'See you again next time, class.. Ok, dismiss..'
Salamat naman.. Nagpakawala muna ako ng mabigat na buntong hininga bago niligpit ang mga gamit ko at inilagay ito sa bag.. Sabay kami ngayon ni Michaela'ng mag lunch.. Speaking of Michaela, ito siya sa harapan ko walang tigil sa paghingi ng tawad.. Hindi ko pa rin siya pinapansin simula kanina.. Ang sakit kaya nun! Sobra! Hanggang ngayon kasi kumikirot pa rin!..
Tsk!
'Bestie! Sorry na.. Ang hirap mo kasing gisingin..' para'ng nangingiyak pa niya'ng sabi sabay nguso
'Huwag mo ng ulitin! Ang sakit kaya! Tadyakan kita diyan eh!' panunumbat ko pa sa kanya.. Tumango tango lang siya bilang sagot. 'Good!'
'Michaela! Andito kuya mo sa labas..' pasigaw na sambit ng isang kaklase namin
'Ano na naman ba ang kailangan ng nakakainis kong kuya?? tsk!' may bahid na pagkairita'ng sabi niya
'Puntahan mo para malaman mo! Wala sa akin ang sagot kaya huwag kang magmamaktol sa harapan ko!' naiinip ko na ring tugon sa kanya.. Nagugutom na kasi ako! :3
Inirapan niya lang ako at nagmamaktol na naglalakad patungo sa kanya'ng Kuya.. Hindi ko nalang iyon binigyan ng pansin baka mas lalo'ng mag iinarte pa! Ilang minuto pa'y tinawag niya rin ako at pinapunta sa kinahinatnan nila..
'Ano?' sabi ko kaagad sa kanila pagkarating ko sa mismong harapan ng dalawa'ng magagaling na magkakapatid..
'Sabay ka nalang sa amin..Libre ko!' sabi ng kuya ni Michaela at ngumiti ng napakalawak..
'Aayaw pa ba ako? Masarap ang libre! Sobra!' pagkasabi ng pagkasabi ko nun ay sabay kaming nagpakawala ng malakas na tawa..
'hahahhahahahahhaha'
'hahahahahahhahahah'
'hahahahhahhahaahah'
Habang tumatagal ng pagsasama namin ni Michaela naging malapit na rin ako sa kuya niya.. Para ko na rin siya'ng kuya! Pero para'ng may napapansin ako'ng kakaiba sa mga ikinikilos ng kuya niya kasi sa pagkakaalam ko nung ikinwento ni Michaela sa akin na ang kuya niya ay hindi gaano'ng palangiti at may pagka pilosopo, palagi ka raw niya'ng binabara pag kinakausap mo siya.. Mukha'ng hindi naman siya ganyan! Siya nga ang nagunguna sa mga biruan namin eh! Ayy.. Ewan! Forget about it! Mas bigyan ko nalang ng pansin ngayon, itong pagkain! Kung paano 'to uubusin ang lahat na nakahain dito sa harapan namin na sobra'ng pagkasarap-sarap..
'Oyy.. Dahan dahan lang baka mabilaukan ka!' may bahid na biro sa tuno ng pananalita ng kuya ni Michaela..
'Masanay ka na, Mr. Denise Louise!' pagbibiro ko rin sa kanya.. Ngumiwi naman siya.. Ayaw na ayaw kasi niya'ng tawagin siya sa kanya'ng first name dahil mukha daw'ng tunog babae ang pangalan niya.. Well, sa akin.. Hindi naman! Bagay nga sa kanya eh! Ma-appeal kasi siya'ng lalaki..
Nagkakwentuhan, nagkabiruan, nagkapikonan at nagkatuwaan kami hanggang sa matapos na ang lunch time.. Nagpaalam na rin sa amin ang kuya ni Michaela bago tumunog ang bell, malayo-layo pa kasi ang lalakarin nito.. Pumasok na kami kaagad ni Michaela sa room namin.. Sa nakasanayan pa rin..
DISCUSS..
DISCUSS..
DISCUSS..
DISMISS..
Sabay na kami'ng umuwi ni Michaela, public jeepney lang ang sinasakyan namin.. Well, kasama rin pala namin ang kuya niya.. Ihahatid niya sana kami gamit ang car niya! Mali pala, ako lang pala ang ihahatid niya! Syempre, magkakapatid sila.. Pero tinanggihan ko at sinabing magcocommute lang ako pero gusto nila'ng makasabay ako kaya ayun.. Ang ending, ipapakuha nalang daw nila sa driver at sabay na kami'ng magcommute.. Wala naman ako'ng magawa, nakakainip mag-isa kaya GO! Ng makarating na kami sa destination namin ay kaagad naman sila'ng nagpaalam pero bago pa yun..
'Sana mapapanaginipan mo pa rin ako..' wala'ng boses ako'ng narinig pero nababasa ko sa kanya'ng mga labi na yun ang nais niya'ng sabihin sa akin.. Binigyan ko lang ang kuya ni Michaela ng makahulugang tingin na itinaas ko pa ang kanang kilay ko.. Bigla nalang siya'ng ngumiti at kumaway kaway sa akin bago umalis..
'Ano'ng ibig niya'ng sabihin??' isang malaki'ng katanongan na nabuo ko sa aking isipan.. Napa iling iling nalang ako bago pumasok sa loob ng bahay..
'Ma! Pa! Andito na po ako!.' pasigaw ko at hinanap sila upang makapag mano.. Nasa kusina si mama habang si papa ay kakalabas pala'ng ng Cr.
'Pa! Mabaho pa po ang kamay niyo!' pagbibiro ko sa papa ko pero sineryoso ko ang tono ng pananalita ko.. Ang hindi mabiro ko'ng papa, inamoy niya!
'hahhahahahahaha..' malakas na tawa ko
'Ikaw talaga'ng bata ka!'
Ningitian ko lang siya at walang nagawa si papa kundi ang umiling iling habang nakangiti at niyakap niya rin ako.. Marami'ng nagsasabi na papa's girl daw ako.. Well? Sumasang-ayon naman! Ahahaha..
YOU ARE READING
'A Dream'
General Fiction*Dreams* are successions of images, ideas, emotions, and sensations that occur usually involuntarily in the mind during certain stages of sleep. There's someone that has a very wide imaginary mind. She thinks that this crazy unbelievable things h...