Chapter 3

43 8 4
                                    

-Zuraina's POV

Salamat walang pasok.

Buti nalang ay walang pasok dahil makikita ko nanaman yung engot nayun at Isa pa may pupuntahan kase kame ng aking ina sa may malapit na palengke o market dito sa aming lugar.

Bumili kase si nanay ng mga kailanganin sa bahay, at ihahain mamayang tanghale.

Kaya sinamahan ko nalang siya sa mamili, wala ren naman akong gagawen dito sa bahay kundi manood at mag aral.

Nang nasa palengke na kami ay binili na ni nanay ang mga kailangan niya, at ihahain mamaya.

Uuwi na sana kame pero tinawagan ako ni Hannah...

*CALLING*

at sinagot ko ang tawag niya saken.

"Bessy? Asan ka? Maligo at magbihis kana, may pupuntahan tayo!" Sabi nya sa aken habang kausap ko sya sa cellphone ko.

"Wait lang. Andito ako sa palengke, sinamahan ko ang aking ina mamili ng kakailanganin sa bahay." Sagot ko sakanya.

"Osige, sige! Wait moko dyan bessy ha!! pupuntahan kita dyan!" Sigaw na sagot niya saken sabay patay sa tawag.

nagpaalam ako sa aking ina na maiwan muna ako dito kase pupuntahan ako ni Hannah.

"Ome? Mauna na lang po kayong umuwe, pupuntahan po kase ako ni Hannah dito eh, may pupuntahan daw po kame pero saglit lang daw." Paalam ko sa aking ina.

"Di pwede anak? Ako ang malalagot sayong abi(ama) kung iiwan kita dito ng mag-isa at walang kasama." Pagtutol ng ina sakin.

nang biglang dumating si Hannah sabay yakap sakin ng mahigpit.

"Bessy! Akala ko wala kana dito eh, tara na?" Pagyaya nya saken.

"Bessy, sorry pero di ako pinayagan ni ome eh." Malungkot kung sabe.

Pinilit ko at nilambing ko ang aking ina upang makasama ako kay Hannah sa kung saan man ang pupuntahan.

"Ome? Ngayon lang naman tsaka di naman kame magtatagal. Please ome, promise di talaga ako magtatagal. Sasamahan ko lang naman si Hannah sa kanyang pupuntahan." Pagmamakaawa ko sa aking ina.

"Osige pero sandali lang kayo. At wag na wag magtatagal. Siguradong lagot ako pag malaman nang abi mo na pinayagan kita na umalis." Ani ni ina.

"Opo ome, promise po yan!" Sabe ko at sabay halik sa aking ina.

Hinintay ko na makasakay si ina sa dyip bago kami umalis ,nang makaalis na si ina ay tinanong ko si Hannah kung san ang punta namen.

"Hannah? San ba punta naten tsaka gaano naman kahalaga yung pupuntahan natin at agad agad kang pumunta dito para puntahan ako." sabi ko nang makasakay si ina.

"Ano kaba? Pumunta ako agad dito para maabutan kita, kase baka umalis ka kaagad eh? wala lang naman ipapasyal lamang kita sa pook pasyalan malapit dito saten." Excited na sabi ni Hannah sakin.

"May problema bessy eh?" Sabi ko sakanya.

"Ano naman?" Maliit na Tanong nya saken.

"Wala kong pera bessy eh?" sabi ko na may halong lungkot.

"Di yan problema, treat na kita bessy! Ikaw paba? Malakas ka kaya saken?"ani ni Hannah.

"Ay salamat bessy, tara na punta na tayo sa Parke. Pero di tayo magtatagal ah? Sandali lamang tayo." Tuwang tuwang sabi ko sakanya.

"Pero ikaw naman ang manlibre sa susunod ah? Haha ngayon lang to!" Sabi nya sakin.

Sumakay na kami ng sasakyan papunta sa pupuntahan naming Parke, at Dali naman kaming nakapunta sa Parke.

"Bessy? Ano bang gagawin naten dito? Ano bang meron dito?"Tanong ko sakanya.

"Manonood tayo bessy!"sagot nito saken na may halong tulak.

"Ano bang panonoorin naten?" Tanong ko ulet sakanya.

"Manonood tayo ng dance practice ni Mark! Tuwing sabado kase ay nageensayo sila ng sayaw. dancer kase ang hilig nya!" Sagot neto saken.

"Ano!!?? Kung sinabe mo saken na dun lang den tayo pupunta ay di nako sumama sayo kahet ilibre mopako ng kahet ano? Alam mo naman bessy na ayaw ko dun diba?!" Inis na inis na sabe ko sakanya.

"Bessy.. ngayon lang naman? Grabe ka naman magalit. Nagtatampo nako sa'yo." Lungkot na sabe neto saken.

"Hays, Sige na nga bessy. Pasensya na kase dimo sinabe eh na dun pala tayo sa pupunta sa engot nayun? Pero Sige na wag ka na magalit, sasamahan na kita pero inuulit ko sandali lang tayo ha." Paumanhin na sabe ko sakanya.

"Oo nga bessy! Tara na punta na tayo dun." Pagyaya niya saken.

Pumunta na kame sa kung saan ay nageensayo ng sayaw sila mark.

Naiinis kase ako dun sa lalaking yun, Sobrang kase ang yabang niya.

Nang makapunta na kame sa pinageensayuhan nila ay umupo kame sa may upuan at nanood ng pag eensayo nila.

-Mark's POV

Tuwing sabado ay may ensayo kami ng pagsasayaw sa Parke malapit dito sa lugar namen para sa darating na paligsahan ngayong buwan ng disyembre.

Ala sais kase ng umaga ang praktis namen kaya maaga ako pumunta sa parke.

Nagsimula na kami mag ensayo at nang mag ensayo dahil kailangan naming manalo dahil pinaghihirapan namin ang ensayo namin bawat sabado.

Kaya hinahangad namin na sana kami ay manalo sa paligsahan na sasalihan namen.

Habang nag eensayo kami ay napansin ko si Zuraina at Hannah na papalapit sa kung saan ay nageensayo kami.

Ngungit ang sama ng titig saken ni Zuraina na para bang gusto niya kong patayin.

Nagpatuloy na lamang ako sa aking pageensayo at baka mapansin nya kung gaano ako kagaling sumayaw.

Zuraina's POV

"Tingnan mo bessy oh? Ang yabang talaga lakas magpacute!" Inis na may halong galit na sabe ko.

Pero parang wala yata akong kausap. Nakita ko si Hannah na nakatulala na parang Ewan sa Mark nayun.

"Bessy... Bessy..." Habang niyuyugyog ko siya.

"Aaaay... Aaaay. Sorry bessy lakas kase magpacute saken ni Mark eh, ang gwapings nya talaga!" Kinikilig na banggit ni Hannah.

Haaaay kahet kailan talaga ay baliw na baliw si Hannah Kay Mark.

"Bessy....bessy.....bessy!"nagwawala na parang nanalo sa lotto.

"Baket? Ano yun?"Tanong ko sakanya.

"Papalapit na sya saken, bessy! Oh my gosh! Mamatay na yata ako!"baliw na baliw na pagkasabe ni Hannah.

Paglingon ko ay papalapit nga si Mark sa kinalulugar namin kung saan ay nakaupo kami.

Pero habang palakad sya papunta samin ay tinititigan ko sya bawat paglakad niya ay para bang naririnig ko at nararamdaman ko ang tibok ng puso ko.

-3rd Person

Ano kaya ang gagawin ni Mark baket sya lumalapit sa kung saan nakaupo si Zuraina at Hannah?

Malalaman yan sa susunod na kabanata.

Salamat sa mga bumasa at suporta :)

Please Vote and suggest, comment your opinion in a box about this chapter.
Alhans_10

Zuraina : Her Unexpected Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon