Chapter 23

3.6K 44 7
                                    

(MIKA’S POV)

Mika: He is just a friend.

                                                Para na akong sirang plakang paulit ulit. Pagkatapos kasi naming mag usap ni Vince kagabi, parang mga naging instant investigators tong mga bullies.           

Carol: Hindi ka man lang nagsabi may friend ka palang sobrang gwapo.

Ara: And infairness ang tangkad niya bes.

Cienne: At ang puti.

Camille: Ganda pa ng mga mata.

                                                Hindi lang pala ako ang parang sirang plaka na paulit ulit.

Mika: Hanggang ngayon ba naman yan pa rin sinasabi niyo? Paulit ulit na lang tayo dito.

Cienne: Bbf, you can’t blame us. Sobra kasi niyang gwapo. No doubt crush mo siya dati.

Carol: Di kaya magagalit si Jeron Miks pag nalaman niyang crush mo si Vince?

                                                Speaking of Jeron. Kanina ko pa hinihintay ang text o tawag niya, wala pa rin akong natatanggap. Saan bang lupalop ng mundo naroon ang lalaking yun.

Ara: Oo nga bes. Magseselos yun panigurado. Seloso pa naman yun.

Mika: Taray bes, naging girlfriend kaba ni Jeron? Alam na alam ah.

Ara: Baliw. Nasabi kasi sa akin ni Thomas na siniselosan ni Jeron si Jared dati.

Mika: Talaga? *napaisip* So effective pala yung mga nagawa ko.

Camille: Sabina eh… Ginagamit mo lang si Jared sa tuwing nandiyan si Jeron. Nako nako Miks. Dapat sabihin mo to kay Jeron.

Mika: Para saan pa?

Cienne: Bbf, sabi nila ang magboyfriend walang tinatagong sekreto sa isa’t isa.

Ara: Oo nga bes. Paano yan pag narinig ni Jeron yung tawag niya sayo? Kami nga nagulat, siya pa kaya?

Mika: Bes, two words kasi yun. Girl space friend.

Carol: Kahit na Miks. You should tell him everything.

                                                Kahit kalian talaga tong mga bullies.

Mika: Fine.

                                                We are on our way para mag grocery, ubos na kasi yung stocks namin. Its Sunday naman kaya no training.

The Heart Never Forgets (Jeron Teng and Mika Reyes Fan Fic <3) COMPLETE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon