**********
Brielle's POVHindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at gusto kong makakita ng kulay berde. Tsk kaya nandito ako sa park.
Hindi talaga ako kilala ng mga yon, i will surely make them pay. Mamatay na ang bubuyog----este gagawin ko ang lahat!
Bwiset! Buti na lang at may spare clothes ako sa locker ko at nakapagpalit ako kaagad.
Lintek lang ang walang ganti
Napahilamos ako ng mukha habang nakatingin sa malayo. Hindi ko talaga maiwasang makaramdam ng galit, hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang lagkit at pakiramdam ko ay nasa katawan ko pa rin ito. Humanda ka talaga sa akin Terrence!
Pagnapatunayan kong ikaw nga ang gumawa sa akin nito. Hindi mo magugustuhan na binangga mo ako.
"Ano ba ang ginagawa mo dito?" napatingin ako sa nagsalita at nakangiti sya ngayon sa akin.
Paano naman nya nalaman kung nasan ako?
Napalitan ang ngiti nya ng pagaalala
"Teka... Umiiyak ka ba?" napahawak ako sa pisngi ko at nararamdaman kong basa ito.
Umiiyak ako?
"HA HA bakit ako umiiyak? Hindi*huk* naman ako umiiyak eh" tuloy tuloy ang pagagos ng luha ko
"Tsk hanggang ngayon, uhugin ka pa rin!" tiningnan ko sya ng masama ng inilapit nya sa ilong ko ang panyo. Lumapit ako sa kanya at sinipa sya.
Siraulo eh
"a-aray!! napakasadista mo naman!!"sigaw niya pagkatapos ay pinaupo niya ako at pinakalma hanggang sa maayos na ako. Napatingin naman ako sa ilang mga batang naglalaro at mga nagtitinda.
"nangyari na naman noh?" mukha namang naguluhan sya noong bigla akong magsalita at ngumiti sa kanya
"Nandito ka na naman para patahanin ako at pagaanin ang loob ko"
Ngumiti lang sya sa sinabi ko at hinimas pa ang batok na parang nahihiya
"Oo naman! At HA HA dito ka rin umiyak nong unang beses eh HA HA para ka talagang tanga non hehehe" bahagya akong napatigil at alam kong napansin nya iyon dahil nakatingin sya sa akin
"Hindi tayo sa park nagkakilala JT"
Hindi sya makapagsalita at hindi rin sya makatingin sa akin ng maayos.
"Ahh oo nga hindi nga! HAHAHA oo nga noh? Ano---eh-- ano saan nga ulit tayo nagkakilala?" nakatingin pa rin ako sa kanya dahil mayroon talagang kakaiba sa kanya. Oo matagal ko ng hindi nakita si JT at alam kong marami na ring nagbago sa itsura nya.
Pero posible bang pati ako at ang nangyari dati ay hindi nya maalala?
Hindi ba naging mahalaga sa kanya yon?
"Sa Detention room tayo unang nagkakilala JT" para namang syang natulos na kandila at lumingon sa gilid nya at iniiwasan ang tingin ko.
Bakit hindi ka makatingin ng maayos sa akin?
Nakatitig pa rin ako sa kanya at pinagaralan ang ekspresyon ng mukha nya.
"Naalala ko na! Oo don nga... Ano--kasi----"
Nagsisinungaling sya
Pati ba naman ikaw JT? Pati ba naman ang bestfriend ko magsisinungaling pa sya sa akin?
BINABASA MO ANG
PANAGINIP (COMPLETED)
Teen FictionMasakit nga ba talagang mabuhay sa kasinungalingan? Kung sa lahat ng tao na naging malapit sa iyo... At minahal mo ay ni minsan ay hindi pala naging totoo? Si Brielle Ericka Jane Zenon ay isang estudyante ng Cadwell University... isang gangster... m...