Pag may umaalis may dumadating (PART 4)

7.8K 50 9
                                    




Nandito na ako ngayon sa grocery store dahil inutusan ako ni mama na bumili ng pang-agahan namin bukas kagaya ng eggs, bread, kape at kung ano pa. Habang nag scascan ako sa mga paninda ay pumasok sa isipan ko ang nangyari sa ice cream shop.


FLASHBACK

May lalakeng nakablack hoodie na nasa opposite side ng upuan namin. Nakatitig sakin na parang agila na may binabantayan.

Tumindig ang mga balahibo ko at dahan-dahan akong lumingon sa bestfriend ko.

"Oh? Anyare sayo? Para kang nakakita ng multo ah."

"Mar, may lalakeng nakatitig sakin. Nakablack hoodie, ang creepy niya." sabi ko na medyo natatakot.

Lumingon si Mar likod niya "Ha? Wala namang tao dun ha? Baka guni-guni mo lang yan Lisa. Kulang ka lang sa ice cream, kumain ka na nga diyan."

Tumingin din ako at tama nga ang bestfriend ko. Wala na yung lalakeng nakablack hoodie dun. Nagulat ako pero shinake-off ko na lang yun baka gutom lang talaga ako.

END OF FLASHBACK


Papunta na ako sa counter para magbayad nang biglang may nakabunggo ng balikat ko.

"Aray! Mag-ingat ka naman." sabay hawak sa balikat ko.

Lumingon ako sa sa taong nakabunggo sakin na di man lang tinitignan dinadaanan niya like helloooo? Porket maliit lang ako di mo na ako makaikita? GANUN!? Nakakainsulto tong tao na to ah. OA na ba reaction ko? Sorrina. Talk-to-yourself na naman ako, baliw na ata ako huhuhu well noon pa. Back to taong nakabunggo sakin.

I was utterly shocked when I saw the person who bumped into me, it was the guy who wore a black hoodie back then in the ice cream shop. Speechless talaga ako, why is he here though? Sinusundan niya ba ako? Sino ba siya? Stalker ba siya? O baka naman rapist? Maraming tanong ang pumasok sa isipan ko pero di ko mailabas sa aking bibig, para bang glued together na siya.

It's about 3 minutes na ni wala man lang samin ang kumibo o nagsalita. But finally I've put some courage in myself to talk. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Hindi sayo lang ang daan." Sungit kong sabi sa kanya.

Naghintay ako ng reply niya pero hindi man lang siya nagsalita. Pepe ba to? Di niya ba alam magsalita? O di kaya bingi siya. Lumapit ako sa kanya.

 "Helloooooooo? May tao ba?" I waved my hand in front of his face pero hindi pa rin nagsalita. 

I sighed and poked his chest. Ay grabe matigas yung chest niya ah, baka may abs to si kuya. 

"Hoy! Bingi ka ba? Di ka man lang magsosorry?" sabi ko habang nakasimangot. Pero di pa rin siya kumikibo o nagsasalita. Ano ba tong lalake na to, baka bini talaga to o pepe.

 Nag-isip ako ng paraan para lang magsalita siya and at last! May naisip na akong gawin. I've put on my evil smile and tried tickling his sides pero wala pa rin. Steady as a rock pa din siya, manhid ata tong lalakeng to ah. My second choice is keep poking him just to annoy the heck out of him. I kept poking his chest, shoulders and back pero di pa rin. Bato talaga to, ayoko na napapagod na ako sa kakapoke ko sa kanya.

 I turned my back on him and start to proceed to the counter pero ayaw ko talaga mag give up. I know na sinabi ko kanina na "ayoko na" pero keme ko lang yun. Kalimutan na lang natin na sinabi ko yun, okay? I stopped and turned to him again, di pa rin siya kumibo eh. Lumapit na naman ako sa kanya and crossed my arms over my chest. 

"Di ka talaga kumikibo ah? Pwes ito sayo" I-popoke ko sana siya sa cheeks niya pero hinawakan niya yung kamay ko to stop me from doing it. Shock na naman si Ate Lisa niyo. I tried getting his hand off me pero wa epek. Infairness malakas siya. 

"Bitiwan mo ko! Ayokon makuha germs mo, eeewww." sabi ko na parang nandidiri but to be honest I'll gladly accept his germs. Ano daw? Kung ano-ano na lang sinasabi ng isip ko, grabeeee. Binitiwan niya rin yung kamay at hinawakan ko yung part na hinawakan niya. I looked at his face pero di clear dahil sa hoodie na suot niya. 

Ginalaw niya kamay niya at nag step back ako baka anong gawin niya. Hindi naman ako judgey, just cautious lang. Pumunta yung kamay niya sa hood ng hoodie niya at tinanggal ang hood. There, I saw that familiar face. The boy who randomly commented on my post.

"Je-Jeremy Monforte?!"

Story of One Shots (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon