Pag may umaalis may dumadating (PART 3)

11.1K 64 6
                                    


It is now Monday and nasa school ako ngayon, naglalakad ako sa corridors papuntang room, wala pa rin nag reply o nag online man lang si Mr. Commentor mga 3 days na.

Oh! I forgot to share kung ano ba yung reply ko sa kanya. So ito yung reply ko sa kanya:

"OMG! Uuumm, I'm kinda shocked. Wala akong masabi and medyo creepy yung ginagawa mo. Sino ka ba talaga? Hindi ka naman familiar sakin tsaka stalker ba kita? O.O"

Yan yung reply ko. Totoo naman talaga eh, stalker-like yung mga ginawa niya. Di ko tuloy mabura sa isip ko yung message niya sakin. Tinitignan ko once in a while yung likod ko baka makita ko siya pero wala namang tao.

Hahays ano ba yan, nakakadagdag sakit sa ulo to eh. First nakipag break sakin yung my now ex boyfriend ng wala man lang dahilan tapos meron pa tong creepy Mr. Commentor na stinastalk pa ako at lagi daw nakabantay. Ewan ko na talaga, bahala na lang si Papa God sakin, please take care of me.

Sa wakas at dumating na din ako sa room, umupo ako sa upuan ko which is the 3rd row yung pinakagilid. Tulala akong tumingin sa labas ng bintana, iniisip yung mga nangyari.

Habang nagmumuni ako sa labas, may  nag sundit sakin sa shoulder ko. Nagising ako sa aking daydream, lumingon kung sino ba yung may lakas loob na sunditin ako habang nag didaydream.

"Oy Ris? Balik ka na dito sa earth. Miss na kita, may story ka pang ikwekwento sakin." Sabi ng nag sundit sakin which is my best friend Margarette. We were bestfriends since diaper days at hanggang ngayon ay bestfriends pa rin kami, same class pa yan ah.

Kinusot ko pisnge niya kasi ang lambot lambot parang baby "Earth pala to? Akala ko planeta ng mga baby kasi nandito ka."

"Aray naman Ris! Ang sakit sakit ng pagkusnot mo tsaka di ako baby no!" Sabay hawak sa pisnge niya at nag pout.

"Ang lambot kaya ng cheeks mo Mar, nanggigigil ako palagi" sabi ko.

"Tseee! Ewan ko sayo. Ano na? Story mo na sakin kung anong nangyari, ba't ba kayo naghiwalay? Sayang yung 2 years na pinagsamahan niyo"

Nag sigh ako at kinuwento sa kanya "Actually wala naman kaming pinag-awayan, I don't know kung bakit, bigla na lang siya nagtext na break na daw kami. Wala man lang siyang rason kung bakit, tinawagan ko kaagad pero pinapatay lang niya yung mga tawag ko. Sayang talaga yung 2 years na aming pinagsamahan pero bigla lang yun naglaho ng isang iglap lang."

Nakasimangot na ako ngayon ng kinuwento ko sa bestfriend ko. Naaalala ko tuloy yung mga memories namin.

"Baka may rason yun kung bakit siya nakibreak sayo. Hayaan mo na yun Ris, madami pang isda sa dagat, mahahanap mo rin ka meant-to-be mo. Pag end ng class natin ngayon, ililibre kita ng ice cream." sabi ni Mar sakin na nakangiti.

Ngumiti ako sa sinabi niya "Thank you Mar dahil nandiyan ka kung may problema ako. Sure na yan ah? Wala ng atrasan."

"Welcome naman Ris! Ikaw pa. Oo nga walang atrasan na" sabi niya na nakangiti.

Dumating na yung teacher namin at bumalik kaagad si Mar sa kanyang upuan.

😜😱😜😱😜😱😜😱😜😱😜😱
After-school

Katatapos lang ng klase, naglalakad na kami ni Mar papuntang ice cream shop. Habang naglalakad kami ay natapilok ako at natumba."Anak ng tilapia! Bakit ba may bato sa gitna ng daan." Painis kong sabi.

Tawang tawa naman si Mar sakin imbes na tulangan ako bumangon, bait ng bestfriend ko no?

"Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo Ris, ayan tuloy natumba ka. Pero may sumalo naman sayo kaya okay lang yan" Sabi ng bestfriend ko na tumigil na sa katatawa.

Naconfuse naman ako sa sinabi niya na may sumalo daw sakin."Anong sumalo? Baliw to, ututin kaya kita Mar"

Tumayo na ako at kinakapa ang sarili dahil sa dumi na aking nakuha dahil sa pagkakatumba.

"Edi yung sahig yung sumalo sayo" tawang tawa na sinabi ni Mar.

"Ha-ha-ha ang funny mo Mar. Hali ka na at ililibre mo pa ako ng ice cream, remember?"

"Oo na, oo na. Di ka talaga makapaghintay sa ice cream ah."

Nagpatuloy na ang paglalakbay namin ni Mar papuntang ice cream shop. Habang naglalakad kami papunta dun ay parang may nararamdaman akong kakaiba pero binabalewala ko na lang baka gutom lang ako kaya ganun.

5 minutes later ay sa wakas! Malapit na kami sa ice cream shop."Finally! Nagtagumpay din tayo sa ating paglalakbay Dyosa Margaret." Sabi ko na nakataas ang kamay na parang baliw.

"Oo nga Dyosa Clarissa! Sa wakas ay makakakain din tayo."

Tumawa kami sa aming kabaliwang dalawa at pumasok na kami sa ice cream shop.

Pagkatapos naming umorder ay umupo na kami sa upuan malapit sa window. Nag usap kami ni Mar ng kahit anong maisip namin kagaya ng "Bakit ba ang tawag ng apple ay apple?","Totoo bang may mga serina?", at kung ano-ano pa.

Sa gitna ng aming pag-uusap ay may bigla akong naalala, yung lalaking nag comment sa post which is si Jeremy Monforte a.k.a. Mr Commentor. Itatanong ko na sana kay Mar kung kilala niya ba pero may napansin ako sa likod ni Mar.

Lalakeng nakablack hoodie na nasa opposite side ng upuan namin. Nakatitig sakin na parang agila na may binabantayan.

Story of One Shots (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon