Yung lalaking, sweet...
Gentleman..
Mabait..
Clingy..
Sa lahat ng babae
Yung lalaking kaya kang pakiligin sa kakornihan nya?
Yung lalaking halos maumay ka na sa pinagsasabi nya? Kase paulit ulit nya yung sinasabi sa mga natripan nya.. Sa mga napahulog nya..
Biruin mong linahat mo talaga ng kaibigan ko?
Ano ba ang trip mo sa buhay mo?
Ang mangloko? Mag bigay ng motibo? Makasakit ng tao?Tapos ngayong nagsasabi ako ng totoo..
Magagalit ka naman sa pinagsasabi ko..
Bahala ka nga sa buhay mo, bahala ka dyang paikutin lahat ng babae mo.Pero wag mo naman sana damayin pati ang mga importante sa buhay ko.
Mga kaklase ko, kaibigan at bestfriend ko.
Nagmamahal lang sila ng totoo..Tutal ikaw naman ang mangloloko, ba't di mo saktan ang sarili mo?
Kase naman, di na natuto.
Di mo ba alam kung gano kasakit maloko?
E ang maiwan sa ere?
Naranasan mo na bang matapos sa wala? Yung iiwan ka na lang bigla?Obvious naman, hindi.
Ikaw kase ang hinahabol, ikaw ang minamahal.
Ikaw ang hindi sinasaktan, ikaw kase ang pinapahalagan..Isa rin kase ako sa napaasa mo diba?
Isa rin ako sa pinangakuan mo diba?
Diba nga kase manloloko ka?
Isa rin ako sa iniyakan ka, hinabol ka, pero iniwan mong lalake ka.Kung mababalik ko lang talaga ang oras, pinaglalamayan na sana yang mukha mo.
Gusto kong saksakin yang ngipin at labi mo, gusto kong dukutin yang mata mo
Lalo na't napakadali mong makapagpaniwala ng tao.Leche mamatay na talaga nagpauso ng salitang Motibo..
Ayan tuloy umaasa ako ng todo..
Balang araw makakalimutan ko rin tong katangahan ko..
Na nagsimula sa mga binigay mong motibo
Basta tandaan mo..
Dahil balang araw ikaw na rin ang magsusumpa sa mga ginawa mo!
![](https://img.wattpad.com/cover/91082803-288-k974836.jpg)