THREE MONTHS AFTER THE WEDDING
MARGAUX
I will accompany Mike today to the COMELEC to file for his candidacy. He is running for President of the Republic of the Philippines. His opponent is the sitting Speaker of the House, a corrupt official pero malapit sa masa. Ang bahay na tinitirhan namin ngayon ay ang regalo sa amin ng mga biyenan ko nasa Forbes Park ito. Hindi pa din kami masyado nag uusap ni Mike. Dahil iniiwasan namin na machismis kami at msira ang kandidatura niya, mga piling katulong lang ang mga kasama naming sa bahay. Lahat ngmga ito ay galing sa bahay nilasa Makati o sa hasyenda nila sa Nueva Vizcaya. At sabi din ni Atty Mario, este Tito Mario na matulog kami sa isang kuarto lang. Nung umpisa, hindi ako makatulog, pero si Mike ay umuuwi lang pagtulog na ako o minsan naman ay kunwaring nakatulog siya sa opisina niya na nasa first floor ng bahay. Kapag nandito siya sa bahay ay nagkukulong lang ako sa silid naming o kaya ay nagbababad ako sa mini gym. Mayroong pool ang bahay pero hindi ko pa na ta try.
Si Kuya Jonathan ay palagi kong nakikita dito sa amin. Palaging kasama ni Mike. Pero bihira din kami nakakapag usap. Only when nagkikita kami sa kitchen kung saan ako kumakain at matityempong kukuha siya ng juice or fruit or snack sa fridge.
Si Mike naman, simple lang ang mga tanong sa akin. Mga pampalubag loob na "Kumain ka na?" "Okay ka lang" "Lalabas ka ba?". Hindi ko na rin nakikita sina Lourraine at Charlene masyado.
Sa media naman, ang daming nagbabash sa amin ni Mike, na porket Marriage for Convenience daw, or Presidential Marriage daw kasi nagpakasal siya para gumanda ang reputasyon niya. Bakit daw ang kapatid ng Chief of Staff niya pa ang napili? Sinasabihan pa siya na Child Molester kasi daw baka matagal na niya akong ginagalaw. Angdami dami pang mas mabibigatna paratang. Pero sinabihan nila ako na huwag daw akong magbasa ng news at iwasan ko na din daw ang social media at talagang maraming bayarang network bullies para sirain ang mga kandidatong kalaban nila.
"MA'am ready na daw ba kayo sabi ni Senator? NAsa baba na siya hinihintay na kayo."
"Ay sige pababa na ako Aling Goring."
Suot ko ngayon ang regalo niya sa akin nung kasal naming na Rolex watch. Hindi naman kami mahirap pero hindi rin kami mayaman. Ngayon lang ako nakahawak at nakasuot ng Rolex. Ang damit ko naman na red Prada dress ay binili ng biyenan kong babae na susuotin ko sa pag nag file na ng candidacy si Mike. Every Tuesday st Thursday ay sa bahay nila ako nag la lunch. Feei ko naman na gusto nila ako. Parati akong dinadala ni Mommy para mag shopping ng mga damit ko o kaya ay para kumain ako sa labas. Palibhasa nag iisang anak nila si Mike kaya siguro natutuwa sila na may babae siyang nabibihisan. Architecture, constructions at medical laboratories ang businesses nila. Hindi sila nakikipag kontrata sa gobyerno kasi bukod sa mababa ang bayad ay taon kung maningil sila. At isa pa para daw walang masabi ang mga tao kay Mike na conflictof interests.Pag baba ko nasa hagdanan si Mike kausap ang kuya ko. Napakunot ang noo niya nungnaramdaman niyang bumababa na ako. Sumimangot na naman siya sa akin. Hindiko alam sa lalaking to kung ano ang mga ayaw niya na ginagawa ko. Lately pasigaw siya kung magsalita sa akin at minsan naman ay napapagalitan lang niya ako basta basta. Kaya nga pag wala akong pasok sa school, dun langako sa room naming o kaya sa bahay ng mga biyenan ko or sa bahay naming ako naglalagi. Minsan umiiwas ako na magpunta sa bahay naming kasi nagtatanong si Mama. At least sa mga biyenen ko alam nila ang real score. Yung biyenan kong babae lang ang hopeless romantic at parati niyang sinasabi na one day magigising na lang daw kami ni Mike na in love na kami sa isa't isa. Sa harap lang ng staff niya ako trinatrato na parang wala, parang multo na hindiniya nakikita. Pero pag maraming tao na, sobrang sweet na niya. Pero hanggang boring into my eyes lang ang peg niya at holding hands lang kami. Paano, di ba nga nandidiri siya sa ideyang magkakatuluyan kami kasi nga para daw niya akong anak. Buti na lang daw at hindi siya kinuhang Ninong ng tatay at nanay ko nung bininyagan ako. Natawa ako sa thoughtna yun ah.
"Ang tagal mo naman magbihis"
Nagkatinginan na lang kami ng kuya ko.
JONATHAN
Wow ang ganda ni Margaux ngayon. Proud kuya here. Kaso tong kumag na Senator Mike na to pinagalitan na naman niya. Usap usapan na nga sa staff yung ugali ni Sir kay Margaux eh.Buti nalang hindi pinapansin ni Margaux. Naawa na ako sa kapatid ko kung bakit pumayag payag ako sa kasunduang iyon eh. Eto pag hindi ito nag bago ako mismo ang magsasabi kay Margaux na hiwalayan na niya ito total naman wala pa naman nangyayari sa kanila. Hindi ko alam kung bakla itong boss ko eh. Ayaw sa babae. May mga lumalapit sa kanya noon pero kung makaiwas wagas. Bago ang sasakyan niya ngayon at yung sasakyan ni Margaux. Ininsist ni Don Manuel na palitan kasi delikado daw. Bullet proof ang mga sasakyan nila ngayon.Natatakot sila nab aka I ambush sila or something. Pero tong si Sir matigas angf ulo.Kung may kakausap sa kanya titigil at titigil yan kahit na delikado ang lugar. Hay naku nagagalit na nga sa kanya ang head ng security niya eh.
Sabi ni Miriam kaya daw ganun itratoni Sir si Margaux kasi baka daw attracted na si Sir. Sabi naman ni Luis, malamang. Kasi kung ayaw mo ng distruction tapos nandiyan siya ang ginagawa mo eh pilit mong aalisin yun di ba? Kaya magagalit ka, gusto mo saktan physically or emotionally to put that distance between you di ba? May point din siya. Siguro nga ganun nga.Well kung ganun nga ang mangyayari, okay lang sa akin na magkatuluyan na sila ng tuluyan.
MIKE
Kinakabahan ako. Hindi ko ma point kung bakit. PArang an itch that I can not scratch is bothering me. Well maybe because mag fa file ako ng candidacy para sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Ang ganda ni Margaux ngayon, First lady na first lady. No sweat dawn a turuan sabi ni Tito Mario.Hindi siya maingay, hindi rin siya magaslaw gumalaw at magsalita. May breeding. Bagay sa kanya ang red na damit niya. Nakagawian ko na na kunin ang kamay niya pag magkatabi kami. Siguro dahil sa automatic na reaction ko na yun. Lalo na pag may nararamdaman akong kakaiba. Alam na din niya yun and she lets me hold her hand. Sa mga proclamation rallies na pinupuntahan naming, sa mga tv guestings naming, alam niya na ayaw na ayaw ko ang mga yun lalo na pag tinatanong na ako o kami ng mga personal na bagay tulad ng relationship naming dalawa. Ayaw na ayaw kong inuungkat ang mga bagay bagay na wala namang kinalaman sa pagtakbo ko bilang presidente.
"Sir, COMELEC na po."
BINABASA MO ANG
TRAPPED IN MARRIAGE
RomanceSenator Michael Bustamante, 39, is running for president next year. His political advisers told him that he has to get married or get a fiancee before the election. Mike who has been single all his life is against the idea, but according to his adv...