Si Amity sa labas ng mall
------------------------------------------------------------------------------------>>>>>
-----------------------------------------
AMITY'S POV
Nakarating na rin ako ng Pilipinas. It's not my first time to reach this country. Dito ako nagkaisip. Pero sa Korea na ako lumaki. Four years old lang ako ng iwan ko ang Pilipinas at nanirahan sa Korea. Sa nakikita ko ang dami ng nagbago. Ano nga ba'ng maganda noon at ngayon? tch (poutlips). mannerism ko na ang pag- poutlips kaya masanay na kayo sa akin.
Sabi ng NAIA, 2 days pa daw bago i-release ang kotse ko. Tch ang bagal naman ng policy ng airlines na 'to. Wala kong nagawa kundi ang tawagan ang babaeng dahilan ng pagpunta ko dito.
" Nadito na ako. Saan ba ako pupunta? " bungad ko sa kanya.
" Sino ito? " tanong niya sa akin. God! grabeng ina ito ni hinidi ako nabosesan.
" Amity. " maikling tugon ko.
" Magpunta ka muna sa nearest hotel dyan at du'n na lang kita pipick-up -in. " maawtoridad niyang sabi. Parang alam ko ang mga hotel dito. tch(poutlips)
" Sige." yun na lang ang sabi ko at binaba ko ang telepono. Pumunta muna ako sa duty free na katabi ng airport na ito at bumili ng cellphone na magagamit ko dito. Mahirap na. Baka mahablot ang Iphone 4s ko kung iyon ang gagamitin ko. Pagkatapos sumakay na ako ng taxi at nagpadala na ako sa pinakamalapit na hotel.
BELLEVUE
Iyan ang pangalan ng hotel na pinagdalhan sa akin ng taxi. Sabi ng taxi nasa Ayala Land daw ang hotel na ito. Hirap na hirap pa nga mag- english yung driver akala kasi niya hindi ako nakakaintindi ng tagalog. Binigyan ko siya ng P500 bilang bayad. Sinuklian niya ako ng P250. Nagulat pa ako. Sabagay, malapit lang naman. Nahulaan ata nu'ng driver na parang nagtataka ako dahil sinuklian niya ako kaya nag-explain siya.Sabi niya, ang NAIA daw ay nasa Paranaque City daw at ang Ayala Land na pinagdalhan niya sa akin ay nasa katabing bayan lang daw ng Paranaque at tinatawag nilang Alabang. Ang daldal niya 'no?