AMITY 'S POV
Oh my. Ang gulo - gulo talaga ng buhay ko! Damn.
Sana lang hindi na ako pinanganak. Sabi nila napakaswerte ko raw. Sikat na sikat na daw ako. Eh ano naman kung sikat na ako?
Haayy .. Ang hirap makipagplastikan. Hindi ko na matandaan kung paano ako sumikat. Ang naaalala ko lang bata pa ako ay mahilig na talaga ako sa musika.
Hindi ko rin masabing sikat ako dahil hindi ko pa nalilibot ang buong mundo. Kung tutuusin, wala akong balak maging musician.
Gusto ko lang ng isang peaceful life. wala sa bokabularyo ko ang limelight. Hindi sana ako madidiscover ni Mr. M kung hindi dahil sa nanay ko.
Ayun nung madiscover ako ng manager ko iniwan na niya ako sa pangangalaga nito. Ni hindi ko kaanu-ano c Mr.M pero itinuring na niya akong anak.
May sarili akong bahay sa loob ng compound ng recording company namin. Siya na din ang nagpalaki sa akin higit sa lahat siya na rin ang tumayong magulang ko sa lahat ng bagay.
At speaking of aking ina, pinauuwi niya ako ngayon ng Pilipinas. Hindi ko alam kung bakit. Basta pinagmamatigasan niyang umuwi ako kung ayaw ko raw masira ang buhay ko dahil sa gagawin niya. Nanakot pa ha?
Nakilala na nila ako sa pangalang Amity.
Syempre ang lahat ng nababasa nila sa mga articles na tungkol sa buhay ko ay pawang kasinungalingan. Ginawa nila iyon upang pagtakpan ang tunay kong pagkatao. Alam ni Mr. M kung ano ang pinagdaanan ko.
Siguro, iyon 'yung sinasabi ng nanay ko na ikasisira ko.
Hindi ko alam kung bakit kahit abot langit o baka lagpas pa ata sa langit ang galit ko sa kanya ay hindi ko pa rin siya matiis. Siguro dahil kahit 24 na ako ay hinahanap hanap ko pa rin ang kalinga ng ina.
Matapos niya akong " ipamigay " kay Mr. M, iniwan na rin niya si Papa sa di ko malamang kadahilanan. Namatay at namatay si Papa at inabot ko na ang ganitong edad ay hindi ko pa rin alam kung ano ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila.
Noong una,magksama kami ni Papa. Pero simula nung mamatay siya nung nakaraang taon, nagdesisyon si Mr. M na ipagpatayo ako ng sarili kong bahay sa compound ng recording company namin. Ganti lang daw iyon sa laki ng naitulong ko sa kanya dahil pinayaman ko raw siya ng husto.
Back to reality, kelangan kong kausapin si Mr. M. Kailangan kong sabihin sa kanya ang nangyari. Gulong gulo talaga ako. Tch (poutlips) Lumabasa ako ng bahay ko at nagpunta ako sa parking area kung nasaan nandun ang kotse ko. Pinuntahan ko si Mr. M sa bahay niya. Nagulat pa siya ng pagbuksan ako ng pinto. Oo nga pala, nakalimutan kong alas onse y media na pala ng gabi.
" Oh Amity, anu'ng meron? Gabing - gabi na ah. Napasugod ka. Me problema ba? " alalang bungad niya. Napailing lang ako.
" Baka gusto mo muna ko papasukin, Mr. M? Me makakarinig for sure dahil malakas boses mo." sabi ko sa kanya.
Napatawa si Mr. M at napailing. Alam niyang prangka ako at matalas magsalita. Pasalamat na lang ako at nasanay na siya sa ganung ugali ko. " Oo nga pala. "
Niluwagan niya ang pinto at pinapasok ako. Dumiretso ako sa sofa na nasa salas ng bahay niya. Naupo ako tapos nagde- kwatro. Dumiretso naman siya sa kitchen upang ipaghanda ako ng tubig. Alam niyang wala akong ibang gustong inumin kundi tubig.
" Ano ang dahilan at napasugod ka ng hating gabi? Akala ko tuloy kung napaano ka. " bugad niya sa akin.
Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
" 'Yung babaeng 'yun kasi... " kapag sinabi kong babae, alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.
" Gusto niya akong umuwi ng Pilipinas. Kapag hindi daw ako umuwi, masisisra daw ang career na iniingatan ko. " walang kagatol - gatol na sabi ko.
Napatingin siya sa akin at pinag-aaralan ang mukha ko. " Ano'ng balak mo ngayon?" tanong niya. Buo na ang desisyon ko.
" Pupunta ako ng Pilipinas. Hindi dahil sa gusto ko. Kundi dahil sa konsiderasyon ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Higit sa lahat, dahil sa iyo. Napakaraming sakripisyo na ang nagawa mo sa akin. Hindi naman ako ganu'ng kasama na talagang wala ng pakielam sa buhay ng ibang tao. Sa iba ganu'n ako pero pagdating sa iyo naiiba ka. Kahit papaano marunong din naman akong tumanaw ng utang na loob.Isa pa,masyado na akong naging subsob sa trabaho.Siguro naman hindi masama ang one year na bakasyon.At para maiwasan na rin si Min Ha."
Napangiti siya at sinabi, " nagdadrama ka na naman. " sabay yakap sa akin. Napangiti naman ako kahit papaano. " Salamat. Kailan ang uwi mo? Ako na'ng bahala sa mga shows mo. "
" Mamaya. Nagpabook na ako. Wag mo na akong ihatid. Ayokong may makaalam ng paguwi ko."
" Unang beses mong gagawin ito. Ano'ng gagamitin mong pangalan? "
" Eto na rin. Ayokong mag-rent ng kotse sa Pilipinas baka may sakit 'yung huling gumamit ng kotse mahirap na. Tatawagan na lang kita kapag nasa Pilipinas na ako. " paliwanag ko sa kanya.
Natawa siya sa akin. Totoo naman eh. Sabagay alam niyang maarte ako at perfectionist. Tumango siya sa akin at " Ingat ka. " Tumayo na ako at nagpaalam na aalis na ako. Bago ako umalis ay inabutan niya ako ng sobre. wag ko na daw tanggihan iyon. Philippine money ang nakita ko. MAigi at hindi ko na kailangang magpapalit pagdating doon. Malalaman pa nila ang tseke ko.Bait talaga ni Mr. M. Tuluyan ko ng nilisan ang bahay niya. Umuwi ako ng bahay at nag- impake. Kailangan ko ng umalis bago pa magkaroon ng maraming tao sa airport. Tch(poutlips) hindi ako excited ha! Alam ko na iniisip mo!