang mga ganyang galawan but I ended up letting him. Pinagbigyan ko.

"Kuya, tulungan mo ako sa kanya ah?"

"I'll try."

"Wala ka namang gusto sa kanya 'di ba?" He asked directly.

Bigla akong natigilan. Gustong-gusto kong sabihing oo pero ayokong mawala ang ngiti sa mukha niya. Umiwas ako ng tingin para hindi mahalatang napipilitan lang ako.

"Wala."

But little did he knows that the girl I always talked about with him is the girl he likes. Hindi ko kasi pinapangalanan kapag naikikwento ko sa kanya noon.

"Buti naman."

Then he requested to see Zerene and go to church on Sunday kaya kinausap ko si Zerene kahit labag sa kalooban ko. Pumayag siya kahit kasama ako bilang chaperone ng kapatid ko na pinahintulutan din naman nila Papa.

Hindi kasi hinahayaang lumabas ng walang kasama si Shawn. Baka kung anong mangyari sa kanya kung sakaling umataki ang sakit niya sa puso.

"May gusto ka ba kay Zerene?" Tanong ko dito kahit alam ko na ng sagot. Kakauwi lang namin sa bahay.

"Obvious ba masyado Kuya? Nakakahiya! Tinanong ka ba niya?" Namumulang sabi nito.

" 'Wag mo masyadong damdamin ang pagkagusto mo sa kanya dahil baka masaktan ka lang." Mahinahong paalala ko. I'm just concern.

Biglang kumunot ang noo nito at seryoso akong tiningnan.

"Bakit? Dahil may gusto ka din sa kanya? Dahil nauna kang makilala niya kaya feeling mo inaagaw ko siya sa'yo? 'Di ba tinanong kita kung gusto mo siya? Sabi mo hindi? Pero ano 'to?!" Galit na sigaw nito na ikinabahala ko. Naalarma ako. Paano ko sasagutin ito nang hindi nag-aalala?

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Kapatid kita, nag-aalala ako para sa'yo kapag nasaktan ka. Marami na akong karanasan sa iba't-ibang relasyon kaya sana makinig ka sa akin." Mahinahong sagot ko.

I have to calm down para kumalma din ito.

"Kasi playboy ka. Ayaw mong masaktan ako dahil baka mapunta sa.akin ang karma mo! 'Yon ba? 'Yon ba ang ibig mong sabihin?!" Tumaas lalo ang boses nito. Masyadong mataas ang kanyang emosyon ngayon.

Napahawak na ito sa dib-dib at pilit na huminga habang may namumuong luha sa kanyang mga mata. Napamura ako't nataranta.

"Shawn, relax. Wait. I'll call an ambulance!" Tarantang sabi ko.

Hi Mr. Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon