Chapter 15

10.1K 144 0
                                    

                “Sir ano po ba ang gusto niyo sa kape?” tanong ni Olivia sa kaniya na nagpapukaw sa kaniya pabalik sa realidad.

“Black no sugar please.” Sagot niya sabay kuha ng isang folder at sinimulang basahin ang mga weekly reports. Narinig niya sumigaw ang dalaga na nagtitimpla ng kape sa coffee table. Pag tingin niya ay ang bilog nitong balakang ang nakita niya. Napalunok siya. ‘Naku patay ako kay Ciara nito pag nagkataon.’ Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa binabasa. Kailangan niyang mag concentrate sa binabasa at hindi sa ibang bagay. Maya-maya ay nag ring ang kaniyang cellphone.

“Sir may resulta na po ako sa pinagagawa ninyo sa aking imbestigasyon.” Bungad ng boses sa kabilang linya.

“Mabuti naman. Meet me at lunch. Alam mo na kung saan.” Sabay off ng cell phone. Inilapag ng babae ang kape at ngumiti sa kaniya.

“May maipaguutos pa po ba kayo Sir?” malanding tanong nito sa kaniya.

“Uhm wala na Ms. Lagdameo. Salamat. Puwede mo na akong iwan.” Papalabas na ang babae ng pumasok ang kaniyang asawa.

Tumayo siya para salubungin ito. “Hi… how’s work?” bati nito sa kaniya sabay pulupot ng mga braso sa kaniyang leeg.

“Terrible.” Sabay pout.

Natawa ito. “Bakit naman?” tanong ni Ciara.

“Kasi I have to work.” Lambing niya dito.

“Kung hindi ka naman magtatrabaho eh paano na kami ni baby?” inilapit pa ni Ciara ang katawan nito sa kaniya. Umungol siya.

“Your torturing me sweetie.” Hinalikan niya ang tungki ng ilong nito.

“Hehehe that’s the point. Maaga kang uuwi mamaya?” pinagkiskis nito ang tungki ng kanilang mga ilong. Umupo sila sa couch.

“Bakit may sorpresa ka?” sabay halik dito sa pisngi.

“Oo sana eh. Kaso kung may meeting ka eh ika-cancel ko nalang.” May pilyong ngiti sa mga labi nito kaya may idea na siya kung ano ang sorpresang nasa isip ng asawa.

“I think alam na ni B1 ang iniisip ni B2. Yun ba?” pinataas baba pa niya ang kaniyang mga kilay.

Tumawa ito. “Ang galing mo talaga kapag iyan na ang pinag-uusapan. Ano uuwi ka ba ng maaga mamaya? Miss na rin kita he.” Sabi nito sabay yakap sa kaniya. Inihilig nito ang ulo sa kaniyang balikat.

“Grabe ka namang mam-miss eh ginawa na natin iyan kaninang umaga ah. Hindi ka talaga nagsasawa sa alindog ko.” Biro niya dito. “Aray!” napasigaw siya ng kurutin siya nito sa tagiliran.

“Huwag mo naman akong ipahiya heart. Ikaw talaga.” Nag blush na ito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya.

“Halika nga dito.”Inabot niya ang bewang ng kaniyang asawa. Medyo lumalaki na rin ang tiyan nito. “Naku baby ang mommy mo napaka matampuhin.” Hinihimas niya ang tiyan ng kaniyang asawa. Nag research siya sa internet about sa mga buntis para may alam naman siya. Nalaman rin niya na malakas ang sex drive ng babaeng buntis. At nag fa-fluctuate ang sex drive ng mga ito kaya kung naglalambing ito ay pinagbibigyan niya kaagad dahil baka siya naman ang ma zero out kung wala ito sa mood through out pregnancy. And besides he love his wife so much kaya binibigay niya ang hiling nito sa kaniya.

Collateral Marriage COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon