"Ay, ito bet ko na damit para sa kanya. Wait! Ito nalang pala, mas sexy to, oh ito nalang kaya? Hay naku! Ang hirap pumili, huhubells."Hiii! Ako pala si Bryanna Fiel at ako ay naglalaro ngayon ng VIRTIA. Ano nga ba ang VIRTIA? Ito lang naman ang pinakasikat na laro sa buong mundo ngayon, virtual world ito, meron kang avatar na dinadala at syempre dinadamitan mo ito. May sarili kang kwarto at pwede mong lagyan ng mga gamit at gamitin na tambayan ng ibang naglalaro dito. Pwede din kayo mag chat-chat.
"Ito na nga lang, uso to eh" clinick ko yung damit. Bongga nga siya girl! 2 hours na ako ditong pumipili ng damit ng avatar ko at sa wakas natapos na rin.
Bored na bored naman kasi walang magawa. Ay! Alam ko na, random chat nalang kaya ako muahahaha. Hokage moves mga bes eh.
30 mins. later
"Wala namang enjoy kausap dito eh. Ang boboring ng mga tao at mga malilibog pa. Wala ng matino hayst." I sighed.
Nag leave na ako sa isa pang nakachat ko, isa nanamang malibog na walang mudong lalake.
Nag enter nanaman ako. Last na to promise kung walang matino give up na talaga si aketch. Pag enter ko binasa ko username niya.
"◇Bryan◇? Ay iba to, parang kaparehas ng name ko ah." I rubbed my hands getting ready for landi na. Joke lang hahahaha.
◇Bryan◇ left the room
Shookt si aketch!!! Nag leave yung soon-to-be-husband ko. Charot. But wait, there's mooore! May nag add sakin at clinick ko yung friend request ko and guess what? Si LOLA MO NAG ADD SAKIN!!!! Di joke lang. Yung Bryan nag add sakin. Mamamia! Binayayan na ako ni Father God.
Nag PM ako kaagad sa kanya. Wag ng magpatumpik-tumpik pa.
KawaiiBryanna♡: HOY IKAW!
Hoy ikaw kaagad no? PEELING CLOSE SI ATE NIYO EH.
You have 1 message
Beeees! Ito na talaga Mr. Right ko eh! Nag reply siya kaagad. Heart ♡. Binuksan ko agad message niya syempre.
◇Bryan◇: Hoy ako. ^^ Bakit po?
May humor si Bebe labs ko eh. Soon-to-be-my-Bebebs ♡. Kilig si aketch eh. Ihi na ako.
KawaiiBryanna♡: Anong "Hoy ako"? Hinohoy mo sarili mo? Wala lang akong magawa hahahaha XD Sorrina po.
Wala lang daw magawa? Estoryahe ko Bryanna. Lumalandi ka po. Ang harsh po ng utak ko hahaha.
◇Bryan◇: Hahaha. 😂 Oo.
◇Bryan◇: Ang cute. 😄
◇Bryan◇: Okay lang, kulitin mo 'ko whenever you want. 😊Bessy! Sunod-sunod reply niya eh. Di ko na to papakawalan. Cute daw oh.
KawaiiBryanna♡: Ang cute ng ano?
◇Bryan◇: Ikaw. 😂😂 chinat mo 'ko kasi wala kang magawa. Cute. 😂
OHMYHOLYUNICORN!!! LAG-LAG PANTY NA SI ATE MO. CUTE DAW AKO! WATDAPANG! MANGINIG NA KAYO BESSY!!!
Sumisigaw na ako sa unan ko at sinusuntok na ito sa sobrang kilig.
"Keep it cool Bryanna. Baka mahalata niya." Inhales and exhales.
KawaiiBryanna♡: Reaaaaaally? Kukulitin kita whenever I want? Sabi mo yan ah? Hahahaha. Bili mo ko ice cream Bryaaaan.
Pabili agad ng ice cream. PEELING CLOSE na kasi eh. Colgate ko Close-up. Gets niyo? Wenk wenk hahaha.
◇Bryan◇: Oo. 😊 Ano flavor?
BINABASA MO ANG
Story of One Shots (Tagalog)
RomanceMga One Shots stories na naisip ko lang. Hope You Enjoooooy