CHAPTER FOURTY FIVE

987 28 0
                                    

Author's POV

Katahimikan ang tanging nakapaligid sa kanilang lahat matapos ang pagkukwento ni Sarah walang mababakas na emosyong makikita sa mga mata nila tanging mga putok lamang ng baril ang kanilang naririnig mula sa labas ng kwarto na kanilang kinatatayuan

"Pe-r-o bak-it nandyan si Zander?" Napatingin ang lahat sa sinabi ni Xyrus at tila ba naghihintay ng sagot

Naglakad papalapit si Zander sa mga dati niyang kaibigan at biglang humarap sa kanila habang nakangiti

"Ni minsan hindi ko kayo tinuring na kaibigan...planado lahat ng pagpunta ko sa C.U dahil sa isang dahilan para mapatay namin si Dark pero dahil nga nandyan kayo mas napadali ang plano ko.." Biglang natigil ang lahat sa pagsuntok ni Terrence kay Zander

"G*go ka! Ibig sabihin ba non ginamit mo kami?! " Tila nagulat ang mga dating kaibigan ni Zander ng tumawa ito at ngumiti ng malademonyo kay Terrence

"Wala naman akong tinuring na kaibigan sa inyo...ganon lang ka simple yon.."biglang napatigil ang lahat dahil sa pagsasalita ni Brielle

***********
Eyziel's POV

Hindi ko alam pero dapat ba akong makaramdam ng takot?

Hindi ko na alam ang nangyayari...

Masyado na akong naguhuluhan

" Hindi pa ba natin tatapusin to?"napalingon ako kay beshy ng bigla syang magsalita lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa kanya habang sya ay nanatiling nakatayo at bakas ang galit sa mata nya

"Hhahaha masyado kang atat Dark? Bakit hindi mo muna alamin kung bakit ko pinagpanggap si Blake na itinuturing mong bestfriend?" Nakangising tanong ni Yana pero nagulat kami ng biglang tumawa si Beshy

"Para saan pa? Nakita ko na ang totoo..hindi ko sya naging kaibigan...sinaktan niyo si Eyz...pinaikot nyo si Sarah...Nagtraydor si Zander...Pinatay nyo si Fade at Reign...Pinaniwala nyo kami na si Rensy ang may gawa ng lahat! at higit sa lahat pinatay nyo si Kuya!walang kapatawaran ang ginawa nyo!" Nagulat kami ng biglang sumusgod si Beshy habang may hawak na patalim na hindi ko alam kung saan nya nakuha at sumugod kay Zyana pilit iniwasan ito ni Zyana pero napakabilis ni Brielle nasugatan niya ito sa pisngi dahilan para dugo ito nakatuon pa rin ang pansin nilang lahat sa away kaya nakakuha ako ng pagkakataon nagpalingalinga ako sa paligid at naghanap ng makakapagputol ng tali nakakita ako ng isang matalim na bagay at dahan dahan kong kinuha ito at pili tinanggal ang tali sa kamay ko...




Konti na lang Eyz...Kaya mo yan...

****************
Jake's POV(one of the H-boys)

Nanatili akong nakatingin kay Brielle habang nakikipaglaban siya alam kong kinakain na sya ng galit niya ayoko syang makitang ganito...

Napatigil ang lahat ng biglang tinulak ni Zyana si Brielle pero hindi man lang ito napausad kahit kaunti napayukom ako ng kamao at dali daling tumakbo papalapit sa kanya at hinila ang kamay nya...

"Brielle tama na!" Sigaw ko pero tumingin sya sa akin ng may galit sa mata

"Pwede ba tigilan mo ko! Ano ba kita ha?! Umalis ka na !" Napatigil ako at bigla kong nabitawan ang kamay nya..

Tama nga naman siya ano ba niya ko...




Hindi na talaga nya ko maaalala....





Hindi na ba talaga?

"Arrgghhh bitawan nyo ako ano ba?!" Napatingin kaming lahat kay Eyz na pilit kumakalas sa mga nakahawak sa kanyang lalake dumudugo ang kamay nito at tila may hawak na patalim

"Pwede ba tumigil ka na!" Sigaw nung lalake sa kanya at sinampal sya

"Bitawan niyo sya" bigla kaming natigilan ng sumugod si Brielle sa dalawang lalake at sa isang iglap ay nakahiga na ito sa sahig habang may laslas sa leeg nito

Tumingin sya kay Zyana na ngayon ay nakangisi na sa kanya

"Hahahahha gusto ko ang mga nangyayari ngayon! Dahil mabait naman ako Dark! Pagbibigyan kita! Dadanak ang dugo ngayong gabi! At sisiguraduhin kong mapapatay kita!" Umiling lamang si Brielle at tumingin kay Zyana

"Hindi ako naniniwala sa puro salita...matuto kang gumawa " biglang naglabas ng baril si Zyana at ang mga tauhan niya kaya naging alerto ang lahat

"Simulan na ang laro!" Pinaputok ni Zyana ang baril nya dahilan para sumugod ang lahat nanatili akong nakapwesto at sinusuntok lahat ng mga lumalapit sa akin may isang lumapit sa akin at sinipa ko ito susuntukin sana ako ng isa pero nahawakan ko ang kamao niya at inilagay sa likod nya pagkatapos ay sinipa ko naman ang isa sa mukha nito ...

Natigil ako sa pakikipaglaban ng biglang may nagsalita

"Ako na ang bahala kay Jake lumayo na kayo" napalingon ako may Blake na ngayon ay nakangisi na...

Kahit hingal na hingal na ako ay ngumisi ako sa kanya at naghanda sa mga atake nya...

Gagawin ko ang lahat para kay Brielle..

Bestfriend...elle elle sana maalala mo ko...

Maalala mo



Yung bestfriend mo....

*******************
Author's NOTE

Hohohohoho time out muna! Hahahhaa maraming salamat po ulit sa mga nagbabasa nito malapit na po tayo hahhaha sana magustuhan niyo maikli lang ang chapter na ito dahil sa mga susunod na chapter ay kay Brielle na tayo magfofocus kaya sana subaybay pa sa nalalapit na wakas?


                 LOVELOTS,
                        CRYSTALASH07
**************


PANAGINIP (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon