Chapter 14

9K 164 2
                                    

              Kinabukasan ay nakahanda nang umalis si Ciara papuntang Davao Doctor’s Hospital para sa kaniyang check up. Lumabas na siya sa bahay para sumakay sa sasakiyan ng biglang dumating si Kelvin galing opisina dahil naka suit pa ito.

“Paalis kana?” tanong nito pagkababa. Hindi na nga nito hinintay ang kaniyang sagot dahil binalingan na nito ang driver. “Akin na ang susi Manong at ako na ang maghahatid kay Ciara.” Sabay abot dito ng sariling susi.

Kahit na nagulat siya sa biglaang pag-uwi nito ay masaya na rin siya at sa wakas magkakasama na silang dalawa. Pinagbuksan siya nito ng pintuan pero bago pa man siya sumakay ay hinalikan niya ang asawa sa labi nito. “Thank You.” Sabi niya bago siya pumasok sa passenger’s seat.

Pareho silang tahimik habang nasa biyahe. Ayaw rin niyang sayangin ang oras na kasama si Kelvin kaya tahimik lang siyang tumitingin dito paminsan-minsan at ngingitian ito. Tuwing nagtatama ang kanilang mga mata ay wala siyang nasasalaming emosyon sa mukha ng lalaki. Hindi na nakatiis ito ng sige pa rin siya sa ginagawa.

“Ano bang ngingiti-ngiti mo diyan?” nasa daan pa rin ang tingin nito.

Nagkibit balikat siya. “Wala. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na sinamahan mo ako ngayong araw. Akala ko kinalimutan mo nang may asawa ka pang naiwan sa bahay mo.” Hindi na niya naiwasang magdam-dam.

             Parang may sumuntok sa kaniyang tiyan sa sinabi ng asawa. Guilty as charged. Alam niyang may pagkukulang siya dito at pinili niyang iwasan ito dahil sa kaniyang galit. Nag ring ang kaniyang cellphone.

“Yes Olivia? Uh-oh ok. No that’s done. I’m with my wife. Cancell all my engagements this afternoon. Ok, see you tomorrow.” Nilingon siya ng asawa.

“Sino si Olivia?” takang tanong nito.

“My new secretary.” Tipid niyang sagot.

“Nasaan na pala si Ms. Porras?”

“She’s on a maternity leave kaya matatagalan pa bago siya makabalik sa trabaho.”

“Hindi ko alam na first name basis na pala kayo ng secretary mo?” she sounded like a jelous wife.  “Forget what I said.” Bago ito lumingon sa labas ng bintana. If this is on a different circumstance ay iisipin na niyang nagseselos ito. Pero hindi pa rin siya kumbinsido.

“May proposal pala ako sa iyo. Nagpatayo ng isang exclusive subdivision si Zack sa Napa Valley and he offered good price sa lahat ng barkada. Would you like us to move back to Manila? I know you’ll be away from your family kaya kita tinatanong ngayon.”

“I don’t have any problem with that.” Tipid nitong sagot na hindi pa rin tumitingin sa kaniya. “Kelan mo ba gustong lumipat?”

“In couple days. Inaayos na ni Sommers ang Interior ng bahay.” Sa wakas narating na rin nila ang hospital.

                     Inalalayan pa niya ang asawa pagdating nila sa parking lot ng hospital. “Gusto mo bang sumama sa loob?” tanong nito sa kaniya habang naglalakad sila sa hallway ng hospital.

Collateral Marriage COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon