Ako

13 3 1
                                    

Napasigaw lang ako, nilait mo na ako ng todo.
Halos pagtapakan mo na pagkatao ko.
Ganito ba talaga ako kasama sayo?

Hindi naman ako ganong tao.
Mabait naman ako..
Kaso hinusgahan mo agad ako..
Sabi mo 'ganito ba talaga ang lahi mo?'

Ang sakit mo naman magsalita.
Parang mas kilala mo ako kung makapagsabi ka
Hindi porket minamahal kita.
Papabayaan ko na lang na manghusga ka

Sana hindi na lang kita nakilala
Para hindi ako dito iiyak iyak
Kahit alam ko sa sarili kong hindi iyon totoo..
Wala eh, nasasaktan pa rin ako..

Kase eto o..
Tao rin ako..
May nararamdaman din ako.

Nasasaktan rin ako..
Akala mo ba wala akong puso? Hindi tinatablan ng mga pinagsasabi mo?

Isang araw, nagbago na ako.
Hindi na ako tulad ng dating kinaiinisan mo.
Sinubukan mong lumapit para tanungin ako.
Pero hindi kita tinapunan ni isang tingin sa mata mo.

Baka kase mabuhay ulit tong nararamdaman ko
Tanga pa naman tong puso ko.
Alam ko kase sa sarili ko..
Na isang ngiti mo lang, babalik natong katangahan ko.

Sa pagdating nitong bagong 'ako'
Hinihiling ko rin na sana wag ka ng bumalik sa buhay ko.
Alam kong hindi mo naman talaga ako gusto, gusto mo lang yung ako ngayon. At oo, nasasaktan pa rin ako ngayon.

Kahit nahihirapan na ako, sana ay hindi ko na ulit maisuko tong puso ko sayo..

Dahil pagod na pagod na akong ipagpilitan tong sarili ko. Pagod na pagod na akong magbago para sa taong mahal ko.

Ang babae sa ballpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon