MARGAUX
It's been two weeks since the bombing ay UP at parang nagbago itong asawa ko. Mas malambing na siya ngayon. Hindi na niya muna ako pinapapunta sa mga ribbon cutting, ground breaking etc. Magpalamig daw muna. Actually ang dami niyang ipinagbabawal ngayon. Kailangan kasama siya sa mga lakad. At masyado siyang paranoid ngayon.
Mas tender na din siya sa akin. Yung love making namin hindi na katulad ng dati na pag gusto niya basta na lang niya gagawin without even asking kung gusto ko. It was always what he wanted. Now he would, ask me. Noong una, siyempre nahihiya ako. Hindi ko siya sinagot. Akala siguro niya ayoko kaya hindi niya itinuloy. Kaya nung next time na nag lambing siya, pumayag ako.
1 week na akong hindi dinadatnan. Hindi ko din sinasabi sa kanya. Before the bombing incident may kutob na ako na baka buntis ako. Pero hindi pa naman ako delayed kaya hindi ko sinasabi. Sabi niya kasi na ayaw niya kaming mag kaanak para daw wala siya pananagutan sa akin. Narinig ko yun na sinabi niya kay Tito Mario. Akala naman niya maghahabol ako. Tsaka kasalanan niya kasi hindi siya gumagamit ng condom.
"Margaux? Gising ka ba?"
"Huh?"
"Aaaahh gising ka nga. Pwede mag ask ng favor?"
Anong favor? Magkatabi kami ngayon dito sa room. Pumasok siya habang nagsisiyesta ako. Naramdaman ko na lang na nakayakap siya sa akin.
"Ano yun?"
"I massage mo nga ang likod ko ang sakit kasi eh. Kahapon pa to. Hindi ko naman masabi sa kanila kasi busy. "
"Halla, namamaga ang likod mo. Hindi ito pwedeng i massage lang. Sabihin natin sa palace doctor."
"Huwag na."
"Sabihin natin baka kung ano na yan."
"Huwag na kasi Margaux. Mawawala din to."
"Hindi mawawala yan."
"Sige itutulog ko lang ito. Pag nagising ako at namamaga pa ipapatingin ko na."
"Okay. lagyan ko na lang ng heating pad para ma ease yung pain."
"Okay. Sweetheart, thank you."
Mabait naman siya eh pag ako ang upper hand. Two weeks ago, ako naman ang binubully niya. Inuutusan or minsan hindi ako pinapansin. After the bombing masyado na siyang mabait sa akin.
3 HOURS AFTER
"Ano ba ang nangyari kay Sir, Margaux?"
"Hindi ko alam Kuya. Basta ang sabi niya sa akin i massage ko yung likod niya kasi masakit daw, nung makita ko na swollen hindi ko minassage nilagyan ko lang ng heating pad. Then yan na mataas ang lagnat."
We're in the presidential car rushing him to the hospital. Mataas ang lagnat niya nung chineck ng Doctor. Instead na i confine muna siya sa palasyo nag decide ang staff niya na siya sa hospital. Delirious siya ngayon at mataas ang lagnat niya. Pinagpapawisan siya ng sobra.
Nung dumating kami sa hospital idinerecho agad siya sa ICU. May suite na din para sa kanya. Duon ako pinastay ng mga PSG. Hintayin ko na lang daw ang mga doctor para sabihin sa akin ang resulta ng mga tests sa presidente. Wala naman ako magawa kahit gusto kong magstay malapit sa kanya kasi ayoko din naman na ma breach ang security protocol ng mga nagbabantay sa aming dalawa.
I checked my phone and saw his pictures. I smiled. Mga pictures niya na di niya alam nasa akin. Oo naman, siyempre hindi ko naman ipinagkakaila na guapo ang asawa ko at alam ko maraminf nagkakandarapa sa kanya. At hindi ko rin ipinagkakaila na nung makilala ko siya at nalaman na mapapangasawa ko siya eh hindi ako nagpantasya na sana mahalin din ako or sana gustuhin din niya ako.
TO BE ABLE TO READ THE NEXT CHAPTER, PLEASE FOLLOW ME. THE NEXT PART IS AVAILABLE ONLY TO FOLLOWERS, THANK YOU
BINABASA MO ANG
TRAPPED IN MARRIAGE
RomanceSenator Michael Bustamante, 39, is running for president next year. His political advisers told him that he has to get married or get a fiancee before the election. Mike who has been single all his life is against the idea, but according to his adv...