SPECIAL CHAPTER - PIECES OF PAST III (Spring)

88 11 17
                                    

SPECIAL CHAPTER - PIECES OF PAST III

AND IT JUST happened. Wala akong ideya kung paano at sa'n nagsimula. Basta isang araw paggising ko ay may isang weirdo na ang lagi kong kasama — mapa sa training, sa eskwelahan o sa'n mang lupalop ng Olympus Hotel.

Yes, an unimaginable thing occured — Lukan and I became friends; he became my bestfriend. Kung paano ko naging matalik na kaibigan ang lampang weirdong iyon . . . sinabi ko na sainyo, 'di ko rin sigurado.

As for the rest of his obnoxious friends, civil is the right term to describe our relationships. There's no way in scorching fires of hell that I'll let myself get cozy with those three. They'll be the death of me if ever. At plano kong mabuhay pa ng matagal.

"Anak ka ng pitumpu't pitong puting tupa, Lukan! Bilisan mo naman, utang na labas! Tayo na ang nahuhuli, o!"

Nakangusong nag-angat siya ng tingin sa akin na nasa bandang itaas na ng second stop nitong bundok na inaakyat namin. Matarik ang daan pataas at medyo may kahirapang umakyat dahil madulas ang lupa dulot ng biglaang buhos ng ulan kani-kanina umaga lamang. Pero hindi naman talaga iyon ang nakapagpabagal sa kaniya.

"Nagugutom na ako, e!" reklamo nito sa makailang ulit nang pagkakataon kapagkuwan ay itinukod sa lupa ang sanga ng kahoy na ginawa niyang sungkod at nanlalantang bahagyang humilig doon sabay pikit ng mata.

Halos sampung metro pa ang layo niya sa p'westo ko. At kung bumalik ako sa baba para tulungan siya ay baka abutin pa kami ng siyam-siyam sa tulakan na ako lang din naman ang maga-effort habang siya'y tila senyoritong nagpapatianod lang. Kapagka nagkagano'n, paniguradong lagpas tanghali na namin maaabot ang camp site — na may anim na stop pa ang layo.

Letse . . . bakit ko pa ba kasi 'to naging kaibigan?

Kada taon ay inaakyat ng mga trainee ang pesteng bundok na 'to sa t'wing magtatapos ang taon. It's sort of an annual closing ceremony for the trainees. While the instructors? Hah! They're freaking riding the freaking cable cars way up to the bloody camping site while us, trainees, shed blood of sweats hiking.

And in my freaking two years of being a trainee and a freaking bestfriend of this freaking wimp, I always reached the freaking camp site last. We always do. Big thanks to Lukan.

"Eh, siraulo ka pala, e!" nakapameywang kong sigaw pabalik sa kaniya na sinulyapan lang ako saka pumikit ulit. "Ang lakas ng loob mo kaninang magsabing 'I don't need breakfast. Real men can go on a day without one'," panggagaya ko sa tono ng pananalita niya, "tapos ano ka nga ngayon, ha?"

"Wala ka man lang ba diyang dala na makakain?"

Putakte! Parang wala lang ang pagtatalak ko kanina, a!

I held back the irritation I feel and rummaged through my backpack. When I found a chocolate bar, I pitched it towards him which end up hitting his head considering his eyes  was closed still. Agad siyang napamulat ng mata at lukot ang mukhang dumako ang tingin sa akin habang hinihimas ang tinamaang parte ng ulo.

"Masakit!"

Inis na ibinato ko sa kaniya ang isa pang chocolate bar na agad niya naman nasalo.

"Peste ka! Lamunin mo na 'yan kung gusto mo pang masikatan ng araw kinabukasan. Aba! Kalalaki mong tao hindi ka na nahiya sa akin?"

Nakasimangot na pinulot niya sa lupa ang unang chocolate bar na binato ko saka ibinulsa sa suot na hood at binuksan ang pangalawa.

"Hindi ka naman kasi babaeng talaga, bakit ako mahihiya?" aniya sabay kagat ng maliit.

Pabebe.

"Bakit nga pala lagi kang may baong ganito?" tanong niya habang ngumunguya, "hindi ko naman ikaw nakikitang kumain."

Live to Avenge [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon