Daydream

12 1 0
                                    

Nang matapos  ang summer 2014,

Nagsimula na ang bagong kabanata sa aking kwento.

At nagsimula narin ang bagong kwentong si Natsu at Ako.

Parehas kaming 2nd year college na.

Mas lalo kaming naging close pero gaya ng dati,

Di parin kami madalas magchat sa isa't isa.

Di kami maguusap kung walang kailangan sa isa't isa.

Hanggang sa isang araw, nagchat siya sakin,

Nagpapatulong siyang ichat yung umaaway kay Erza.

Bago ko ituloy, ipapakilala ko muna si Erza.

Si Erza ang babaeng kinalolokohan ng taong kinalolokohan ko.

Lolshahaha... Kaklase siya ni Natsu simula 1st year 

Hanggang 2nd year college kaya malamang nahulog yung 

Mokong nayun sakanya. Parehas kami ng sitwasyon.

Alam ni Erza na may gusto si Natsu sakanya pero

Di niya gusto si Natsu. Ako naman, di ako gusto ni Natsu

Pero di rin niya alam na gusto ko siya. 

May alam din si Wendy tungkol sa kwento

Nina Natsu at Erza. Natatawa nalang ako kasi 

Parehas kaming nasaktan kasi yung gusto namin

Hindi kami yung gusto. Iniyakan pa kaya ni Wendy

Si Natsu dahil don hahahaha. Pero pagtapos non

Nagkaron ng boyfriend si Wendy at kinalimutan

Na niya yung landian nila ni Natsu.

Balik sa kwento, dahil nagpapatulong sakin si Natsu,

Sinabi niya sakin password niya.

Matapos naming awayin yung nangaaway kay Erza,

Di na ulit kami nagchat. Akala ko pagkasabi nya

Sakin ng password niya papalitan nya agad.

Kaya triny kong buksan yung fb niya.

Pagkabukas ko. Yun parin password nya.

At dahil nga tanga ko. Binasa ko convo nila ni Erza.

Kitang-kita don  kung gano siya kasweet kay Erza.

"Sabay tayo uwi mamaya"

"Hahatid na kita" 

Puro kalandian with matching heart emoticons.

Dapat masaya ko kasi masaya siya.

Dapat sinusuportahan ko siya kasi bestfriend ko sya.

Kaso nasasaktan ako dahil hanggang bestfriend lang ako.

Kahit tanggap kong hanggang bestfriend lang ako,

Di parin nawawala sa isip ko, yung "sana maging kami"

Nasasaktan ako. Pero walang nakakaalam 

sa sakit na nararamdaman ko.

At dahil nga dakilang supportive bestfriend ako,

Tinulungan ko pa siya magisip kung ano 

Ang ibibigay niya kay Erza na surprise para sa Valentines.

Sabi ko sakanya bigyan niya ng hand written letter

Saka chocolates, saka bulaklak para sweet.

Kasama kong nagsuggest non si Wendy. 

Dahil sa kagustuhan kong mapasaya si Natsu,

Nakipagclose ako kay Erza. Actually beshie nga kami e.

Close kami sa chat. Gaya ni Natsu, parehas silang magaling magdrawing.

At  dahil close namin kami ni Erza sa chat,

Pumayag akong sumama kay Natsu nung niyaya

Niya kong puntahan si Erza sa bahay nila 

para yayaing kumain sa Mcdo. 

Isang tangang handang magpaka-third wheel ang peg.

First meet namin ni Erza non. Di naman kami nagkailangan.

Gabi na kasi non kaya di na pinayagan si Erza na sumama samin,

Kaya kaming dalawa nalang pumuntang McDo.

On the way papuntang McDo, tinanong ko si Natsu,

"Ano bang nagustuhan mo kay Erza?"

"Aahhmm... Di ako alam e" -sagot niya

"La? Di yun pwede! Bakit nga?!" -tanong ko ulit

"Kasi matalino siya, maganda, magaling magdrawing"

-confidently beautiful with a heart niyang sagot.

"Aaahhh..." -sagot ko.

Kasabay ng pagsagot ko ng "aaahhh"

 ay nagsasalita Ako sa isip ko... 

"Matalino naman ako ah, cute naman ako, di nga lang

Ako magaling magdrawing" tapos bigla akong tumawa.

Kumain kami sa Mcdo. Ang awkward kasi habang

Kumakain kami wala man lang background music

Tapos nung tapos na kaming kumain saka lang nagkaroon.

Natawa nalang kami parehas tapos umuwi na kami.

Masasabi kong isa ko sa mga taong tanga kung magmahal.

Pero kahit tanga ko, "i know my limitations."

Sa tuwing makikita ko kaming dalawa na magkasama

Sa mga daydreams ko, sabay ko ring nakikita ang reality

Na sila, at hindi kami ang magkasama.

Sa tuwing iisipin ko yung nararamdaman ko para sakanya,

Iniisip ko na hindi niya ko magugustuhan dahil iba ang gusto nya.

Para bang ginigising ko yung sarili ko sa sarili kong panaginip.











FOOL FOR YOUOù les histoires vivent. Découvrez maintenant