Chapter 10

10.9K 155 4
                                    

               May kumatok sa kuwarto niya habang nagsusuklay siya ng kaniyang buhok. She open the door and saw Valerie’s grinning face. May dala itong baklang make-up artist.

“Dry na ba yang buhok mo?” tanong nito sa kaniya.

“Oo kanina pa.” sagot niya rito habang umupo sa harap ng vanity. Nakasuot lang siya ng roba para hindi ma gusot o ma mantsahan ang wedding gown niya.

               Sunod-sunod na pumasok ng kuwarto ang iba pang mga babaeng kasali sa entourage. Kaniya-kaniyang nag-aayos at tulong-tulong ang bawat isa. Alas singko magsisimula ang kasal na isang Garden Wedding.  

Lumapit ang Mommy niya at yinakap siya ng mahigpit. “I’m so happy for you Ciara dahil mabait na tao ang napangasawa mo. Mahalin ninyo ang isa’t-isa ha.” Tiningnan siya nito. “Naku hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ka na. Sabagay nasa hustong gulang kana. Sige maghanda kana at dalawang oras nalang at magsisimula na ang ceremony.” Umalis na ito kasama si Mimi at isa pa niyang Tita.

Pumasok naman ang Mama ni Kelvin kasama ang mga Ate nito at manugang na babae. Handa na ang mga ito at inaasikaso nalang ang pago-organize sa labas. Nang matapos ayusan ang kaniyang buhok ay tinulungan siya nina Valerie, Sommers at Piper na magsuot ng Bridal gown, tiarra at belo.

“Wow ang ganda mo sis.” Hanga sa kaniya ni Valerie. Sumang-ayong naman ang dalawang kaibigan.

Tiningnan niya ng mabuti ang babaeng nasa harapan niya. Isang A line gown with Angled Drape pick-ups and a Sweetheart neckline ang suot niya. Siya mismo ang pumili ng naturang desenyo na inorder pa ng Ate ni Kelvin sa online.

             Pabalik-balik siya sa paglalakad habang nasa loob pa rin ng suit nila. Nakabihis na siya at ang mga kaibigan. Isang itim na three piece suit ang pinili niya. Lumabas si Ethan ng kuwarto nito habang inaayos ang necktie nito. Pumasok si Alex ng suit kasama sina Justin, Tyler at Zack. Kinamayan siya ng mga ito sabay tapik sa kaniyang likod.

“Pare I’m so happy for you. Sa wakas matatali ka na rin.” Kantiyaw sa kaniya ni Zack na tinawanan lang niya.

“I don’t mind basta si Ciara ang pakakasalan ko.” Inabutan siya ni Ethan ng red wine.

“Pampakalma mo.” Sabi nito.

“Salamat. Kanina pa nga ako nagiging nerbiyoso. What if she’ll back out?” tanong niya sa mga kaibigan. “Dadalo pa naman yung Ex niya… paano nalang kung manggulo iyon?” nagiging paranoid na talaga siya.

“Ano ba ang mukha ‘nun at ng ma corner agad namin?” tanong ni Tyler sa kaniya.

“Hindi iyon manggugulo kami na ang bahala ni Lieutenant San Gabriel niyan mamaya.” Pang-aalo ni Alex sa kaniya. Bago palang naging Leutenant ang kaibigang si Justin.

“Halina kayo at hinahanap na tayo ng Wedding Planner a.k.a Janelle the freak.” Iyan ang tawag ni Zack sa Ate niya. Sumakay sila ng golf cart papunta sa gaganaping kasal. Medyo na kalma na siya dahil sa ininom na red wine.

Collateral Marriage COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon