CHAPTER 16 - BREAK'S OVER (Spring)

81 6 9
                                    

CHAPTER 16 - BREAK'S OVER (Spring)

HINDI KO ALAM kung anong mas mauunang mahulog sa akin: ang nanlalaki kong mata o ang panga ko dahil sa sobrang gulat.

But . . . his voice. It's too deep and rough. How come—

My eyes flew towards the kitchen where Blaze was already in, and was throwing fits of panic after seeing the two seemingly lifeless bodies.

Oh no.

My gaze fell back from him. He shot me a cheeky grin, and with a weak smile, he took a small thing off the collar of his shirt. Nang magsalita siyang muli ay balik na sa dati ang boses niya.

"Care to help me up?" aniyang iniabot sa akin ang kamay na may bahid ng dugo. "And by the way, please put the gun away. Your hands trembling. Baka makalabit mo pa ang gatilyo nang wala sa oras," natatawang dagdag niya pa.

Waring tinakasan ng lakas na napasalampak ako sa sahig kasabay ng pagbitaw ko roon. Dumako ang tingin ko sa kaniya at pinasadahan ng tingin ang mga braso niyang may maliliit na sugat. He must have gotten those injuries from the porcelain plates fallen to him. At s'yempre, kasalanan ko.

Did I feel any guilt? 'Nak ng . . . sinong may matinong pag-iisip ang hindi makokonsensya? I almost killed him, for goodness sake!

"Are you alright, Spring?"

I locked eyes with his worried ones.

And yet, instead worrying himself, he didn't seem to care at all.

I couldn't speak.

What have I done?

SA DALAWAMPU'T ISANG taon ko sa letseng mundong ibabaw, ngayon ko lamang naranasan ang sobrang kahihiyan na halos kainin na ang buong sistema ko sa kaiisip.

"You could have killed us, back there," Yvo said, frowning at me. "Sayang ng lahi kap- aray!" daing nito matapos diinan ni Blaze ang hawak na ice pack sa kaniyang pisngi. "Dahan-dahan naman, 'insan! Hindi mo ba alam na bilyones ang halaga ng mukhang ito?"

Blaze, who's frown never leaving her face since two hours ago, drew her fist in the air and hit the green-eyed guy, Yvo, at the top of his head. Agad na napuno ng reklamo ang salas matapos niyang batukan ang huli. Kapagkuwan ay mas ipinagdiinan pa ang yelo sa pisngi nito at lumipat naman sa lalaking nakap'westo sa may durungawan ng kusina — tahimik lang na nagmamasid at waring may permanenteng gatla na sa noo habang minamasahe ang nangangalay na leeg.

Nang makalapit sa kaniya si Blaze ay mas lumalim pa ang guhit nito sa noo. Kita sa kulay kahel nitong mata sa ilalim ng bilugan nitong salamin na hindi niya gusto ang susunod na mangyayari. Akmang tatabigin nito ang ice pack sa kamay ni Blaze nang pandilatan siya nito ng mata at inambahan ng kamao.

"Sige, paganahin mo sa akin ang pagkabugnutin mong letsugas ka at talagang dodoblehin ko 'yang sakit ng katawan mo."

Miserableng sinimangutan nito si Blaze kapagkuwan ay pinaghalukipkip ang mga braso sa dibdib. "Inaano ba kita? 'Wag ako ang sungitan mo," anito saka pasimpleng sumulyap sa gawi ko.

"Ay tae ka pala, e! E, kung karate-hin kaya kita diyan, ha?"

"Go on, then. Hindi ako mangingiming i-report ka sa head ng PWDs," nanghahamon na anito na pinagtaasan pa ng kilay ang kausap.

Pagak na natawa si Blaze na halos umusok na sa pagngingitngit. "Aba talaga naman, uh-oh. Kung 'di ko lang talaga kayo mga kadugo baka pina-salvage ko na kayo!"

Live to Avenge [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon