Chapter 32: Diverted.

246 9 24
                                    

Cypher's POV

"Gago,asan diyan?Anong chicks diyan eh lalaki yan?"binatukan ko kaagad yung kasama ko.

"Tsk!Huli ka lang ng lingon!Di mo nakita!Newsflash nga eh."napapakamot ulo niyang sabi.Akala mo naman sinong napakaganda nung gusto niyang ipakita para kailangan pang lingunin ko.

"Guys, nagtext na si coach balik na tayo sa may lobby.Andun na ata yung sundo natin."tumayo na rin kami at sumunod matapos naming kumain.

Saglit nalang kaming naghintay sa lobby at hinatid na kami sa hotel.May nagbigay pa nga ng kung anong flyers samin yung sumalubong sa hotel.Hindi ko na kinuha dahil mukha namang tindero ng encyclopedia yung nagbibigay,baka magaalok lang e wala naman akong pambili.

Natulog nalang ako buong biyahe papunta sa hotel.Pagdating don inasikaso na kaagad ni coach yung magiging kwarto namin.Kaya umupo at naghintay nalang ulit kami sakanya.

"Tangna dude,ikaw na naman may sariling kwarto."reklamo nung mga kasama ko.

"Ambababoy niyo kasing kasama."sagot ko naman.Last time na isinama ako sa kanila dahil peak season nun at wala nang choice sobra ko silang gustomg isumpa. Nagdala sila ng kung sino-sinong babae sa hotel sabay nag-inuman.Nadala talaga ako non at gusto ko nalang tumalon mula 18th floor.

Maya-maya pa ay may lumapit saming staff ata nitong hotel.Hiningi samin yung ID namin sabay nung sakin na ang tinitignan niya, nag-radyo siya bigla kung kanino.

"May problema ba?"medyo inis kong tono sabay kuha nung ID ko.

"I'm sorry, Sir.I'm just checking on something." ngumiti siya sabay umalis na.

Ano yun?

Parang may iba.

Di ko nalang pinansin pero para bang may mali dun sa kinikilos nung babaeng staff.

----

Pangatlong araw ko na rito pero hindi pa rin kami nakakalabas ng basta maliban kung magte-training.Kanina nga bibili lang ako ng isang yosi sa convenience store ayaw pa akong palabasin.Sabi ng mga tarantado kong kasama baka raw may bomb threat.Tangna.Akala ko peaceful dito?

*bbzzt*

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa may bed side table. At dahil sobrang bored ko wala pang tatlong segundo at kinuha ko na.Wala kasi akong makausap kundi si Dora sa Kid's Channel dito sa tv.

Video call pala to.Bigla akong napatayo nang mabasa ko ang pangalan ni Andy sa screen.Ngayon lang ulit nag-ring tong phone ko dahil di naman ako tinatawagan nila Nikki. Ngayon ko nga lang rin chinarge.

Bago ko sinagot ay nagpractice muna ako.Teka..pano ba?Shit...Ahem..ahem..

"Na-napatawag ka."

"Ah oo..kumusta ka na diyan?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.Tangina..kinukumusta niya kung humihinga pa ako!

"Ayos lang..."puta di dapat matapos ang tanong para di maubos ang topic."Ikaw?"

"Okay lang rin.Sa isang araw babalik na kami sa Havenstead.Kumusta sa hotel mo?"bakit pakiramdam ko may iba pang rason ng pagtawag niya?Tsk.

"Hindi ako nakakalabas masyado.Puro training lang.Pero nagyaya sila na mag-bar mamaya."

Nung una parang natanggalan ng tinik yung itsura niya pero nung nabanggit ko yung pagyayaya nila bigla na namang naging stiff yung mukha niya.

"Wag ka nang sumama dun!Hindi ka naman umiinom di ba!?Wag ka nang umalis diyan.Ano..magpahinga ka nalang."

Kung sa bagay..magulo lang rin dun.

SHE'S the GUY in HEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon