Chapter 12

9.3K 146 0
                                    

                     Nagising siya na wala na ang asawa sa kaniyang tabi. Agad siyang tumayo at pumuntang banyo. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Kelvin na nakatapis ng tuwalya at naga-ahit ng mukha. Lumingon ito bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

“Good Morning.” Bati nito sa kaniya.

“Good Morning din.” Ganti  niya dito. Hindi niya alam kung uupo sa toilette at umihi o hihintayin na itong matapos.

Lumingon ito sa kaniya. “Don’t worry lalabas na rin ako.” Walang ka ngiti-ngiting sabi nito bago lumabas ng bathroom.

Nagmamadali siyang naligo para makasama sa hapag kainan ang asawa bago ito pumasok sa Opisina. Matapos magbihis ay takbo lakad ang ginawa niya pababa. Nasa sala na siya ng marinig niya ang tinig ng kaniyang asawa.

“Be careful baka madapa ka. Handa na ang breakfast sa dining table.” Kakalabas lang nito ng Library. Sabay na silang naglakad papuntang dining room. “May pupuntahan nga pala tayo after we eat.” Inalalayan pa siya nitong maupo.

“Wala kang pasok ngayon?” maang na tanong niya. Medyo matagal bagi nakasagot si Kelvin.

“Wala.” Lumapit na si Letty at inilagay sa mesa ang niluto.

           Pagkatapos ng agahan ay pumunta siya ng banyo para mag toothbrush. Hindi niya alam na sinundan pala siya ng asawa. Nagsipilyo rin ito sa tabi niya. Hinarap niya ito matapos niyang mag mouthwash.

“Galit ka ba sakin?” tanong niya dito.

“Hindi.” Matipid pa rin nitong sagot.

Pinilit niyang maniwala dito kahit na alam niyang nagsisinungaling ito. Hindi talaga niya alam kung ano ang nagawa niya na ikinagalit nito. Bigla niyang naalala ang nangyaring halikan nila ni Josh nung isang gabi sa may pond. Nag-alala siya na baka nakita sila ni Letty at nagsumbong ito sa amo. Siyempre mas loyal ito kay Kelvin dahil ito ang sumusweldo dito kesa sa kaniya na namamahala lang ng bahay nilang dalawa.

Tumalikod na siya para lumabas ng kuwarto ng bigla nalang siyang yakapin ni Kelvin sa kaniyang likod.

“I really miss you…… you know.” Inamoy nito ang likod ng kaniyang batok. Napapikit siya ng maramdaman ang init ng hininga nito. ‘I Miss you too’ sagot ng kaniyang isipan.

               Kelvin could not resist his wife’s charm. Kahit na galit siya dito dahil sa nasaksihan niya kagabi sa labas ng Marco Polo Hotel, ay hindi niya kayang tikisin ito. Mahal na mahal niya si Ciara noon hanggang ngayon. Pero simula ng makasal sila ay hindi niya maiwasang ma-insecure sa ibang lalaki lalong-lalo na ang ex nitong si Josh. Feeling niya mahal pa rin ng asawa niya ang ex nito.

Hinarap niya ito at minasdang mabuti ang mukha. Ito ang imahe na nakikita niya sa kaniyang pagtulog nung nasa Cebu pa siya. Nangungulila talaga siya ng sobra kaya napag-isipan niyang isama na ito kahit saan siya pupunta.

Inilapit pa niya ang kaniyang katawan sa katawan nito. Narinig niyang napasinghap si Ciara habang ang mga mata’y nakatitig sa kaniya. Tumaas ang mga kamay nito sa kaniyang mga braso at hinihimas-himas nito pataas pababa. Napa-ungol siya bigla dahil sa sensasyong naramdaman. Hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at bigla itong kinuyumos ng halik. Itinaas niya ito para maka-upo sa lababo at tinulungang ipulupot ang mga binti sa kaniyang bewang. Ang mga kamay nila ay parehong naghahanap at dinadama ang isa’t-isa.

Collateral Marriage COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon