Chapter 43: She's Leaving

77 5 13
                                    

Abby/Andy's POV

"Thanks for tonight ANDY."he emphasized my name as if he's teasing me.Well..andito na kami sa labas ng dorm so might as well be sure.

"Thanks rin.Nag-enjoy ako."nagpaalam na kami at pumasok na ako sa dorm.Dahan-dahan pa akong pumasok para hindi ko na magising sina Cypher.

Halos mag tip-toe na nga ako para lang wag makaistorbo pero naabutan kong nags-smoke si Cypher dun sa may balcony kaya naman lumapit ako sakanya.

"It's late.Bakit gising ka pa?"parang nagulat pa siya sa pagdating ko.

"Bakit ngayon ka lang?"he sound pissed off.

"Huh?"

"A-Ang ibig kong sabihin, late na!Wala akong tulog dahil sayo!"

"Sinabi ko bang hintayin mo'ko?You should've told me the password kung gusto mong palitan."oh well..baka hindi niya mapalitan dahil nga hindi pa ako nadating.Ayaw rin naman niyang sabihin yung ipapalit niya?!Parang pinapalayas na niya ako dito..che!

Tinapon rin niya yung sigarilyo niya dahil pumasok na rin ako sa may balcony.Hmm..mukhang sanay na siya sakin.

"Alam mo you're being weird."

"Bakit na naman?!"inis niyang singhal.

"Parang ayaw mong kasama ko si Clyde..which is weird dahil ngayon lang naman halos nangyari yon.Isa pa, I have this feeling na hinintay mo'ko para lang sermunan.That lead me to the next question..Are you worried?"

Parang bigla siyang nasamid at namula dahil sa sinabi ko.

"Psh?!W-Worried?Naknamputa.Hindi lang ako makatulog feeling mo worried na'ko sayo?Saka hindi sa ayaw kong kasama mo si Clyde!Gabi na kasi at di na tamang lumalabas pa kayo,lapitin ka pa naman ng disgrasya.Hindi ako nag-aalala sa part na yun okay?Pero basta.Wag kang naga-assume diyan."

"Edi wag!Ang sama ng ugali talaga neto."ewan pero nakaramdam ako ng inis. Hays!Grabe napakawalang pakielam naman niya?At ako pa itong lumabas na assuming ah!Wow.Just wow Cypher.

"Oh saan ka na naman pupunta?!"sinaway na agad ako nang makitang palabas na ako ng balcony dahil binuksan ko na yung sliding door.

"Matutulog na!Wag kang tamang hinala!"inis kong sigaw sakanya.

Nagshower at nagbihis saglit pero pag-labas ko ay andun pa rin siya sa labas.

"Ano?Wala ka pa ring balak matulog?"nakaupo siya sa may wooden swing na tambayan nila sa may balcony.

"Lumapit ka nga dito."utos niya sabay umusog ng kaunti para makaupo ako.

"Ano na naman?"

"Bago ka magreklamo kunin mo muna to.Baka mainis pa ako sayo at hindi ko ibigay to."inabot niya sakin yung key card.

"Ano to?"

"Key card.Di ba halata?"

"Heh?Alam kong key card to.Ang tinatanong ko para saan to?"

"Bumalik ka na sa dorm mo noon."

Biglang nanlaki yung mata ko sa gulat.

"What?!Tapos na?!Gawa na yung dorm ko?!Pero may babayaran pa ako dun!"

"Wala na.Maayos na at pwede ka nang pumunta don sa susunod na araw."

"S-So..aalis na ako dito?"I don't know but a part of me felt unhappy.

"Oo..mas okay sayo yun.Hindi ka na mahihirapan samin dito."

"Pero paanong nagawa?I haven't paid anything.."

SHE'S the GUY in HEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon