WARNING: RATED SPG, may maseselang lengguwahe na 'di akma sa mga bata at pabatang mambabasa. Istriktong pag-unawa ang kailangan. -Dee
SPECIAL CHAPTER - PIECES OF PAST II
HINDI IYON ang huling beses na nasaksihan ko ang kaweirduhan ng apat na batang iyon. Halos sa araw-araw yata na ginawa ng Diyos, simula ng ipakilala sila ni Blaze sa 'kin, ay hindi nakaliligtas sa paningin ko ang kaniya-kaniyang trip nila sa buhay na talaga namang nakakasira ng ulo kung 'di ka sanay.
Oo, sanayan na lang. Kung sa paanong paraan ko nagawa ay hindi ko rin alam. Ngunit sa isang bagay lamang ako isan'daang porsyento sigurado—hindi iyon naging madali.
"Spriiiiiiiiing!"
Awtomatikong nanigas ang katawan ko pakarinig ng pamilyar na boses na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. Nanlalaki ang matang nilingon ko ang pinanggagalingan noon at halos takasan ako ng dugo sa mukha nang makumpirma ang hinala ko.
"Y-Yvo," bulong ko sa hangin matapos mahagip ng mata ang isang batang lalaki na nasa pangalawang palapag ng training center at kasalukuyang pinipilit makababa sa unang palapag gamit ang escalator na umaandar pataas. Sa escalator pababa naman ay naroon si Hypnos na sinusubukang makataas at halos 'di na maipinta ang mukha sa 'di malamang dahilan.
At sa pagitan naman noon, sa bandang itaas, kung nasaan ang gumagalaw ring hawakan, ay may siraulong ginawa iyong conveyor belt katulad sa traditional Japanese restaurants kung saan ang mga nagawang sushi (for example) ay inilalagay na lamang doon at bahala na ang customer na pumili kung ano ang gusto nila. Kung paano iyon hindi nahuhulog sa platito ay mas lalong wala akong ideya. Si Rain iyon na kumpleto pa sa traditional Japanese outfit at may nakatali pang bandana na may bandila ng Japan sa gitna ng noo.
Sa ibabang dulo no'n ay may ilang push carts na ginagamit ng mga waiter sa paghatid ng mga pagkain sa hotel suites ng mga guest. Naroon naman naka-stand by ang isa pang weirdo na naka-waiter uniform at kasalukuyang pinupuno ang lagpas sampung push carts ng mga ginagawang Japanese dishes ni Rain. At oo, si Lukan nga iyon na nakatuon ang buong atensyon sa ginagawa at 'di alintana si Yvo na pakantang sumisigaw ng Dora the Explorer theme song at si Hypnos na tila napilitan lamang mag-second voice.
Lintek . . . saan ba sila pinaglihi ng mga nanay nila't gano'n na lang ang lakas ng sapak nila, ha? Yung totoo.
Nakangiwing iniiwas ko ang tingin sa apat at madaling tinapos ang pagsisintas ng sapatos. Kalahating oras na rin ang lumipas nang matapos ang training at kailangan ko na talagang makaalis dito sa training center bago pa man mangyari ang kinatatakutan ko.
Agad akong napatalon patayo matapos kong matali ang sintas ng sapatos. Bitbit ang asul kong sack bag na Poruro printed ay dagli kong tinawid ang pagitan palabas ng training center.
Kulang-kulang tatlong hakbang na lamang sana at nasa labas na ako nang bigla'y may humarang sa 'kin. Halos mahigit ko pa ang lahat ng hangin sa paligid nang mapagtantong ang abnormal #3 pala iyon, si Rain, at sa mga palad nito'y may dal'wang platito—isang para sa sushi at ang isa'y may laman na kulay berde na sa tingin ko'y sawsawan.
"I made too much," he said, shrugging his shoulders, "want some?"
Nagdadalawang-isip na tinitigan ko lamang ang platito ng apat na pirasong sushi'ng inalok niya sa akin. Ito na nga ba ang ikinatatakot ko — ang madamay sa ka-abnormal-an nila na maging ang ibang kasing-edad ko na nagti-training din dito ay lubos na iniiwasan.
My wariness just get started two days after Blaze introduced me to them. Katatapos lang din ng underwater training namin no'n nang isugod sa infirmary ang isa sa mga instructors dahil sa severe asthma attack.
BINABASA MO ANG
Live to Avenge [HIATUS]
ActionHow far would you go to achieve a goal? For Spring? She'll climbed thousand mountains if needed. For Rain? As far as to keep a love one safe. For "them"? For the sake of their twisted game? Anything. And maybe that's why someone has to put an end to...