Chapter 3

12.9K 207 0
                                    

Katatapos lang niyang pirmahan ang kahuli-hulihang papeles ng tumunog ang intercom.

"Sir andito po si Bong sa ibaba gusto kayong makita."

"Sige Luisa paakyatin mo na siya dito."

Kinusot niya ang kaniyang mga mata dahil humahapdi na ito. It's been a long week, may mga annual reports kasi silang hinahabol.

"Come in." sabi niya ng marinig ang katok.

"Bossing, kumusta?" nakipag kamay ito sa kanya.

Si Bong ang isa sa mga maniningil nila. Ang kumpanya nila ay nagpapautang sa mga taong gustong mag negosyo. Pero mas pribado ang kanilang kumpanya, isa itong family business. Unang tinaguyod ng lolo niya para matulungan ang mga kaibigang negosyante. Ng magtaguyod ay naisipan nitong tumulong sa mga mahihirap na gustong umasenso.

May malaking grocery stores din sila kung saan bumibili ang mga miyembro nila na binibigyan nila ng discount.

Nag retiro na ang itay niya nung isang taon kaya't napa uwi siya bigla. Ngayon galamay na niya ang pagpapalakad ng kanilang kumpaniya.

"Boss may maganda akong ibabalita na siguradong ma gugustuhan ninyo. Dumaan ako sa Polar st. kanina...."

Napatuwid ang upo niya pagkarining sa naturang kalye.

".... nauuhaw kasi ako kaya't bumili ako ng maiinom at makakain."

"And your point Bong?" naiinip na tanong niya.

Tumikhim ang kausap bago nag salita.

"Eh Boss uuwi na raw ang dalagang Villar sa Sabado."

Kamuntikan na siyang mahulog sa kanyang silya. Bigla siyang tumayo at tumanaw sa bintana.

"That's good. Good job Bong. Dadag-dagan ko ang sahod mo next time. Sige makaka-alis kana."

"Salamat Bossing."

Bumalik siya sa bintana at tinatanaw ang mga pampasaherong sasakyan sa labas.

Nine years ago.....

"Dad please let me use your car!" pamimilit ni Kelvin sa daddy niya.

"The answer is No! you just learned how to drive and i don't trust you driving with your friends." saad nito habang humahakbang sa hagdan patungong opisina nito sa third floor. Walang elevator sa building nila at walang plano ang Daddy niyang magpagawa.

Sabi nito dag-dag lang daw sa gatusin at mabuti na rin daw ang naglalakad para may ehersisyo.

Collateral Marriage COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon