Mabilis lang na lumipas ang mga oras , parang kahapon lang ng magreklamo ako sa tagal ng isang taon at heto naman ako ngayon parang di mapakali dahil malapit na ang itinakdang pag-alis ko sa panahong ito.
Magbabagong taon na mamaya at ngayon papunta na ako kila eureka ,inimbitahan kasi ako ng mga magulang nya. Mamimiss ko talaga to pag-alis ko.
"Sky tulungan mo nga ako maghalo dito ng salad tsaka magbake ka na din tutal wala ka namang ginagawa eh." Sabi ni eureka
Panira talaga to eh kita ng nagrereminisce ako eh , pero ginawa ko parin nakakahiya kasi kila tita at tito." oo na " sagot ko
____________________________________
"5....4....3....2....1.." Pagkatapos ng countdown na yon sunod sunod ang mga makukulay na fireworks ang makikita sa kalangitan .
"Happy new year" bulong ko nang makaramdam na naman ako ng paninikip ng paghinga kaya pumasok ako sa loob.Kumain lang kami at nagkwentuhan magdamag hay walang kasawaang saya ang nararamdaman ko ngayon .
____________________________________
After a week balik school ulit ang gawain namin . napagusapan lang namin ngayon ang nalalapit na field trip , last year pa dapat to kaso may bagyo kaya nadelay.
2 weeks pa naman yon so makakapagprepare pa kami at eto namang si eureka atat na magshopping palibhasa sa jeju island ang punta namin kaya literal na kailangan prepared ka. Di dapat ako sasama kaso pinilit ako ni eureka para payagan din sya.
A week passed by at ang tanging ginawa ko lang ay sumama sa pagshashoping ni eureka although bumibili din naman ako, mas onti naman kesa sa mga pinagbibili ni eureka samantalang 3 days and 2 nights lang kami dun.
*airport
Araw nang pag-alis namin ngayon at eto namang si eureka di mapakali kesyo magkakaroon sila ng moment ni lee sa korea at sakto pang koreano si lee edi instant k-drama ang dating. Ang sarap ngang tulugan to eh pero dahil randomize ang seating arrangement kaya baka di ko sya katabi.
Nang makapasok na kami sa loob ng eroplano pinauna na ni ms. Persival paupuin kaming mga babae at tama nga ang hinala ko hindi ko katabi si eureka at dun talaga sya sa kabilang dulo nakaupo at dahil medyo puyat ako kakagawa ng report naidlip na lang ako na sa may bintana ako nakaupo kay kung may darating man di na nya ako kailangan pang gambalain para lang makaupo.
"Sky gising uy " niyugyug pa ako ng kasama ko ano ba yan .
"Malapit na tayo" dun ko lang naaninag kung sino yung nagsasalita si lee lang pala. Napaupo tuloy ako ng maayos ng matauhan ako na sya pala ang katabi ko ng tumingin naman ako sa labas puro ulap naman sinamaaan ko tuloy syang tingin
"Akala ko ba malapit "
"Ah eh baka kasi gusto mong makita yung pangalan mo hahaha" sabi ni lee na parang ewan
"Lakas ng trip mo ah lagot ka sakin babawi ako sayo" banta ko sa kanya"Geh lang hahahaha" sabay tawa nya na parang nakakahawa kasi naman natawa na lang din ako. Napahinto lang ako ng makita ko ang paglungkot ng mukha ni eureka kaya nanahimik ako bigla namang ipinagtaka ni lee.
"Sky sorry na, naoffend ba kita" sabi ni lee
"Ah hindi yun may naalala lang ako" sabay tingin ko sa labasHayy mahirap talaga magpigil pag natural lang ang nararamdaman mo, na kusa lang tong lalabas ng di mo inaasahan, kaso maling tao ata yung napagbigyan ko kasi nasa maling oras at panahon ko sya nakilala tapos idagdag pa na gusto rin sya ni eureka at kung makikigulo ako sa relasyong hindi dapat ako kasama baka magbago ang lahat sa hinaharap .
Nang makababa kami ng eroplano pinuntahan ko kaagad si eureka. Nakangiti naman nya akong sinalubong, sabay na kaming pumunta sa hotel at dahil tanghali na itotour lang muna kami sa mga malalapit na cultural site.