Inabot nya ang kamay ni Dex, at pagkatapos ng tatlong hakbang ay nag-iba na ang paligid nya. Kumurap si Carla.Literal na nagpalit anyo ang lahat ng nakikita nya. Ngayon ay nasa isang madilim na kwarto sila na madaming nakasulat na iba't ibang kulay na simbolo, sa sahig, sa pader at sa kisame.
Yumuko siya at tinignan ang kanyang kinatatayuan, napagtanto niyang nakatayo pala siya sa isang bilog na tila kumikinang at medyo magaspang sa paanan.
Ang hangin sa paligid ay tila may makinang na alikabok, sumasayaw sa paligid at dahan-dahang bumabagsak sa lupa. Habang nawawala na ang makintab na alikabok ay napansin din niyang hindi na din umiilaw ang paanan niya kundi napalitan ito kulay berde.
"Ito", saad ni Dex, habang nakaturo sa paanan, "ang lagos-makiha ko." Halata sa boses nya ang pagmamalaki, samantalang para kay Carla parang normal na bato lang naman ang tinuturo ni Dex.
"Berde ang pinaka makapangyarihang kulay, " patuloy ni Dex. "Tsaka malaki 'tong lagos-mahika ko, kayang magdala ng dalawang tamahika kahit anong edad. Walang ng mas babata ang tamahika ang nakagawa nun kesa sakin."
SInubukan ni Carla na magmukhang namamangha. Nagbuntong-hininga na lang si Dex.
"Walang kang alam sa mga sinasabi ko noh?", bigong sabi ni Dex."Kailangan mong makinig at paniwala sa mga sasabihin ko, " sabi nya, sabay ngiti tulad ng dati.
"Kailangan mo kong paniwalaan sa lahat sasabihin ko patungkol sa Drova, at ako magtitiwala sa lahat ng sasabihin mo patungkol sa Lixtra."
"Drova?" tanong ni Carla. "Drova ba ang tawag sa lugar na to?"
"Oo", alangan na sagot ni Dex. "Pero masyadong malawak, nasa mansion tayo ng Malurin,isa sa mga kwarto ng para sa lagusan. Dito ako nakatira. Nasa pinaka siyudad tayo ng Doral."
Tumingin si Carla kay Dex, nagtataka kung bakit hindi siya nakakaramdam ng takot. Kinakabahan siya, oo, pero hanga siya sa sarili dahil kontrolado pa nya ang bawat kilos nya. Hindi pa siya kinakain ng takot nya. Saan ba siya magsisimula? Ano ba dapat una nyang itanong? Pero bago pa man siya makapagdesisyon, tinuro na ni Dex ag pinto.
"May kailangan tayong puntahan, " sabi ni Dex. "Hindi kita kayang itago dito, at walang dapat makakita sa'yo habang wala pa tayong sagot sa mga tanong natin."
Mabilis namang sumunod si Carla papunta sa pinto. Nakarating sila sa isang madilim na pasilyo. Pumasok ulit sila sa isang pintuan sa dulo ng pasilyo. Sa loob ay may mahabang hagdan na paikot, pababa at paakyat. Pakiramdam ni Carla ay nasa makalumang mansion siya.
Sa huli ay nakarating din sila sa pinaka tuktok ng hagdan, at tila naka hinga na siya ng mas magaan.
"Kailangang nasa ilalim ng lupa ang mga kwarto para sa lagusan, " bulong ni Dex. "Hindi ligtas bumiyahe pagnasa ibabaw." Mabilis na sumunod si Carla si Dex, habang inaalala lahat ng nakikita nya hangga't maari, at hindi pansinin ang baduy na pareha ng mga kagamitan sa tema ng paligid.
Bandang huli ay huminto din si Dex at nagbukas ng isang malaking pinto. Sinunadan nya ito papasok sa isang malaking kwarto, at nanalaki ang kanyang mga mata. Parang kwarto ng isang maharlika!
Ang mga kagamitan ay tila masinop na inukit, at ang mga ito ay muwebles, na kahit sa tulad nyang walang alam, ang lahat ng ito ay maganda at garbo.
Ang sahig ay makintab at tila nagpapalit ng kulay sa tuwing aapakan, at ang kisame ay may tila ulap na gumagalaw-galaw at mala-bahaghari ang kulay.
Lumingon siya kay Dex na may pagkamangha sa kanyang mukha. Nagkibit-balikat lamang si Dex sabay sabing, " Madalas akong mag-eksperimento. Minsan nga hindi ko alam kung alin sa mga yun gumagana eh."
YOU ARE READING
Tamahika
FantasiHindi naniniwala si Carla sa mahika. Para sa kanya gawa-gawa lang ang mga ito at pakulo ng ibang tao. Wala talagang totoong mahika.Hanggang dumating ang isang araw na nagbago ang kanyang pananaw. Kung ikaw si Carla..Bubuksan mo ba mga mata mo...