WAITING AND HOPING

934 51 27
                                    

WAITING AND HOPING

-

[Sean Light Vergara]

"Let me help you." Malumanay na sabi ko kay Zerene.

"Kaya ko naman!"

"Kaya mo nga, nakikita kong kaya mo! Nahihirapan ka ngang tumayo eh. Kaya mo nga talaga." Sabi ko saka napailing na lamang at hinayaan siyang tumayo at maglakad papunta sa CR.

Nakauwi na kami sa unit nito at hinayaan ako ng parents niyang alagaan ko siya kahit pinagpipilitan niya sa magulang niyang ayaw niya. Iniyakan pa niya ito para lang 'wag akong hayaang alagaan siya. See how much she doesn't want me to take care of her?

Habang hinihintay ko siyang makalabas sa CR, may narinig akong nahulog kaya pinuntahan ko kaagad ito. Buti na lamang hindi nakalock ang CR. Nakita ko siyang nakahiga at dumadaing sa sakit nang pagkadulas.

"See? Kaya mo 'di ba?" Bungad kong tanong saka ito binuhat at inihiga sa kama.

Imbis na magpasalamat, inirapan ako.

Mula no'ng makabalik kami mula sa hospital ay hindi ko na inaalis ang paningin ko dito. Hindi dahil mahal ko siya kung 'di dahil natatakot akong ano mang oras ay magpakamatay nanaman ito. I can't lose her. Not now. Not anymore. I won't let that happen.

Nakaupo lang ito sa kama, nagbabasa ng libro habang ako naglalagay ng gamot sa mga parte na nakikita kong tinubuan ng chicken pox. Nakapajama siya at t-shirt kaya ang nakikita ko lang ang nilalagyan ko tutal napipilitan lang naman siyang magpalagay. Nakasimangot ito. Halatang ayaw magpalagay.

"Tama na. Parang kinakati ako lalo sa nilalagay mo eh!" Pagtataray nito.

"Ang cute mo. Ipagpatuloy mo 'yang pagtataray mo sa akin. Mas lalo lang kitang minamahal." Pilit na pinipigilan ko ang panggigigil dito.

Gustong-gusto ko siyang panggigilan ng halik sa tuwing tinatarayan niya ako. Nagpipigil lang ako dahil ayoko din namang nagagalit ito. Baka 'di na talaga ako makapasok dito.

"Gago."

"Tawagin mo na ako sa kahit na anong gusto mong itawag, wala akong pakialam." Seryosong sabi ko.

Inirapan lang ako nito saka ko siya pinakain.

Ilang gabi na akong nagtitiis sa upuan matulog sa tabi ng kama nito dahil gusto kong nababantayan ko ito kahit sinasabi niyang ang OA ko na. Bakit ba? Eh sa ganito ko siya kamahal. Kaunting tiis pa at maraming pasensya. Babawian ko 'to. Parang nakasanayan ko na rin ang pagtataray nito. Hindi na yata nabubuo ang araw ko ng walang pagtataray nito.

-

Nilalamig akong naghahanda ng pagkain namin for dinner at ramdam kong lalagnatin ako kaya uminom kaagad ako ng gamot dahil hindi pa ganoon kagaling si Zerene para makipagsabayan ako magkasakit sa kanya.

It's been ten days and Thank God pahilum na ang mga sugat nito dahil sa chicken pox. Parati kong hinahanda ang pampaligo niyang maligamgam na tubig na may baking soda para hindi siya kinakati masyado. Nabasa ko lang naman 'yon online.

"Ba't parang ang kapal ng jacket mo? Kasing kapal ng mukha mo." Mahinang sabi nito.

"I heard that, Zerene."

"Whatever!"

"Kumain ka na." Walang ganang utos ko. Pinipigilan kong maubo pero ang kati ng lalamunan ko.

"Sa'n ka pupunta?" Biglang tanong nito.

"Banyo." Sabi ko lang bago nag dali-daling pumasok ng banyo saka nagsuka. Napamura ako sa aking isian. Nahihilo ako. Tinawagan ko agad si Janet para magtanong kung anong dapat kong gawin.

Hi Mr. Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon