CHAPTER 4 - BREAK (Spring)

122 13 51
                                    

CHAPTER 4 - BREAK

"WHERE the freaking hell are you, Spring Tyler?"

"Aish... Tune down your voice, brat. Ang sakit ng boses mo sa tainga," ani ko matapos sagutin ang walang patid na tawag niya.

"Anak ka ng... Bakit ganiyan ang boses mo? Uminom ka ba kagabi? Kagigising mo pa lang? Oh my freaking God, Spring. Sa'n ka ba nagsususuot sa tatlong araw na wala ka rito, ha?" konsumidong untag nito sa kabilang linya.

A sly grin crossed my lips after hearing her panicking voice. With my eyes still shut tightly close, I responded with my still groggy, hoarse voice, "If drowning myself with a dozen coke in can could be consider drinking, yes I did. And yes, I just woke up—"

"Packing tape ka, Spring! Alas-onse na ng umaga, kagigising mo pa lang? Pa'no pala kung 'di ako tumawag, bukas ka pa gigising?"

I could only yawn at her frantic tone. "P'wede rin."

Napahugot siya ng malalim na buntunghininga. The next time she spoke, it was already calm and collected, though I could still detect a tinge of strain on her voice. "Where have you been this last three days?"

Umupo ako sa kama at isinandal ang likod sa headboard nito. Kinusot-kusot ko pa ang mata at inalis ang mga mutang naraanan ng mga daliri ko.

I scanned the entire cosy room I'm occupying, then my eyes settled at the glass doors, draped with earth green curtains; pushed to either sides, leading to a small balcony of bonsais and ornamental vines; creeping against makeshift intersecting panels.

"Every year, I always disappear for few days or week there. Anong bago?"

"Spring..." There's a warning on her voice.

Napairap ako. The heck with this Homo erectus?

"Ano bang problema niyo?" may bahid na pagkainis na untag ko. Umagang-umaga, e.

She heaved a sigh, probably calming herself. "Please, Spring," she started softly, "umuwi ka na rito sa Hotel. Hinahanap ka ni Dad---"

I cut her off. "At bakit naman ako hahanapin ng Tatay mo?"

"Wala ka ng ilang araw. Of course, he'll look for you."

Agad akong napairap sa kawalan. "Tulad ng sinabi ko, taon-taon akong nawawala nang parang bula diyan. At sa mga pagkakataon iyon ay walang may pakialam kung saang lupalop man ako nagsususuot. So, what's up now?"

That rendered her silent.

Tumayo ako't naglakad patungong banyo. Inayos ko ang malaking timba sa may gripo at pinalagaslas ang tubig. Habang hinihintay na mapuno ang timba ay naupo ako sa may sink at hinintay siyang sumagot.

"Pasensya na, sis. Hindi ko p'wede sabihin. Basta bumalik ka na rito bago ka pa pahanapin ni Dad kay Hypnos, okay?" aniya na tinutukoy ang walang modong Head ng Intelligence Department.

I tsked. "Oo na, oo na," ani ko pagkatapos ay walang paalam na ibinaba ang tawag. "Peste."

I set aside the phone and stared at the pail of half full water. Habang pinapanood ko ang unti-unting pag-apaw ng tubig sa timba ay muling naalala ko na naman ang napag-usapan namin ni Deimos tatlong araw na ang nakalilipas.

"Circulo de Ocho..."

Those words. Hindi ako p'wedeng magkamali, malinaw sa isipan kong sinabi rin iyon ng mga lalaking nakasagupa namin sa nakaraang misyon.

I unconsciously bit the nail of my forefinger.

Alam kong tama ako.

I grabbed for my phone and dialed the number in my mind.

Live to Avenge [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon