MR. LEDESMA'S POV
" Hanggang ngayon ba ay wala pa rin si Chastity? " tanong ko sa Mayor domo ko.
" Wala pa po. Pero narito na po ang butler niya. "
" Papuntahin mo dito. "
Napapailing ako habang hinihintay ang butler ni Chastity. Hanggang kailan kaya ako bibigyan ng sakit ng ulo ng batang iyon? Mamamatay na lang ata ako na puro sama ng loob.
Di maiwasang masulyapan ko ang larawan ng kanyang ina. Nagbalik sa akin ang nakaraan.
*flashback*
" Papa, ikaw na munang bahala kay Chastity. Pupunta ako ng Inglatera upang sundan si Rommel doon. Pagkatapos ay babalik ako upang kunin siya sa yo. Mahal na mahal kita Papa." bilin niya sa akin bago siya pumasok sa airport at sumakay ng eroplano.
Lumipas ang dalawang taoon at tumawag siya sa akin upang ibalita na uuwi na sila ni Rommel at kukunin na nila si Chastity. Tuwang tuwa ako at sa wakas ay makikita ko na ang anak ko. Nasa airport na ako bago pa sila nag-landing.
Maya-maya ...
*BBBBOOOOOOOOOOOMMMMM!!!!!!!!*
Isang malakas na pagsabog ang narinig ko. Dali-dali kong iniwan kay Manager Jang si Chastity upang tingnan kung ano 'yung sumabog na 'yun. Kinabahan ako. Sabi ng ilang nakakita, Eroplano daw 'yung sumabog. Maya-maya'y narinig ko sa intercom ng NAIA na ang eroplano mula England ang sumabog. Hindi pa raw alam ang dahilan ng pagsabog. Agad namang dumating ang rescue team upang saklolohan ang mga nabagsakan ng pira-pirasong bahagi ng sumabog na eroplano.
Nung una ayaw ko maniwala na kasama sila roon. Pero dahil sa pagkokompirma ng mga staff ng Airline,nakasakay ang mag-asawa sa eroplanong sumabog.
*end of flashback*
" Director.. " agaw pansin sa akin ni Manager Jang.
Yumuko muna sa akin ang butler na pinatawag ko.
Pagkatapos ay lumuhod sa harapan ko.
" Patawarin niyo po ako! Patawarin ninyo po ako, Director. Hindi ko po napilit si Ma'm Xean na umuwi kasama ko. Nagmatigas po siya at sinaktan pa po niya ako. Wag niyo po akong tatanggalin sa trabaho." mangiyak ngiyak na pagmamakaawang sabi ng butler.
Nailing na naman siya. " Napakabigat talaga ng kamay ng batang iyan. Salamat at kahit ganoon ka-brutal ang batang iyon ay pinagtatyagaan ninyo. Kailangang makahanap tayo ng isang makakasupil sa ganoong ugali niya. Hindi siya pwedeng manakit habang buhay. Babae pa naman siya. "
" Manager Jang, tawagan mo ang bangko at ipahold mo lahat ng credit cards at ATMS ni Chastity. Maging ang passbook account niya. Makikita mo at uuwi iyan dito maya-maya lang. " utos ko sa mayordomo. Pinasasama ng batang yan ang loob ko.
7.30pm
Nasa study room ako ng makarinig ako ng malalakas na tunog ng stilleto shoes. Si Chastity iyan, alam ko. Ganyan lagi siya kumilos kapag galit. Nakakatakot sa paningin ng iba.
" Lolodad!! " galit na bungad sa akin ng apo ko.
Tiningnan ko lang siya at tapos dinampot ko ang dyaryong nasa ibabaw ng mesa ko upang basahin ito.
" Mula ngayon hindi ka lalabas ng bahay. Lalabas ka upang mag-aral. Pagkagaling sa school babalik ka dito. Wala kang ibang routine kundi bahay-school-bahay-school. Parusa ko iyan sa iyo sa pagpapahiya mo sa akin kanina at sa pananakit mo na naman sa butler mo."
" Lolodad naman eh! "
" At hindi ka sa school natin mag-aaral. Kundi sa isang public school. Para matuto kang makibagay sa mga tao. Makasalamuha ka naman ng mga taong nagsisiskap upang makarating sa kinalalagyan mo ngayon."
" WHHHHHHHHHHHHHHHHHHHAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTTT???????????"
tch sakit sa tenga ng sigaw ng apo ko.
" Alam mo Lolodad, matatanggap ko 'yung grounded ako bahay-school-bahay-school pero ang pumasok sa isang public school??? NO WAY! "
" My decision is final, Chastity. Papasok ka sa UP Los Banos sa darating na pasukan. At sa Los Banos ka titira. You'll be taking International Marketing under Business Management. That's all Chastity, you may leave."
walang nagawa si Chastity kundi ang umalis. And this time, Oh My God triple ang lakas ng tunog ng Stilleto Shoes niya. Buti at hindi nababasag ang marmol sa bawat hakbang niya.