GOODBYE MR. PLAYBOY

1.6K 55 23
                                    

Goodbye Mr. Playboy

-

[Zerene Alviar-Vergara]

"Ang tabang! Gusto ko na lang ng spicy adobo na may boiled eggs." Nakangiting sabi ko.

"Panglima mo na 'tong request, Zerene. Niloloko mo ba ako o pinaglalaruan?"

Napasimagot ako sa sinabi niya kaya nainis ako.

" 'Di 'wag! Bahala ka nga diyan!" Sabi ko saka umalis ng kusina at pumasok sa kwarto.

Masisisi ko ba ang panlasa ko? Eh sa nag-iiba bigla ang gusto ko. Nagtanong kasi siya kung anong gusto ko kanina. So I requested spicy ramen. Nagluto siya pero hindi ko nagustuhan ang lasa kaya nag-request ulit ako ng bicol express pero naalatan ako, natabangan naman ako sa menudo niya, nasusuka naman ako sa spaghetti niya kaya nag-request ako ng spicy adobo with boiled eggs pero mukhang galit na siya kaya nakakainis!

Tumapat na lang ako sa laptop at nanood ng cartoons habang umiiyak. Nakakaiyak pala ang tom and jerry.

Ilang minuto ang lumipas bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto pero hindi ko ito pinansin dahil alam kong siya lang 'yon. Malamang kami lang ang nasa bahay.

"Kain na tayo, Zerene. Sorry na kanina. Nakakapagod lang magluto pero naluto ko na ang spicy adobo with boiled eggs mo." Malambing na sabi nito. " 'Di ba sabi ko sa'yo 'wag mong ipapatong sa tyan mo ang laptop? Ang radiation niyan makakapekto sa anak natin." Umiiling na sabi nito pero kalmado. Pinunasan niya ang mga natirang luha sa pisngi ko saka hinalikan ang aking noo.

Inalalayan niya akong maglakad papunta sa dinning area namin. Actually, this house was a gift from Dark sabi niya sa akin. I'm already four months pregnant and well happily married for two years.

Thank God, natutunan ko ulit siyang mahalin. Persistent kasi talaga siya dahil kahit kasal na kami ay patuloy niya paring pinaghihirapan ang tiwala ko and he's always patient with me.

Tinkman ko muna ang niluto nito.

"How was it?" Excited na tanong nito.

"Good. Kumain ka na din." Sabi ko saka nagpatuloy kumain.

"Yes! I love you." Sabi nito saka hinalikan ang sintido ko.

Napangiti lamang ako habang puno ang bibig ko ng kanin. Ang sarap naman kumain.

-

"Sa'n ka na?" Tanong ko.

Kausap ko ang asawa ko sa phone. Pinabili ko kasi siya ng cotton candy na kulay pink after namin kumain ng lunch kanina. Magti-30 minutes na, wala pa siya kaya tinawagan ko na.

"Hinihintay ko pa si Manong. Alas tres pa daw kasi talaga siya gagawa." Sagot nito na para bang namomroblema.

"Mag aalauna pa lang! Pilitin mong gawan na ako." Malungkot na sabi ko.

"Opo. Relax ka lang diyan. Akong bahala dito."

"Bilisan mo!" Sabi ko saka pinatay ang tawag.

Nakasimangot akong nanonood ng barbie habang naghihintay. Nakapatong ang mga palad ko sa hindi kalakihang umbok ng tyan ko.

Napalingon agad ako sa pinto nang bumukas ito bigla. Unti-unti akong napangiti nang makita ko ang cotton candy na kulay pink. Namiss ko 'yan! Matagal na no'ng huli akong nakatikim niyan, 'di ko na nga matandaan kung kailan 'yon.

"Finally!" Sabi ko saka kinuha ang cotton candy na dala nito. I'm so happy.

-

[Sean Light Vergara]

Hi Mr. Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon