Agad agad ko tinawagan yung boyfriend ko*ring*
*ring*
*ring*
*toot toot toot toot*
Paulit ulit ko siyang tinawagan pero ganun pa rin, pinapatay lang niya. Para lang siya naglaho ng parang bula. Iyak ako ng iyak dahil ang sakit sa puso, tumulo na lang yung sip-on ko dahil sa kaiiyak ko. Kumuha ako ng tissue at pinahid ko yung sip-on kong abot labi na.
Pagkatapos nun ay kinuha ko agad ang aking laptop at nag open ng facebook para dun ako magluksa at maglabas ng aking hinanakit.
"You wasted my time I've spent loving you" Pinost ko to agad sabay logout ng facebook ko.
Hindi na ako kumain ng gabing yun, nawalan na ng gana ang sipmura kong kumain. Sarap pa naman ng ulam niluto ni mama, adobong manok. Nag emote na lang ako sa higaan ko at basang-basa na ang aking unan sa kakaiyak hanggang nakatulog na lang ako.
Kinabukasan nun ay namutla na yung mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi. Wala na akong pakialam sa itsura ko. Agad-agad kong binuksan ang facebook ko, pagbukas ko ay ang daming nag react at nag comment ng pinost kong status;
"Girl, sabi ko pa sayo eh! Sasaktan ka lang ng Romeo na yun." Sasaktan mukha mo na pinupush mo nga ako kay Romeo nung kami pa.
"Okay lang yan Clarissa, may madami pang isda sa dagat. Di ka mauubusan." Madami namang isda pero kunti lang yung matitino.
"Bagay nga sayo, you deserved it" Ay? Ang heater naman ni Ateng eh.
At kung ano-ano pang nagcocomment diyan, pero sa dinami dami na nagcomment ay may isang nag caught ng attention ko.
"PM me Lisa"
Nagtataka nun kasi di ko naman kilala yung nagcomment at lalake pa. Stinalk ko siya at nagulat ako sa nakita ko, ang pogi pogi naman ni Mr. Commentor!!!! Pero ba't nag comment siya sa post ko? Di ko naman siya kilala eh. Tapos may pa Lisa Lisa pa siyang nalalaman na di naman kami close. Confirm ng confirm kasi ng kahit sino, ayan tuloy di mo kilala yung mga friends mo sa facebook, hahays Lisa naman.
Rineplayan ko naman si Mr. Commentor na ang pangalan pala niya ay si Jeremy Monforte.
"Ayoko nga, ikaw na lang mag PM sakin" May pakipot pa akong nalalaman ah.
Nagulat na lang ako ng biglang may nagmessage sakin. Clinick ko yung message at si Mr. Commentor nga nag message!
"Hi :)"
May smile pang dalaaaa!!! Omg! Pero ba't ganito ako? Kakabreak lang namin ng boyfriend ko tapos masaya na ako? Dapat sad ako at heartbroken so back to heartbroken Clarissa na tayo.
"Hey :(" reply ko.
"Oh? Wag kang sad Lisa. Ang panget panget mo pagnakasimangot ka. Bahala ka, kikilitiin talaga kita hanggang bumaliktad na yang simangot mo :)" reply ni Mr. Commentor
Ay iba siya, maharot din tong lalakeng to eh. Pero napangiti naman ako sa message niya. Base naman sa kanyang message ngayon ay mabait naman siya, medyo sweet.
"Oo na, di na ako malungkot. Nakasmile na ako oh :) Kaya wag mo na akong kilitiin pero di mo naman ako makikiliti kasi di mo ako kasama :P tsaka you don't know me naman."
Diba? Feeling close agad ako hahaha.
"Yaaan! Your beauty shines when you smile :) Pagmakasama kita, kikilitiin talaga kita ng sobra hanggang tumutulo na yung luha mo, sige ka. Akala mo lang yun na di kita kilala, nakita na kaya kita sa personal Lisa. Nagbabantay ako palagi sa likod mo :)"
Sabay nag offline si Mr. Commentor pagkatapos nagsend ng message niya. Nagulat talaga ako sa last message niya, na creep out ako ng kunti, naconfuse din na kilala niya ako. Nakabantay daw lagi sa likod ko pero wala naman akong napansin na ganun. Curios na talaga ako sa Jeremy Monforte na yan a.k.a. Mr. Commentor.
BINABASA MO ANG
Story of One Shots (Tagalog)
RomansMga One Shots stories na naisip ko lang. Hope You Enjoooooy