Ang love parang pagpapahaba ng buhok ng mga babae, It takes time.
ENJOY!!! :)
•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•Maria's P.O.V
"Ano ba Maria? hindi kaba excited sa araw na ito?" Naririnig kong sumisigaw si Irish sa labas ng pintuan ng aking kwarto. "Bilis" nagmamadaling sabi niya."Eto na lalabas na".
Mabilis kong inayos ang aking higaan at binuksan ang pinto. Nakita ko ang aking matalik na kaibigan na tuwang-tuwa at napakasaya.
Siya si Irish Dela Cruz ang pinaka matalik kong kaibigan . Siya ay maingay, go with the flow sa buhay, masayahin, makulit at siya ang nagpapasaya sa akin araw-araw. Simula pagkabata ay mag kaklase na kami, lagi kaming magkatabi sa upuan at sinasabi niya din sakin kung sino man ang nagiging crush niya.
"Bakit parang lutang ka pa Bes?Bakit ang bagal bagal mo diyan?." Bumalik ako sa realidad na nasa harapan ko pala ang aking kaibigan at napaka rami niyang sinasabi. " Bes, ano bang gagawin natin sa araw na 'to?" Wika ko sakanya. Ano ka ba Bes, syempre dapat nating i-enjoy ang ating bakasyon, lalu na maraming gwapo niyan na galing sa Maynila upang mag bakasyon at malapit na din ang ating taunang fiesta sa ating barangay. Napaka pasaway talaga ng aking kaibigan, basta gwapo. "Hayy nako... Oo na saan ba tayo pupunta?" Natatawang sagot ko sa kanya. "Basta sumama ka sa'kin".
Hinila niya ang kamay ko, habang kami'y naglalakad papunta sa kung saan mang lugar kami mapadpad, naka salubong namin si Adonis na isa rin sa aking kababata.
Si Adonis Crisostomo ay masipag na tao, gwapo yung tipikal na probinsyano, simple, moreno, matangkad, maskulado ang pangangatawan at higit sa lahat singkit ang kanyang mga mata na kung saan na i-inlove ang mga kababaihan sa aming baryo.
Naalala ko noong mga bata pa kami lagi niya akong ipinagtatangol at inililigtas kapag nasa kapahamakan, lagi siyang nandiyan para sa akin at pati na rin kay Irish. " Oh! Maria, Irish, kamusta? Anong ginagawa niyo rita? Magiliw na bungad sa amin ni Adonis " Saan kayo pupunta?" Dagdag pa nito. " Hi Adonis! Mabuti naman, gusto mo bang sumama sa amin ni Maria?" Sabi ni Irish. " Pasensya na kayo kailangan ko pa kasing tulungan sina tatay sa pamimitas ng prutas at gulay at ibebenta pa namin" Nahihiyang sagot ni Adonis sa amin. "Ganon ba sayang gusto ko pa naman makasama kita este kaming dalawa ni Maria" Medyo malungkot na tinig ni Irish. "Ganun ba? Osige sa susunod sama kana ah? Sabay ngiti ko sa kanya.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad, maya-maya pa'y nakarating na kami ni Irish sa dapat naming puntahan. Nandito kami ngayon sa park, napakaraming tao, may mga batang nag lalaro, maraming sasakyan at napakaingay pero makikita na napakasayang mga tao kasama ang kani-kanilang pamilya. Mukhang ine-enjoy nila ang unang araw ng bakasyon. Naglakad-lakad at mamasyal upang makita namin ang iba't-ibang mga pamilihan hanggang sa mapagod.
"Hayy nako nakakapagod Bes" sabi ni Irish. "Oo nga ee, tara upo muna tayo" pag anyaya ko sa kanya. " O-M-G!!! Bes, tignan mo yun, ang gwapo nya no? Grabe kumpleto na ang araw ko" pilyong kinikilig-kilig na sabi ni Irish."yan ka nanaman eh, basta gwapo" sabi ko sa kanya sabay ngiti.
Nakakapagod talaga ang araw na 'to. Pero masaya dahil kasama ko ang pinaka matalik kong kaibigan. Palubog na rin ang araw at kailangan na naming umuwi dahil baka hanapin ako nila Papa at Mama, ayoko kasing sinusuway sa kanilang mga utos. Mahal na mahal ko sila at gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting anak. At maya-maya pa'y niyaya ko ng umuwi si Irish. " Tara Bes uwi na tayo, palubog na rin ang araw baka hanapin na ako sa bahay" sabi ko sakanya " Oo nga noh? Osige, halika na at umuwi na tayo " sagot naman niya sakin.
Pagka-uwi ko sa bahay nadatnan ko si Mama na nagluluto ng hapunan, niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi at nagulat naman ito sa ginawa ko. " Oh Shekinah anak, ang sweet naman ng anak ko kamusta ang lakad niyo ni Irish?" Tanong ng aking Mama."Ayus naman po Ma, ayun po habang naglalakad kami nakasalubong namin si Adonis. Niyayaya namin kaso may gagawin pa po daw eh. Pag dating naman po namin sa plaza kumain po kami, mamasyal at maglakad-lakad. Si Irish naman po Ma, puro gwapo ang bukang bibig. Natawa naman si Mama sa kinuwento ko. "Napaka masayahin at napaka sayang kasama ng batang 'yon, mabuti at siya ang naging kaibigan mo." Masayang sagot ni Mama.
Maya-maya pa dumating na rin si Papa galing Munisipyo. Siya kasi ay isa sa mga konsehal ng aming lugar. Mabait si Papa may pagka-istrikto nga lang, siguro dahil na rin sa ako lang ang nag-iisa nilang anak lalo na't babae pa ako.
Tinulungan ko si Mama sa pag-hahanda ng hapunan ako na rin ang naghugas ng pinag kainan. Pagkatapos kong hinugasan ang mga pinggan naghilamos na ako nag sipilyo at nagsuklay ng buhok. Nag bihis rin ako para sa pangtulog.
Oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala. Ako si Maria Shekinah Alvarez isang babaeng probinsyana, masunurin na anak, simple, masipag mag-aral kaya lagi akong nasa top, ang totoo niyan ako ang Valedictorian ng aming paralan. Sinasabi nila napaka ganda ko raw pero maniwala kayo sa hindi wala pa akong nagiging nobyo. Hindi naman sa mapili, kundi dahil alam ko na ang pag-ibig ay makakapag hintay naman. Tamang panahon, tamang oras, at tamang pagkakataon. Pag-ibig na si Lord mismo ang nagbibigay, at iyon ay tatanggapin ko naman ng buong puso. Pag-ibig na magbubuo ng aking pagkatao.
" Oh Shekinah, bakit gising ka pa at hindi ka pa natutulog" narinig ko ang boses ng aking Mama "Opo Ma, matutulog na po. Goodnight Ma" sagot ko at pinatay na ang ilaw.
Hayyy... Ang saya talaga kanina. Ano kayang mangyayari ngayong bakasyon?... Excited na ako sa susunod pang mangyayari.
•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•
Read. Comment. Vote
BINABASA MO ANG
Searching for the Sign (Vacation Edition)
Teen FictionThis is a story para sa mga taong naghihintay na darating ang kanilang one true love, taong umaasa na makikilala nila ang taong para sa kanila. Paano kung nagkatagpo ang dalawang pusong naghihintay at naghahanap? Magkakaroon ba sila nang tinatawag n...