Pag may umaalis, may dumadating (PART 1)

21.9K 124 27
                                    


Alas 8 na ng gabi at bored na bored ako. Pagulong gulong ako sa higaan na parang baliw na may topak sa ulo habang kumakanta ng Let it Go.

"Leeeeet it gooo! Let it gooooo!" Feel na feel na pagkanta na may sigaw pa. 

"Can't hold it back anymooore!" Natiming na sa linyang iyon ay bigla akong napautot *poooot* Grabe ang baho, parang kanal na may patay na daga. Utot ko na nga yon amoy mabaho pa rin. Sabay takip ng ilong ko.

Habang nagdradrama ako na ang baho baho talaga mg utot ko ay biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko *knock knock

"Pasok!" pasigaw na sabi ko.

"Ate Clarissa luto na yung pagk-" napahinto yung kapatid kong babae na si Elise at inamoy amoy ang aking kwarto. 

"Yuuuucks Ate! Umutot ka na naman no? Ang baho baho dito grabe! Ibuga mo na kaya yan sa CR" sabay kusnot ang mukha at napatakip sa ilong.

"Inggit ka lang kasi wala kang utot na pamatay tao" sabi ko.

"Ewan ko sayo Ate, bahala ka na nga diyan basta sabi ni mama kakain na daw tayo" sabay sirado ng pinto.

Nag sigh ako at tinignan yung cellphone ko kung may message ba galing sa boyfriend ko pero wala.

Ano kaya ginagawa nga ngayon? Halos buong magdamag siya di natititext sakin. Nag recall ako kung may pinag awayan ba kami pero wala naman, okay naman kami kahapon but I noticed something different to him. Parang ang tamlay niya nun ng nakausap ko siya at parang bored sakin. 

Clarissa! Wag kang mag isip ng ganyan, LOVE ka ng boyfriend mo okay? Baka tired lang yun galing sa school sabi ko sa sarili ko.

Habang nag ta-talk to yourself ako ay biglang nag vibrate yung phone ko. Agad agad ko kinuha baka yung boyfriend ko na yun. Binuksan ko yung message pero nagsisi ako kung bakit binasa ko pa yun. Alam mo ba yung feeling na parang wala ka ng saysay sa mundo, yung feeling na wala ng nagmamahal sayo kundi si God na lang, yung feeling na parang may nagsuntok ng puso mo ng paulit ulit. Yan yung nafifeel ko ngayon, ang sakit sa damdamin na parang wala na akong maiisip. 

Di mo akalain na sa 3 words na iyon ay malaki na ang epekto sayo, malaki na yung pagababago sa buhay mo. Binasa ko yung message ng boyfriend ko ng paulit paulit, actually di na lang ako kumain kasi nawalan na ako ng gana. 

Alam mo ba kung ano yung 3 words na naksakit sakin ng sobra? 

                                    Break na tayo



Story of One Shots (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon