Patawad

20 3 0
                                        

Huli na ba ang lahat?
Huli na ba para humingi ng tawad?
Huli na ba para bawiin pa?
Huli na ba para patawarin pa?

Aaminin ko, ginamit kita.
Aaminin ko, pinaglaruan kita.
Pero aaminin ko rin, nagsisisi na akong sinaktan kita.
Dahil ngayon naisip ko, gusto na pala kita.

Patawad dahil pinagtabuyan kita.
Patawad dahil pinapahiya kita.
Nahihirapan na kase ako magtiwala.
Lalo't na marami din sayong umaasa.

Kase baka paglaruan mo rin ako
Kase baka saktan mo lang rin ako..
Pero ako na pala ang gumagawa sayo non..

Patawad dahil naisip ko, gusto na pala kita ngayon.

Na ngayong may mahal ka ng iba..
Na ngayong may pinapahalagahan ka ng iba.
Ang masaklap..mahal ka rin nya..

Huli na nga ba talaga?

Kung kelan, bukang bibig na kita?
Kung kelan, iniisip na rin kita?
Kung kelan, nagugustuhan na kita?
Kung kelan, mahal na pala kita?

Marahil ay huli na nga ang lahat.
Huli na para bawiin ko pa.
Kasalanan ko rin naman dahil binalewala ko rin noon ang lahat.
Tapos ngayon, manghihinayang na wala na pala..

Patawad at salamat sa lahat lahat..
Ngayong masaya ka na, ililihim ko na lang na mahal kita...
Dahil baka magulo pa ang lahat, masaktan nanaman kita.

Patawad ha?

.....

Ang babae sa ballpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon