Natapos man ang mala-bangungot naming kwento ni Grey,
Patuloy parin ang pagkakaibigan namin ni Wendy.
Nakakilala ko ng mga bagong kaibigan dahil sakanya
At ganon din naman sya dahil sakin.
Dahil sakanya, nagsimula ang bagong kabanata ng kwento ko.
Nakilala ko si Natsu. Childhood bestfriend nya.
Nakekwento siya sakin ni Wendy dahil bukod sa magbestfriend sila,
Si Natsu din ang childhood sweetheart o crush niya.
Sinusuportahan ko si Wendy sa mga gusto niya,
Dahil bukod sa kaibigan ko siya,
Para naring kapatid ang turing ko sakanya.
Ako lang naman ang secret keeper niya.
Kaya kahit anong kwento o sikreto,
Alam ko kasi ako lang sinasabihan niya.
Nasabi niya rin sakin na may gusto sakanya si Natsu.
Kaya suportado ko sila kahit maglandian sila,
Kasi wala naman akong pake kung anong meron sila.
Hanggang sa dumating ang summer 2013.
Namasukan bilang helper ang mama ni Natsu samin
Para kahit summer na, may pagkukunan parin siya ng pera.
As expected, laging nandon si Natsu
Para tulungan ang mama niya magtinda.
At dahil nandon si Natsu, malamang nandon din si Wendy.
Malandi silang dalawa. Naglalandian sila sa harap ko.
At dahil isa kong dakilang friend, taga support ako sa landian nila.
Kalagitnaan ng summer 2013,
Mas naging close kami ni Natsu, tumutulong din ako sa pagtitinda
Para naman di ako masabihan na walang silbi.
Lagi kaming magkakasama nila Natsu at Wendy
Kasama ng mga magulang namin dahil gaya namin,
Magkakaibigan din sila kaya kahit abutin kami ng madaling araw
Sa pagtitinda hindi sila nagagalit kasi sama-sama kaming nagpupuyat.
Hanggang sa dumating na ang araw ng pagtatapos ng summer 2013.
Hindi ko alam kung bakit ako nalungkot.
Kung malungkot bako dahil may pasok na?
O malungkot ako kasi di na kami magkakasama?
Lumipas ang ilang buwan, summer na ulit.
Simula na ng summer 2014 at masaya ko dahil magkikita na kami ulit.
Malayo ang bahay samin nila Natsu kaya tuwing summer lang kami nagkikita.
Bawat araw na lumilipas sa summer 2014,
mas lalong nagiging malinaw sakin ang lahat.
May gusto ako kay Natsu.
Pinili kong itago kay Wendy ang nararamdaman ko.
Dahil bukod sa alam kong may gusto parin sya kay Natsu,
Alam ko ding masasaktan siya pagnalaman niya dahil
Nangako akong hinding-hindi ko sya magugustuhan.
"Mas lagi kong pipiliin ang ikasasaya ng mahal ko,
kahit kapalit non ay ang sariling kaligayahan ko"
Yan ang laging nasa isip ko. Di lang tungkol kay Wendy at Natsu.
Kundi sa lahat ng taong mahal ko at minamahal ko.
Naniniwala kasi akong "it's better to be selfless than to be selfish"
Lagi kong sinasarili ang nararamdaman ko dahil ayokong
Madamay ang ibang tao sa nararamdaman ko.
Bago magtapos ang summer 2014, sinama kaming dalawa ni Natsu
Ng tita ko papuntang Batangas kasama ang anak niya.
Hindi namin kasama si Wendy dahil di siya pinayagan ng mama niya.
Buong biyahe kaming magkasama ni Natsu.
Nakikinig kami sa kanta at naglalaro ng COC para di mabored sa biyahe.
Bago kami tumuloy sa Batangas, dumaan muna kami sa Tagaytay.
Kumain at naglaro sa SkyRanch.
Habang nasa SkyRanch. Para kaming nagdadate
Dahil dalawa lang kaming magkasama sumakay ng rides.
Humiwalay kasi samin sila tita dahil di naman pwedeng
Sumakay yung anak niya sa extreme rides.
Pagtapos ng event sa Batangas ay bumyahe na kami pauwi.
Dahil sa pagod, nakatulog kami sa buong biyahe.
Paggising namin ay nasa bahay na kami.
Masayang natapos ang araw nayon na para bang
Kami ay nasa isang masayang panaginip.
Natapos ang summer 2014 na puno ng masasayang alaala
Na kahit sa panaginip ay aking naaalala.
YOU ARE READING
FOOL FOR YOU
Teen Fiction"It's so strange how the same thing can make you feel so right and bring you so much pain, it's so strange how the same face can make you love until it hurts..."