"Akala ko masaya tayo, akala ko magtatagal tayo, akala ko merong tayo"
Ilan sa mga akala kong totoo.
Totoong mahal ko siya at totoong mahal niya din ako.
Akala ko totoo. Kaso isang malaking bangungot lang pala to.
Simulan natin ang bangungot ko, sa pagtulog ko.
Sa simula ng mahulog ang isang kagaya ko sa isang kagaya niya.
Siya si Grey.
Nagsimula kami bilang magkaaway.
Masyado syang mapangasar at masyado naman akong pikon.
Hanggang sa naging magkaibigan kami.
Ilang buwan ang lumipas, bigla siyang umamin.
Umamin siya na may gusto siya sakin.
At gaya niya, umamin din ako na may gusto ako sakanya.
Akala ko may magbabago. Pero wala.
Lagi kaming magkasama at mas lalo kaming naging masaya.
Hanggang sa isang araw, gaya ng isang bula,
Bigla nalang siyang nawala at di na nagpakita.
Nasaktan ako. Lalo na't hindi ko alam kung bakit.
Bakit siya biglang nawala. Bakit niya ko biglang iniwan.
Isang taon ang lumipas, siya padin gusto ko.
Di naman kasi madaling magkagusto sa iba
Lalo na't puro babae kasama ko.
Di naman ako tomboy para gawin yon.
Hanggang sa nakakilala ko ng bagong kaibigan.
Kaibigan na naging tulay sa mundo naming magkahiwalay.
Siya si Wendy. Anak siya ng kaibigan ni mommy.
Mas bata siya sakin ng isang taon kaya ako ang ate nya.
Nung magpunta ko sa bahay niya ay may nangyaring
Di ko inaasahang mangyayari.
Nakita ko si Grey.
Magkatabi lang pala sila ng bahay.
Sa tagal kasi naming magkakilala ni Grey,
Alam ko kung san banda siya nakatira,
Pero di ko alam kung san mismo ang bahay nya.
Nung makita ko siya ulit,
Sumaya ko at nawala lahat ng sakit.
Lagi akong nagpupunta kila Wendy,
Di lang para makasama siya, pero para din makita ko si Grey.
Naguusap kami ni Grey na parang walang pangiiwan na naganap.
At dahil parehas lang naman kami ng circle of friends
Di naging mahirap na maging close kami ulit.
Hanggang sa napagkasunduan naming magkakaibigan
Na magkaroon ng Christmas party.
Nung nagkabunutan na ng pangalan,
nabunot ko yung pangalan ng ate ni Grey.
Nabunot naman ni Grey si Wendy,
At si Wendy naman ang nakabunot sakin.
Matapos ang bunutan ng pangalan, umuwi nako samin.
Kinabukasan pumunta samin si Wendy.
Nabanggit nya sakin na kinausap siya ni Grey
Para makipagpalit ng nabunot na pangalan.
Nasabi rin nya na kung sakaling matuloy yon
Ay bibigyan may bibigay daw si Grey na letter para sakin.
Syempre natuwa ako. Syempre umasa ako.
Umasa ko na sana pwede pa.
Pwede pang bumalik yung dating kami.
Ilang araw ang lumipas, nagkaron ng away
sa pagitan nina Wendy at ng pinsan nila Grey.
Wala kong choice kundi kampihan si Wendy.
Simula non hindi na kami ulit nagusap ni Grey.
Sa tuwing magkakasalubong kami sa daan,
Magkakatinginan pero di magpapansinan.
Parang di namin kilala ang isa't isa
At parang kahit kailan ay di kami nagkakilala.
Hanggang sa unti-unti nakong nagising.
Nagising sa katotohanang wala ng kami.
Na kahit kailan naman ay hindi naging kami.
At hindi na magkakaron pa ng kami.
Hindi ko alam kung bakit kahit tanggap ko na.
Patuloy paring gumugulo sa isip ko
Ang mga tanong ng isang kagaya ko sa isang kagaya nya.
"Minahal niya ba talaga ko"
"Bakit sa isang iglap iniwan niya lang ako"
Mga tanong na kahit kailan hindi nabigyan ng sagot.
At don nagtapos ang storya ni Grey at Ako.
Subalit hindi dahil don ay magtatapos ang kwento ko.
Bagamat ang kwento namin ay isang bangungot.
Ang bangungot naman na ito ang naging simula
Ng bago at masasayang panaginip sa buhay ko.
YOU ARE READING
FOOL FOR YOU
Teen Fiction"It's so strange how the same thing can make you feel so right and bring you so much pain, it's so strange how the same face can make you love until it hurts..."