Kinabukasan~
"1 2 3 4! 1 2 3 4!"
"L R L R! L R L R!"
"Ok go go go!"
"Faster! Run!"
"Sway! That's Right!"
"Better!"
P.E class namin ngayon! Unang klase sa umaga.. Ang aga aga pawisan na ako! Ang hirap naman ng pinapagawa ng teacher namin.. Tinuroan kami ng dance steps, pinapatakbo sa malaking gym at pinapamartsa! Arghh! Tatlo'ng oras na kami dito, may 10 minutes break lang.. Mas mahirap pa 'to sa Math eh!
"Form a platoon!"
Bwesit to! Bwesit! May advance training na kami.. Akalain mo yun? Grade six pa lang kami.. Pinapahirapan na! Ano pa kaya kapag nasa sekondarya na, seguradong mamamatay na sa sobra'ng pagod!
"Salute!.. Class dismiss!"
Lahat kami'y napapabuntong hininga! Pinapahiran ang mga pawis! Umiinom ng tubig at ang iba'y humihiga na sa sahig!
>>_<<
>>_<<
Phew!
Hindi kami makareklamo dahil baka babagsak ka sa sabjek na ito! Ang strikta kasi ni Miss Dela Rosa..
Nakakainis! Math ang susunod naming klase at segurado akong hindi ko maituon ang sarili ko sa klase dahil sa sobra'ng pagod, wala'ng ma aabsorb ang utak ko ngayon! Matapos ang mahabang pagpapawis tiyak na makakatulog ka sa pagod! Gusto ko pa naman ang sabjek na Math!
>>.<<
Andito na kami sa room, hinihintay namin si Mr. Tapz! Hinang hina na ang lahat.. Ang iba ay mukha'ng nakatulog na nga! Kasama na sa natutulog si Michaela.. Ano ba naman yan?! Sana pinapahuli ang PE class! Tsk!
~Door opens~
"Lahat ng natutulog labas!" dumadagundong ang tinig ni sir sa kabuoan ng room namin kaya ang mga natutulog ay napabalikwas ng tayo, makikita ang gulat sa kanilang mukha at may naiinis! "Hindi porket Math 'to ay pwede na kayo'ng MATHulog! Wala ako'ng pakialam kung napagod kayo sa PE class niyo.. Kaya kung gusto niyo'ng matulog huwag dito! Mas mabuti pa'ng umuwi nalang kayo.." naiinis na sabi ni Mr. Tapz
Lagot!
Nilingon ko si Michaela at mukha'ng maiiyak na siya! Tsk! Kahit kailan ang iyakin pa rin nito'ng kaibigan ko..
d-3-b
"Sir?" tawag-pansin ko kay sir dahil wala'ng naglakas loob na lumabas sa pinto at pawa'ng takot na takot sila. "Hindi pa naman po kayo nagsisimula sa klase niyo po sir at pinapalabas mo na sila?! Hindi naman po makatarungan yang ginagawa niyo po.. Pasensya na po sir pero huwag naman po kayo'ng ganyan!"
Lumingon lahat ng kaklase sa akin at base sa ikinikilos nila ay sinasang ayonan nila ako, mukha'ng napansin rin seguro ni sir dahil napatiim baga'ng siya at tumikhim muna bago nagsalita. "Ahem! Ok sige.. Pagbibigyan ko kayo, sa ngayon!"
Mukha'ng nakahinga naman ng maluwang ang mga kaklase ko! Si Michaela naman ay napayakap sa akin. "Tsk! Umupo ka na nga!" pabirong singhal ko sa kanya. Ngumuso lang siya at padabog na umupo sa silya niya!
Childish!
Nagsimula na ang klase namin at panay lang ang pagsusulat namin, nag takedown notes.. Wala kasing pinapagawa'ng seatworks si sir pero next meeting ay magkakaroon kami ng long quiz! Haitz! Saklap ng layp!
Discuss!
Discuss!
Dismiss!
~Lunch time~
Kasabay naman naming kumain ang kuya ni Michaela! Mukha'ng hinihilig na niya ah.. Hindi ko nalang binigya'ng pansin, wala namang masama.. Ganun pa rin sa nakasanayan ay nagkakwentuhan, nagkatuwaan at minsa'y nagka insultohan!
"Shut up kuya! You jerk!"
"Crying baby bitch Michaela! Bleehh.." pang aasar pa ni Denise. Lukot na lukot na talaga ang mukha ni Michaela, hindi kinakaila ang pagka irita! "Hmp!" nagtitimpi nalang sa galit dahil hindi talaga titigil 'tong kuya niya sa pang aasar sa kanya! "Woi? Tumigil ka nga Mr. Denise Louise!" pagbibigay diin ko sa pangalan niya. Napangiwi siya bigla at napasimangot.. Binigyan ko lang siya ng ngiti'ng aso! "Bwahahahaha.." malakas na tawa ni Michaela sa kuya niya. Tagpo ang kilay niya sa pagkainis! Tss. Pangalan lang pala niya ang katapat upang matahimik siya eh!
At ng tumunog ang bell, wala'ng pag aalinlangang umalis ang kuya ni Michaela na hindi nagpapaalam sa amin! Tsk!
Pikon!
Nagkibit balikat nalang ako at wala pa ring tigil sa paghagikhik itong si Michaela.. "Woi? Halika na! Tumigil ka nga sa kakatawa diyan.."
Tsk! Mukha'ng walang balak atang pumasok.. Iniwan ko nalang. "Hoy?! Hintay!" hindi ko na siya nilingon pa at ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin..
Kahit kailan mga abnoy talaga ito'ng magkakapatid! Wala'ng katulad! Hahahahaha.. Pero kahit papaano naging tunay sila sa akin at ito'y aking higit na ipinagmamalaki!
Salamat naman!
YOU ARE READING
'A Dream'
General Fiction*Dreams* are successions of images, ideas, emotions, and sensations that occur usually involuntarily in the mind during certain stages of sleep. There's someone that has a very wide imaginary mind. She thinks that this crazy unbelievable things h...