Results day ngayon kaya kinkabahan na naman ang mukha ni eureka nang makita ko syang papasok sa classroom, mamaya pa kasing break time ipapaskil ng mga teachers ang top 100 over all.
"Sky kinakabahan na ako pano na lang yung mga mali ko baka mawala ang maganda kong pangalan sa list huhuhu"
Ayan na naman sya oa kung makareact
"Calm down you would still be on top don't worry" kalmadong sabi ko sa kanyaMay meeting ulit ang mga teachers ngayon kaya nagpagdesisyunan ko na lang matulog habang nakikinig ng music di pa naman nagpapauwi eh.
Biglang may kumalabit sakin akala ko si eureka paglingon ko si lee lang pala at mukhang kami na lang nandito
"Asan sila?" Tanong ko habang naguunat
"Tiningnan nila yung mga ranking" sagot nya
"Ahhh ,oh ikaw bat di mo tingnan yung iyo malay mo nasa top ka din"
"Alam ko namang top1 na ako dun" sabay pogi sign
" wow, pagbibigyan kita dyan pero last mo na yan ha?haha"
Nagtawanan lang kami tapos bigla na lang lumapit si eureka na tuwang tuwa
"Oh bakit?" Tanong ko"Bes top 2 ako at sya ang top 1" sabay turo kay lee
Kinongratulate ko silang dalawa."Eh ang ranking ko musta bumaba ba?" Hindi naman sa ayaw kong magexcel pero ayoko ng atensyon.
"Oo eh , yung totoo sinadya mo no?"sabi ni eureka
" hindi ah, sadyang ganyan lang talaga, predicted ko na hahaha" sabi ko sa kanya
"Lee congrats ulit, talino mo pala eh tapos next grading tabi pa kayo ni eureka hahahaha alam na mga gc hahahah"
Every grading kasi magbabago ang seating arrangement base sa grades mo last grading kaya napasabi ako na magkatabi sila. See even destiny makes sense to them though it's too early to judge pero wala eh kailangan ko ng dumistansya para di na ako makaabala pa sa buhay nila.Days passed pero ang pinagtataka ko lang imbis na magkadistansya, lalo pa talagang pinaglalapit ng tadhana ang buhay namin. Pano ba naman kase anlayo ko na nga sa kanila pero ngayon heto sila sa harap ko at pilit akong pinagsasalita ng kung anu anong mga bagay kahit na silang dalawa lang naman talaga ang naglalaro. Tapos sa lahat ng groupings lagi ko silang kasama yung totoo nanadya ba yung tadhana, please lang wag ako.
Breaktime namin ngayon at nakahanap naman ako ng oras para makapag-isa, makapag-isip at makapagpahinga sa gulo ng mundo na pinuntahan ko. Ewan ko ba para kasing may nagbago pero hindi ko alam kung ano yun. Pakiramdam ko mali ang masanay ako sa kalagayan ko ngayon.
Napapailing na lang ako habang nakatingin sa isang magandang larawan na alam kong magiging isang magandang alaala na lang pagdating ng araw.Hay ang drama ko na, mapuntahan na nga sila eureka at baka hinahanap na nila ako.