Chapter 4

2 0 0
                                    

'Ba't ang dilim? Nasaan ako??'  

     Ramdam na ramdam ko sa mga balat ko, ang ginaw ng ihip ng hangin.. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon.. Kinikilabutan ako! 

Dahan-dahan akong lumakad.. Wala talaga ako'ng nakita na kahit na ano'ng bagay o kahit kaunting liwanag man lang.. Patuloy pa rin ako sa paglalakad, hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng paglalakad  ko'ng ito.. 

Pawisan na ang noo ko! Para kasing may sumusunod sunod sa akin.. Hindi ko lang pinapahalata na natatakot na ako! Kasi sabi nila pag natakot ka, mas lalo ka nila'ng tatakotin.. 

Nangangatog na ang mga tuhod ko.. Pilit na nilalabanan ang kaba'ng nararamdaman!

'Wwhhoosshh!' napasinghap ako sa biglaang pagdaan ng para'ng nagninyebe'ng hangin.. Malakas na ihip ng hangin..

God! Mamamatay na ba ako, sa sobra'ng takot??

Nangingiyak na ako sa sobra'ng kaba na nararamdaman.. Wala pa rin ako'ng tigil sa paglalakad! Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko! Para'ng wala ring humpay to'ng daan na nilalakaran ko..

'Ma!'

'Pa!'

Wala'ng sumasagot. Gumagaralgal na ang boses ko sa pa ulit-ulit kong pagtawag sa mga magulang ko!

'Ma!'

'Pa!'  

......

......

......

......

......

Nanginginig na ang kalamnan ko! At bigla'ng tumindig balhibo ko ng may naramdaman ako'ng isang napakalamig na kamay na humawak sa siko ko!..

*sob*

Ayoko na! 

*sob*

Tulong!

*sob*

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko! Dahan-dahang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa'ng gusto'ng makawala! Sa sandali'ng ito para'ng tumigil ang paghinga ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko!

Napapikit ako at patuloy pa rin sa pagbuhos ng mga luha ko.. Pinipigilan ko'ng humikbi! At mas lalo'ng ikinabilis ng pagtibok ng puso ko ng may kamay na pumahid sa mga luha ng mga mata ko! Pilit ko'ng nilalabanan ang pagsigaw! At para'ng hinaplos at dinambol naman ang dibdib ko ng pagkatapos pahiran ang mga luha ko'ng wala'ng tigil sa pag-iyak ay bigla'ng nawala ang kamay na nakahawid sa siko ko at ang kamay na pumahid sa mga luha ko!

'Hindi ko gusto'ng makita ka'ng umiiyak!' isang mahinang bulong na narinig ko.. Nakakakilabot! Pero para'ng sobra'ng sarap pakinggan ng tinig niya..

'S-sino ka?' nauutal at lakas loob ko'ng tanong pero wala'ng sumagot..

Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko.. At bigla nalang ako'ng..

'Wwwwwaaaahhhhhh!!!!'

Nahulog! Sa para'ng wala'ng katapusang bangil.. 

'Wwwwaaaaahhhhhh!!!!' patuloy ko pa ring sigaw

*!@#*#@!*@#!

BLOGSH!

- - - - - - - - - -

- - - - - - - - - -

Napabalikwas ako ng tayo at hingal na hingal habang tumutulo ang malalaki'ng butil ng pawis ko sa noo.. Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga! At napahilamos..

'Damn! That freaks me out!' 

     Tumayo muna ako upang bumaba para uminom ng tubig.. Hingal na hingal pa rin ako! Nakakakilabot na panaginip yun.. Sana hindi na maulit ang ganoong klase'ng panaginip! Sino naman kaya yung bumulong sa akin?? Argh! Bakit ako nagkakaganito?!

Tsk! Napasabunot nalang ako sa sarili'ng buhok ko!

>>_<<

'Anak!'

'Ayy.. Juskopo!' natatarantang sambit ko, buti at hindi nahulog ang baso'ng hawak ko.. Lumingon ako sa likod, si papa lang pala! 'Pa naman! Tinakot niyo ako..'

Binigyan ako ni papa ng makahulugan tingin na may halo'ng pag-alala..

'Nanaginip ka na naman ano?'

Tumango- tango lang ako bilang sagot. Lumapit si papa ng kaunti sa akin at hinaplos haplos ang buhok ko!

'Huwag kang mag-alala, ipagdasal nalang natin yan.. Mukha'ng hindi maganda ang naging panaginip mo!' pagbibigay lakas na sambit ni papa sa akin. Niyakap ko si papa.. Si papa ang karamay ko pagdating dito! 'Ihatid na kita sa kwarto mo.. Babantayan kita!'

     Inakay ako ni papa patungo'ng kwarto ko.. Dahan-dahan niya akong inihiga sa kama, kinakantahan hanggang sa pumikit na ng tuloyan ang mga mata ko.. Kahit na may edad na si papa ay hindi pa rin nangangapos ang boses niya.. Ang sarap pa ring pakinggan! Wala'ng katulad..

'Mahal na mahal ko si papa.. Mahal na mahal ko sila'ng dalawa ni mama! Salamat God at sila ang naging magulang ko! ^^'

I'm so lucky to have them!

'A Dream'Where stories live. Discover now