Chapter 36: Confusion

157 7 13
                                    

Abby/Andy's POV

Why am I feeling this?Why am I having this thumping inside my chest.I can't even look at his face.Parang mamumula ako kapag ginawa ko yun.Hindi ko gusto tong ganito.

Sobra akong naging uneasy sakanya.Hindi naman ganito nung nakaraang punta niya,siguro masyado lang akong na-touched dahil sakin niya ibinigay yung medal niya.I feel like I'm special to him..is that it?I don't know.

I need answers.Ganito rin siya sakin nung nakaraan, he can't even look in my eyes.I wanted to ask him so many whys..why is this happening.Why is it suddenly happening and why of all people..it is between us?I'd like this to stop now..but something in me is telling that everything's fine.

He hugged me..tight as if he was longing for it.I can feel it..I can even hear his deep breathing and his heartbeat...is this too fast?I mean..his heartbeat is abnormally fast.He didn't say a word and so am I.I can't even make myself move or protest.

"OMG!!WHAT ARE YOU TWO DOING?!"narinig ko kaagad ang boses ni Lady mula sa direksyon ng banyo kaya mabilis kong naitulak si Cypher.I was so nervous that I didn't think twice doing that.Damn it.Bakit sobra akong kinakabahan?!

Sa lakas ng tulak ko ay halos bumangga siya sa may kama.Hirap man akong gumalaw ay sinikap ko pa rin siyang itayo.

"W-We're just..talking.Wag kang mag-isip ng iba,Lady."mabilis kong palusot habang tinutulungan si Cypher.

Pero nang hawakan ko ang kamay niya ay nakaramdam ako ng kaba..bakit sobrang nanlalamig siya?Anong nangyari?Napalakas ba yung tulak ko?!

Tinignan ko lang siya na may pagkagulat pero nang mahalata niya ay agad niyang binitiwan ang kamay ko at pinilit tumayong mag-isa.

"Hoy Cypher!Why are you hugging Andy?!Have you gone nuts?Ganyan ka ba talaga makipag-friends?!"pagwawala ni Lady pero hindi na siya pinansin ni Cypher at nagmamadali nalang na lumabas ng kwarto.Napansin ko rin na parang hindi siya makahinga ng maayos,gusto ko mang sabihin kay Lady kaso ayoko namang mag conclude basta at baka mapahiya pa ako.

Naiwan nalang kami dun na nagtataka sa biglang pag-alis niya,si Lady naman walang hinto sa mga tanong.Pero hindi ko talaga alam ang dapat kong sabihin dahil maging ako naguluhan sa ikinilos niya.

He hugged me and suddenly he fell sick.Weird.

-----

Cypher's POV

Ramdam ko ang pabilis nang pabilis na heartbeat ko sa pagtagal ng pagkakayakap ko sakanya.Halos manghina na rin ako pero hindi ko iniisip yon.Kahit yata mamatay ako,mayakap ko lang siya ayos na.

Hindi man lang dumaan sa isip ko na itigil ang ginagawa ko kahit ngayon malinaw nang si Abigail ang nagti-trigger ng sakit ko.Tulad nung batang babae sa Carpathia...pero may kulang,hindi ito ang eksaktong naramdaman ko noon sa batang yon.May iba kay Abigail.Puta.Naguguluhan na ako.

Halos nanghina ang buong katawan ko kaya kahit di kalakasan ang pagkakatulak ni Abigail ay natumba na ako.Hinawakan niya ang kamay ko at nakita ko sa mukha niya na nagulat siya sa lamig nito..Ayoko siyang magisip ng kung ano..Tangina,kapag suswertehin ka nga naman.Niligtas pa ni Lady ang buhay ko, kung hindi pa siya dumating wala akong balak na bitiwan si Abigail kahit pa sumabog tong puso ko.

Lumalabo na ang paningin ko dahil sa panghihina.Tangina naman Cypher, salot sayo yang sakit mo.Niyakap mo lang si Abigail parang ikamamatay mo na.

Napaupo ako sa ilang upuan na nasa hallway.Kinapa ko sa bulsa ko ang lalagyan ko ng gamot na binigay pa ni Doc.Tanda.Puta dapat tumalab to kung hindi mumultuhin ko siya kapag namatay ako.

SHE'S the GUY in HEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon