Nagpatuloy ang aming kwento.
Kwentong may pagmamahal pero magulo.
Magulo dahil hindi sigurado, kung meron nga bang "ikaw at ako"
Simulan natin ang pagtatapos. Pagtatapos ng pagmamahal kong kahit kailan ay hindi matatapos.
Lumipas ang ilang araw, na tila bang nabubuhay nanaman ako sa aking panaginip.
Panaginip na kung saan masaya ko sakanya at ako din ang dahilan ng bawat pagtawa nya.
Nawala ang takot kong bangungutin ng nakaraan, dahil nagtiwala ako sa masayang kasalukuyan.
Masaya kami sa isa't isa, at tuluyang nawala na sa storya namin si Erza.
Nawala ang isa ngunit madaming nag-iba.
Nadagdagan pa ang kontrabida sa storya.
Hindi lang kontrabida ang nadagdag sa storya, pati narin ang mga tauhang sumusuporta sa bida.
Muling nagbalik sa storya si Wendy.
Nang malaman nya ang tungkol kay Natsu at Lucy.
Dahil sa kadaldalan ng dalawang tauhan, ang tinagong storya ay kanya ng natuklasan.
"The most talkative award"goes to Kath and Liza.
Sila yung mga kaibigan ko na kasabay ko lumaki. Kaya expected na agad na hindi sila magpapahuli.
Naging madalas ang pagsasama naming apat.
Kaya hindi namin maiwasang hindi maging tapat.
Habang kumakain kaming apat sa bahay nila Liza,
Ay nagsimula na kaming magsabi sa isa't isa ng aming mga sikreto at nararamdaman sa bawat isa.
Nang tignan ko ang mata ni Liza,
Alam ko na agad kung ano ang balak nya.
Pinilit kong pigilan sya, ngunit naunahan na nya ko ng sabihin nya.
Nakita ko ang pagbabago sa itsura ni Wendy, na para bang hindi nya nagustuhan ang mga sinabi.
"Sorry kasi hindi ko agad sinabi sayo. Inisip ko lang kung anong makakabuti sayo. Alam kong masasaktan ka kapag nalaman mo. Kaya mas pinili ko nalang isikreto."
"Naiintindihan ko naman kung bakit niyo ginawa yon e, alam kong inisip niyo lang yung mararamdaman ko."
-sagot ni Wendy habang naluluha.
"Okay ka lang ba?" -kath
"Okay lang ako" -wendy
"Bat parang nagiba yung itsura mo? Hindi ka okay" -kath
"Okay nako" -wendy
"Ibig sabihin kanina hindi ka okay"
-sagot ni kath habang naguguluhan sa pagsagot ni wendy
"Baka naman kasi may gusto padin sya kay Natsu?" -tanong ko kay Kath
"Bat ako yung tinatanong mo? Sya yung tanungin mo." -sagot nya sakin
Tinanong ko si Wendy.
"May gusto kapa ba kay Natsu?"
"Wala na" yun ang sagot nya.
Naniwala ako.
Naniwala ako dahil alam kong mahal nya ang boyfriend nya.
At wala na syang nararamdaman pa para kay Natsu.

ESTÁS LEYENDO
FOOL FOR YOU
Novela Juvenil"It's so strange how the same thing can make you feel so right and bring you so much pain, it's so strange how the same face can make you love until it hurts..."