"From boy bestfriend to best boyfriend"
Isang ilusyon sa utak ko na kahit kailan alam ko namang hindi mangyayari.
Hindi kasi ako yung tipo ng taong madaling mahulog.
Kasi marunong akong kumapit. Literal man o hindi.
Takot kasi akong masaktan. Pero handa akong masaktan.
Kasi kapag nagmahal ako, mahal ko talaga.
Kaya pagsinabi kong mahal kita, mahal talaga kita.
Ilang chapter na ang lumipas sa magulong kwento ko,
Eto parin ako nagmamahal ng taong hindi ako gusto.
Nang matapos ang 2nd year college life namin.
Nagsimula ng magumpisa ang pinaka-kakaibang
Pangyayari sa buong kwento ko.
"SUMMER 2015."
Gaya ng dati, nagtitinda padin kami.
At syempre katulong padin namin magtinda
Sila Natsu at ang mama nya.
Kung close kami dati, mas naging close kami ngayon.
Ang weird lang kasi di naman ako sanay na ganon siya sakin.
April, lagi siyang pumupunta sa bahay, wala dumadalaw lang.
Nangangamusta, then nakikipaglaro sa mga kaibigan nya.
May, nagsimula ang istorya ng kababalaghan.
Umalis kami ng family ko dahil birthday
Ng kaibigan ni mommy, dun kami natulog.
Habang sila Natsu naman ang naiwan sa bahay namin.
While playing xbox, nagulat ako nung may biglang nagchat.
Nagchat siya. Edi pinagamit ko muna sa iba yung xbox.
Then nagulat ako sa chat niya kasi sunod sunod.
"Ano ginagawa mo?"
"Kumain kana ba?"
"Kailan kayo uuwi at anong oras?"
Like what?! Ano to?! Anong trip mong nilalang ka?!
At dahil di ko naman ugali na iseen siya,
Sinagot ko lahat ng tanong niya.
Then nagpatuloy yung convo namin,
hanggang sa bago ako matulog.
Kinabukasan, umuwi na kami sa bahay.
Nandon siya sa may upuan nagbabantay ng tindahan.
Tinitigan ko siya tapos hinampas ko siya sabay
Tanong kung anong trip niya. Sabi niya wala daw.
Matapos ang ilang araw, lagi na kaming magkausap.
Kakaiba yung way ng chat niya. Di tulad dati, mas sweet siya.
Kung ako dakilang tanga, siya naman dakilang malandi.
Di ako nagisip ng kung ano man,
sinakyan ko lang kung anong trip niya.
Nagpatuloy yung convo namin.
Hanggang sa isang araw, bigla siyang nagchat.
"May sasabihin ako sayo"
YOU ARE READING
FOOL FOR YOU
Teen Fiction"It's so strange how the same thing can make you feel so right and bring you so much pain, it's so strange how the same face can make you love until it hurts..."